013

22 2 1
                                    

*klein's pov*

7:30 am nang magising ako para makapag handa na papuntang school. Pumunta na akong kusina para mag luto nang makakain. Habang naghihintay, binuksan ko muna ang tv at nanood nang balita. Ilang minuto ang lumipas ay luto na rin ang pagkain at kumain na rin ako. Pagkatapos non ay hinugasan ko muna ang pinagkainan ko at tsaka maligo, after 15 minutes. Tapos narin ako at pumunta na sa kwarto para makapag bihis nang uniform. Naglagay naman ako nang powder at liptint bago umalis..

Iintayin ko sana si jerick kasi nga ihahatid niya raw ako papuntang school. Kaya lang baka malate na ako kung iintayin ko pa siya. Pati ayoko rin siyang ichat kasi nahihiya ako, sabihin ko nalang sakanya na mallate na kasi ako kaya hindi ko na siya hinintay.

Pagkalabas ko nang condominium ay may bumisinang sasakyan sa gilid ko at ikinagulat ko naman iyon. Nang makita ko ang sasakyan ay narealized ko namang sasakyan pala ni Jerick yon, akala ko nakalimutan niya na eh. Kaya naman lumapit na ako sa sasakyan. At bumaba naman si Jerick para pag buksan ako nang pinto...

"Ay, hehe salamat" sabi ko sakanya

"Ano? tara na?" tanong niya

"S-sige" sagot ko, bigla namang napatahimik. Kaya kinausap ko itong si Jerick

"Akala ko nakalimutan mo na eh" sabi ko

"Na ano?" tanong niya

" Na ihahatid mo ko ngayon papuntang school" saad ko

"Hindi ha! ako nga nagyaya eh" sabi naman niya

"Bakit hindi ka nag text?" tanong niya

"Nahihiya ako eh" sagot ko

"Bakit ka nahihiya?" ani niya,

"Ah? W-wala haha" saad ko

Hindi na siya nagtanong pa at nag patuloy nalang siya sa pag ddrive. Pagkalipas nga nang 15 minutes ay nakarating na kami sa gate nang school..

"Dito nalang ako sa harap nang gate jerick, s-salamat" sabi ko

"Ha? ayaw mo pa sa mismong loob nang campus?" tanong niya

"H-huwag na, nakakahiya baka makita pa nang mga ka teammates ko pati classmates." saad ko

"Kinakahiya mo ba ako klein?" nakabusangot niyang tanong

"Ha?! Hindi ha? Nahihiya lang akong makita nila na may naghahatid sakin, pati bakit naman kita ikakahiya?" sabi ko naman sakanya

"Aah, akala ko eh. Sige na baka malate ka pa" saad niya

"Sige, bbye! Salamat ulit" saad ko.

"Wala man lang kiss?" ani niya

"Loko! hahaha tsaka na, sige bbyeee!"paalam ko naman sakanya.. at dumiretso na nga ako sa room namin. Pagkapasok ko sa room ay nag iistart na pala yung klase, buti hindi na ako pinansin ni prof. sabagay minsan lang naman ako ma late. Pagkakita ko naman sa chair ko ay may isang lalaki dun na nakaupo, at mukha naman siyang baguhan. Pero hindi pwede yon! Sa buong sem na to diyan ako nakaupo! at diyan rin yung favorite place ko kaya hindi ko ito papalagpasin! :<

"Excuse me po pero that's my seat" nakangiti kong sabi, pasalamat siya nakangiti pa ako ngayon nako gg na ako. At maya maya pa nga ay napalingon na tong lalaking umupo sa upuan ko. And infainess, gwapo rin. Pero loyal muna ako kay jerick ngayon hehe...

Accident {on-going}Where stories live. Discover now