07

40 3 0
                                    

~flashback~

*josh' pov*

Muntik na akong makita ni Klein sa hagdan kanina. Buti balot na balot ako. Di pa kasi right time para malaman niya na parehas kami nang tinutuluyan na condominium. Baka mamaya kung ano pa sabihin. Kaya yon, dumiretso na ako sa arena. Wala pang 30 minutes ay agad akong nakarating don dahil walang traffic. Bago ako bumaba sa aking sasakyan ay tinext ko muna si kean...

josh: pre ppunta ba kayo sa laban nila klein?

kean: oo, sinama kasi ako ni shanny eh, pati kasama din sila louisa pati nanay chera.

josh: silang lahat?!

kean: oo, wag ka mag aalala di naman sila galit sayo dahil sa ginawa mo kay klein. Hanggang ngayon parin ata boto sila sayo eh.

josh: pre, pwede favor?

kean: sige ano yon?

josh: lets pretend that we dont know each other

kean: lol why?

josh: klein pre

kean: di ka talaga niya maalala?

josh: oo, okay nga yun para di niya ako layuan eh

josh: kung pwede pakisabi na rin kela louisa

kean: okay, sama ko sila ae pati ace

josh: ba't kasama pa si ace?

kean: pinopormahan non si Chera eh

josh: naknang hahaha ge na, basta pasabi narin kela ae.

kean: bakit ikaw lang yung di naaalala ni klein? |

*kean's pov*

Di ko alam kung bakit si josh lang yung hindi maalala ni klein at the same time, hindi ko rin maintindihan. Kaya naman sa pagsundo ko kay shanny ay hindi na ako nagdalawang isip pang itanong ito sakanya...

"Baby, bakit hindi maalala ni klein si josh? tanong ko

"Bakit? bumalik na na si josh?" tanong din naman niya.

"Nagkita na nga sila eh" saad ko.

"Nako pasalamat siya dun sa ininom ni Klein na pampalimot na pills kasi dahil don magkasama sila ngayon. Kung wala yon baka masapak pa ni Klein yon sa sobrang galit. 3 times baby, tatlong beses siya iniwan. Masakit yon para kay klein." sabi niya

"P-pampalimot? P-pills?" nauutal kong tanong

" Oo, nagawa niya yon dahil sa sobrang sakit na iniwan sakanya ni josh. Araw araw, gabi gabi dala ni klein lahat nang sakit hanggang sa hindi niya na kinaya kasi yung puso niya laging nagppalpitate tapos sobrang sakit daw talaga nang puso niya pag nagaganon. Kaya nagdecide siya na mag take na nang pills para makalimutan siya. Umasa siya na hindi na ulit siya iiwan ni josh kaya sobrang pagmamahal ang ibinigay niya sa kanya. Tapos wala, iniwan parin siya ni josh. Hanggang sa hindi na nga kinaya ni Klein. Hirap na hirap siya sa paglimot kay josh" paliwanag niya

"Eh bakit ganon? Kayo, ako naaalala niya pa?" tanong ko naman ulit

"Once kasi na may na mention ka about dun sa mga nakalimutan niyang past niya, 98% ang possibilities na pwede ka niyang maalala. So yun, tinulungan namin siya sa lahat. Buti nga mabilis siyang maka pick up kaya wala pang 1month ay naalala niya na lahat except kay josh pati dun sa pagtake niya nang pills na yon. Di na namin minention kaya ayon wala siyang kaalam alam sa nangyari sakanila ni josh." paliwang naman ulit niya

"Walang side effects?" tanong ko ulit

" Wala naman siguro, pero lagi niya dapat alagaan yung ulo niya kasi once na ma sobrahan yun either pag mauntog siya, may possibilities rin na maalala niya rin lahat lahat na. Pati sobrang sakit daw non sa ulo pag nangyari yon. Pero sana naman hindi. Ayokong makita si Klein na nahihirapan nanaman" sagot niya

~ end of flashback ~

*kean's pov*

Time out nang dlsu, kaya naman sinabi ko agad lahat nang sinabi sakin ni shanny sa mga tropa para makatulong kela Josh at Klein dahil alam ko naman na hanggang ngayon ay nagsisisi parin si Josh sa kanyang ginawang pagiwan kay klein at alam ko namang mahal na mahal parin netong ni josh si klein.

4th set 19-22 ang score at lamang ang DLSU, maya maya pa nga ay nakita naming natamaan nang bola yung mukha ni Klein at agad naman ikinabahala naming lahat dahil sa mga posibilidad na pwedeng maalala ni Klein ang lahat.

Buti naman at nag pa sub itong si Klein upang makapag pahinga. Mukha ngang nasobrahan siya dahil napahawak si Klein sa kanyang ulo. Lahat kami kinabahan nang makita namin iyon. Di na kami masyadong nakapag focus dun sa laro, limang minuto ang lumipas nakita naman namin si Klein na medyo okay na, nabawasan namang ang pagka kaba namin. At nanalo pa nga ang team nila Klein! 1-3 ang standing.   Pagkatapos nang laro ay agad naman kaming bumaba para puntahan si Klein at gulat naman kami na magkasama na pala sila ni josh...

Accident {on-going}Where stories live. Discover now