011

44 4 1
                                    

*Klein's pov*

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakapili narin kami nang masasakyang rides. Medyo natagalan, kasi hindi lahat pare parehas yung gusto. Gusto namin ni Shanny una, sa space shuttle kasi nga mamaya maraming nang tao dun, okay naman din kay jerick pero si kean ayaw yata, pinilit nalang namin at sa wakas, napilit rin namin.

Dahil maiksi pa nga lang ang pila ay madali lang kaming nakasakay. Kami ni jerick sa harap at sila shanny naman ay nasa likod namin. So inayos na nga namin yung seatbelt, bago pa man into umandar ay nakita ko naman tong si Jerick na nag ssign of the cross, haahhaha kinakabahan na to. Samantalang ako, wala lang enjoy enjoy lang. Tinanong ko namin sila shanny kung okay lang sila

"Ano? okay lang kayo diyan?" tanong ko, aba! hindi na naka imik yung dalawa, halata sa kanila na kinakabahan sila, samantalang si shanny nag mamatapang na sumakay dito kanina hahahaha. Nagsimula na nga umandar, una mabagal kaming inaakyat dun sa pinakatuktok, siyempre ako chill chill muna tapos nakita ko naman tong si jerick na ang seryoso nang mukha di mo malaman kung kinakabahan eh hahaha. Hanggang sa mabilis na nga kaming binaba dun sa tuktok. Wala akong ginawa kundi sumigaw lang.. Pagkababa nga namin ay mukhang mamatay na tong si kean sa sobrang putla

"Pre! buhay ka pa ba? Hahahah" asar sa kanya ni jerick. At hindi na niya ito pinansin pa

Next naman naming sinakyan is yung anchor's away. Habang nasa pila pa kami, pinapanood namin yung mga nakasakay na dun, tapos may couple dun na sobrang clingy, well, expected na talaga yon pagdating sa gantong rides. Pagkatapos non ay nakaabot pa nga kami, dun pa kami sa pinakadulo, kung san yung pinaka masayang part. Bali yung arrangement namin is gilid si jerick tapos ako tapos kay shanny tapos na sa kabilang gilid naman si kean. Siyempre habang tumatagal, mas tumataas yung hagis, nung mas tinaas pa nga, di na napigilan nila kean at jerick na pasigaw pero yung in manly way ganon tapos si shanny napakapit na sakin.Tapos ako ginawa ko yung mga gestures ni Bok Joo hahahahah wala eh, di naman masyadong nakakatakot.

Pagkatapos naman namin sa anchor's away nagyaya naman si jerick na pumasok kami sa horror house.

"Oy tara! Dun tayo sa horror house! yaya naman ni jerick

"Oo nga! Masaya dun, ano? shanny?" sabay yaya ko naman kay shanny

"Ah, eh hehe kayo nalang" sabi naman ni shanny

"Ah, oo nga kayo nalang" at biglang sabi naman neto ni kean..

"Sus! baka naman natatakot lang kayo! Hahaha" asar ko sa kanila

" Ha? hindi ha, napagod lang ako kanina dun sa anchor's away" sabi ni shanny

" Oo nga, ako rin" sabi rin naman netong ni kean

"Sus, sabihin niyo lang na natatakot kayo. Hahahaha" asar ni jerick

"Psh! Wala lang naman yon! Tara na! sabay sabay tayong lahat papasok" yaya ko. Nang makarating na kami sa horror house, papasok na sana kami nang bigla kaming harangang nang isang staff don

"Uhm, excuse me, maam, sir. Pero two persons lang pwede makapasok. Susunod nalang po yung iba." sabi namin nung lalaki

"Oh, okay" sagot ko naman dun sa lalaki

"So pano ba yan? Una na kami, sunod kayo ha! Pag hindi, libre niyo kami foods, deal?" hindi ko na inintay yung sagot nila at dali dali ko nang hinila tong si jerick papasok sa horror house. So nung nandun na kami mismo, Nasa likod ko lang si jerick at nakahawak siya sa mga balikat ko, mukhang kabisado niya na dito kasi once na may nang ggulat hinaharap niya ako, eh hindi naman ako takot, nagugulat lang ganern kaya tinatawanan ko nalang siya. Nang papalapit na nga kami sa exit ay bigla nalang may bumagsak mula sa itaas na parang ulo nang isang tao, at ikinagulat naman namin ni jerick yon. Dinampot ko naman iyon at natawa ako sa nakita ko.

Accident {on-going}Where stories live. Discover now