08

44 5 3
                                    

*klein's pov*

Tapos na nga ang laro at medyo okay narin naman ako. Pero hindi talaga maalis sa isipan ko yung mga naisip ko nalang bigla kanina na may nag ccheer raw sakin nang "Go Bal!". Pati hindi ko talaga makita yung itsura na may hawak nun, yung parang blangko yung mukha? Ppuntahan ko na sana sila nanay nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si jerick. Kaya pala tinatanong niya sakin kaninang madaling araw kung san gaganapin kasi manood pala siya. Hays ano nanaman kayang trip neto at bakit nanood pa?...

"Kleeein! Ang galing mo kanina ah!" bati niya

"Oh?! Bakit ka naman nandito?" tanong ko

" Ah Klein may sasabihin ako" sabi niya

"Ano yon" tanong ko naman

"Hindi mukha pinangsasalo sa bola ha, kamay klein, kamay." biro niya

"Hahahaha sakit kaya non! Ikaw kaya mapaluan nang bola sa ulo?! Hahaha" patawa tawa kong sabi.

Halos tawanan naman kami ni jerick habang naglalakad. Nakita ko naman sila shanny na pababa na papunta sakin. Balak ko sanang ipakilala sa kanila si Jerick nang may isang babaeng humila sa kanya sabay yakap naman din kay jerick...

" Omyghad Jerick! I miss you so muuuch!" ani nung babae habang nakayakap parin sakanya. Mukhang girlfriend niya yata ito kaya pumunta muna ako kela shanny.

*josh' pov*

Putangina! Bakit nandito nanaman si Dayanara?! Panira amp! Payakap yakap pa sakin. Ex ko itong si Dayanara, siya yung pinerahan lang ako at siya din yung pinangpalit ko kay Klein. Oo nga pala! Fan to nang ADMU kaya siguro nandito..

" Josh, im so sorry sa lahat nang ginawa ko. Narealized kong mali pala lahat nang ginawa ko sayo. Sinayang kita josh. Pero hanggang ngayon wala paring makakapantay sa pagmamahal mo sakin. Pwede ba--" hininto ko siya dahil alam ko nang ang susunod na sasabihin neto.

"No Dayanara! May iba na akong mahal. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na ako makikipagbalikan  sayo ulit?!"

"Pero josh, ikaw parin eh. Hindi ko na kakayanin na mawala ka na ulit sa buhay ko. Kaya pls... pwede ba?"

"Dayn, hindi pa naman ako talaga yung lalaking nilalaan nang puso mo. Marami pa diyang lalaki na kaya iparamdam sayo ang higit na pagmamahal kesa sa akin. Di na pwede maging tayo ulit Dayn. May iba na akong Mahal." saad ko habang nakahawak ako sa dalawang balikat niya

" *sighs* O-okay, i'll try to move on josh. Sana mahal ka rin nang mahal mo" maluha luha niyang sabi

" Thankyou  dayn" Mabuti naman at naintindihan narin ako ni Dayanara. Pagkaalis niya ay agad naman akong pumunta kela klein kasama sila shanny at kean.

" Oh! Jerick! Tapos na ba kayo mag usap nung girlfriend mo? Bakit nandito ka pa? Dapat kasama mo yon ah?" nakangiti niyang tanong, at mukha namang nagulat sila shanny sa pag dating ko at sa sinabi ni Klein

"A-ah ayon? H-hindi ko girlfriend yon, haha" nauutal kong sabi

"Hahaha sus sa mga yakapan niyo palang kanina eh" saad naman ni klein

" Ah ano nga pala! Guys! nakalimutan ko hehe, Jerick Lee nga pala. Siya yung nag ligtas sakin dun sa may sidewalk" Pakilala niya sakin kahit kilala naman na nila ako lahat

"Kilala na namin yaaan!" nagulat naman ako sa sinabi netong ni Ae at lahat naman ay napatingin sa kanya at mukhang gulat na gulat

" A-ah? P-pano?", magkakilala na pala kayo eh" mukhang nalilito naman na sabi ni klein pero yung mga kaba sa mukha namin ay hindi parin maalis kaya naman sinamaan ko nang tingin si Aeron

" B-baka naman hawig lang ae!" singit naman ni Kean

" Oo nga naman ae" sambit pa netong ni louisa

" Oy klein! Panalo kayo! Pakain namaaan!" pang iwas na sabi ni nanay Chera

" Hala! Pano na yan eh kkain rin kami kasama mga teammates ko" sagot ni klein

" Nubayeeern guurl! Ang KJ moo" sambit naman ni Nanay Chera

Natigil ang usapan nang may biglang tumawag kay Klein...

*Klein's pov*

"Ms Sy! Tara na dito!" Tawag pala ako ni coach.. ano kayang sasabihin neto?

"Ano po yon coach?" tanong ko

" Kakain na tayo tara na!" sagot niya, at naalala ko naman na nagaaya tong sila nanay Chera na kumain kami sa labas kaya naman nag paalam na muna ako

"Ah-- sir hindi po muna ako makakasama may pupuntahan pa po kasi kami nung mga kasama ko eh" paliwanag ko

"Eh sayang naman hindi ka makakasama samin" sagot ni coach. Nakita ko naman na dumaan samin si Steph kaya tinawag ko na

" Oy steph! Tara sama ka na samin" yaya ko sa kanya

"Saan?" tanong niya

" Basta! Sama ka nalang samin nila Louisa pati may kasamang paps dun si kean hahahah" asar ko naman sakanya, bukod na ka teammate ko siya ay isa rin siya sa squad namin nila louisa kaya niyaya ko narin siyang kumain samin.

"Sige na coach! Sama ko na tong si Stephanie ha! Byeee!" paalam ko kay coach

Pumunta na nga kami kela Nanay Chera para makaalis na

"Oh! nandito narin pala si Steph eh!" sambit ni Louisa

" A-ah hi miss! Aeron nga pala" Pakilala naman neto ni ae, at may pakindat kindat pa!

"Ay, haha h-hello! Im stephanie, you can call me steph for short" kinikilig naman na sagot ni stephanie nakooo sabi na nga ba eh hahaha

"YIEEEEE NEW OTP NANAMAN NANG TROPA HAHAHAHAHA MUSTA KA NAMAN KLEIN" Asar naman neto ni Nanayy Chera

"Luh na-" napatigil namang akonang biglang sumabat si jerick

"Nandito naman ako para kay klein" at wow may kindat pa talaga siyang nalalaman di ko alam kung kikiligin ba ako dito o mandidiri sa lalaking to eh hahahaa di ko expect yon ha

"Loko!" sabi ko naman

"YIEEE JO-" Bigla naman napatigil si shanny nang bigla sumigaw itong si Jerick ewan ko kung bakit pero nag mukhang siyang Baliw hahaha

" YIEE JERLEIN PALA HEHE" mapakla na sabi naman ni shanny, ewan ko ba kung bakit mukhang kinakabahan tong si shanny eh

*shanny's pov*

sht! muntik ko na masabi yung OTP Name nila dati na JoshEin, kung hindi pa sumigaw si josh baka maalala nalang bigla lahat ni klein.

Sumakay na nga kami sa aming sari-sariling sasakyan. Well, hindi naman talaga "sarili" bale parang hiwa hiwalay kami, Ako kasama si Kean, Tapos si ae naman sinama na sakanya si steph para naman daw makapag kilala sila sa isa't isa haha lupet rin humakage eh. Tapos eto naman si ace, dahil nga pinopormahan si Nanay Chera pinasabay niya na sakanya. At si josh naman siyempre kasama niya si klein, at eto naman si Klein pinasama pa sa kanila si Louisa sayang moment na nila sana kaso ang bulong naman sakin neto ni Klein is wala naman raw sila kaya g lang hahah.

Napagusapan namin na magkitakita nalang sa Yakimix sa SM Dasma, meron naman sa MOA pero ewan ko ba sakanila gusto pa nila sa malayo.. Roadtrip daw kasi gusto nila kaya yung G narin ako...

Accident {on-going}Where stories live. Discover now