Kakatapos lang ng klase at nagmamadali na akong pumunta ng tambayan, ngayong araw nadin ipapakilala samin ni Jester yung girlfriend niya. At grabe sila, kakaumpisa lang ng klase ko knina saka sila nagtext na nandun nadaw sa tambayan ung girlfriend ni Jester. Kaya heto ako ngayon,nilalakihan ang hakbang para makapunta agad dun. Habang naglalakad ako ng mabilis, ay may nakabunggo akong babae, at sa lakas ng pagkakabunggo niya ay muntikan ko na mahulog ung mga gamit ko, agad naman akong nagsorry pero ito lang ang natanggap ko sakaniya.
“Ano ba! Napakatanga mo naman! “
At jusko po, halos umakyat lahat ng dugo ko sa sinabi niya.Tiningnan ko yung babae,nakatalikod na siya . Nakadress siyang black, at naka white doll shoes. Matangkad at may mahabang buhok, May iba akong feelings sa babaeng iyon maliban sa inis. Ewan hindi ko maintindihan.
Pagdating ko sa tambayan, sila sila lang ang nakita ko, akala ko ba nandito na yung girlfriend ni Jester? Bakit sila lang.
Eloisa: Oh? Asan na? akala ko ba andito na?
Jester: Sandali, parating na siya. May kinuha lang siya, ay nandyan na pala siya. Ayun!
Tumingin ako sa direksyon na tinuro niya, Agad naman nanlaki ang mga singkit kong mga mata. Siya yung nakabangga ko kanina! May black na siyang Coat na hanggang hips niya lang at may white ribbon necktie na siya. Simple lang siya kumilos. Pero may iba, parang ang lungkot niya, nakikita ko sa mata niya, at parang may tinatago.
Alyssandra mariel Fernandez is her name. Alyssa for short Criminology ang course niya at 3rd year college nadin. Yun lang ang impormasyon na nakuha ko sakaniya. Simple lang siya kumilos at magsalita. Pero may iba eh. Pansin ko din kanina pang hindi mapakali si Tyrone. Hindi siya nakikisali sa usapan namin, hindi din siya makatingin saamin ng maayos. Lalo na kay Alyssa. Ano kayang meron?
At sa kalagitnaan naman ng pag-oobserba ko, bigla akong binatukan ni Karl.
Eloisa: Ano nanaman ba?
Karl: ano? Ok ka na?
Eloisa: Ewan ko..
Karl : Mabait naman siya. Simple..
Eloisa : Iba ang pakiramdam ko sakaniya karl. May iba.
Karl: sus, wala yan. Sa una lang yan.
Eloisa: Hay sana nga.
Matapos nang maikling pag-uusap naming ni karl, napansin kong nakatingin samin si Alyssa, ay hindi, sakin. Nakangiti siya sa akin. Kakaiba ang binigay niya sa aking ngiti. At kung ano man ibig sabihin nun. Hindi ko gusto.
~
Lumipas ang dalawang linggo na nakakasama naming si Alyssa. At ganun parin ang nararamdaman ko sakaniya, napansin ko din ang paglapit niya kela Reisner at Karl, habang wala si Jester. At ang mga titig din niya sakin, iba. Lalo na pag nakakausap ko si Jester. Si Tyrone, iwas parin siya kay Alyssa.Nakakapagtaka talaga. May nababalitaan din ako na madalas na pag-aaway ni Jester at Alyssa. Hindi ko nalang inalam ung rason kasi normal lang naman yun sa magkarelasyon.
Papunta na ako ngayon sa tambayan, nakita ko sa malayuan na magkausap sina Alyssa At Reisner. Malapit sila sa isa’t isa at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa. Tatayo na sana silang dalawa nung sumiigaw ako sa labas pa lang. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon,halatang nagulat sila sa nagawa ko,pumasok ako sa loob at nakita kong nakahawak si reisner sa kamay ni Alyssa na agad naman niyang binitawan.
Reisner: Oh, eloi, andyan ka na palaa.. (nanginginig niyang sabi)
Eloisa: Bakit kayo lang? nasaan ang iba?
Alyssa: May klase pa sila..
Napatingin ako kay Alyssa,yung titig niya sakin, may halong galit. Nakakatakot. Nag nod nalang ako at inutusan muna si Reisner na bilhan kami ng makakain. Hindi na sumama si Alyssa kay reisner. Naiwan kaming dalawa dito na nakaupo lang. maya maya napansin kong ang malalim na pagbuntong hininga ni Alyssa. Nakita ko na rin siyang nakahawak sa ulo niya at ang pagnginig ng kanyang kamay. Nilapitan ko siya. Tiningnan ko sa labas kung dumating na si Reisner pero wala pa siya.
Eloisa; Ui Alyssa, okay ka lang ba?
Hinawakan ko siya sa kamay, nagulat ako ng bigla niyang itinabig yun, tumayo siya at itinulak ako ng malakas na naging sanhi ng pagkatumba ko, tumayo naman agad ako,sa pagtayo ko ay bigla siyang nagwala, pinagsasampal niya sarili niya,pinagsasabunot niya din sarili niya. Sinusubukan mo siyang pigilan sa ginagawa niya pero tinulak niya ulit ako, at bigla niya ako sinakal. Sobrang higpit ng pagkakasakal niya, bumabaon ung kuko niya sa leeg ko. Masakit, nahihirapan nadin ako huminga. Sinubukan kong abutin buhok niya pero di ko maabot, matangkad siya masiyado at nakaheels pa siya. Hindi ko na alam gagawin ko.
Eloisa: Alyssa.. Bi..taawan mo akoo..di ako. Makahingaa..
Jester: Alyssa, bitawan mo si Eloisa!!
Hinila niya si Alyssa papalayo sa akin, napahandusay ako sa sobrang sakit. Umuubo akong naghahabol ng hininga. Dumating naman din si reisner at napatakbo siya sakin nung nakita niya ang sitwasyon ko. Inalalayan niya ako umupo. Hinang-hina na talaga ako.
Jester: Anong nangyari ?! Bakit mo sinasakal si Eloisa..
Reisner: Ano?! Nababaliw na ba kayo?!
Nagulat ako ng biglang umiyak si Alyssa.
Alyssa: Hindi ko alam kay Eloisa,nanahimik ako dito nakaupo na naghihintay sayo dito ng bigla niya akong pinagsasampal at sinabunutan. Lumaban lang naman ako kayak o siya siinakal, sa totoo lang matagal na niya akong pinagbabantaan. Layuan ko daw kayo kung hindi malalagot daw ako sakaniya, akala ko hanggang salita lang siya, pero hindi pala.
( dito na po muna. hahah. hanggang chapter 5 lng po. salamat sa kunting nagbabasa )
---- > si karl po yung sa gilid. :)
Pst karl! kung mabasa mo man ito. PEace yoww yeaaah. hahahaha :D
BINABASA MO ANG
Ang Barkada.
Mystery / ThrillerHi Guys. Bagong Wattpad story nanaman. kahit hindi ko pa natatapos ung isa kong gawa. :)) haha. Eh kasi, my project kami. Gagawa ng mini-series about sa mga ka grupo. so eto, madaming idea ang pumasok sa utak ko habang ginagawa yun. kaya naisipan ko...