I'm Destined With My Bestfriend

37 2 4
                                    

CHARACTER:
Jasmine Gwynevere
Spencer Archimedes
Sheen Archimedes


***

"ANO?! Sigurado ba yang si tita? Ha?" As expected na reaction ni Spencer.

"Ouch, ha! Masakit naman po sa tainga..." sabi ko sabay takip sa tainga ko.

"Eh, Jasmine. Arrange marriage yan, eh. Seryoso ang mga ganyang bagay. Paano naman yan?! Ipapakasal ka sa taong di mo naman kilala, tsk!" Halata sa boses niya ang pagkairita.

"Spencer, I'm going to be fine, okay? Tsaka, what do you expect? We're in business world.  Now stop worrying, my bestfriend.." lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Wut? Walang yung malisya sa amin.

I felt him hugged me back...

"Sigh... okay. I trust you. Basta pag pinaiyak ka niyang future husband mo, pumunta ka lang sa akin nang maresbakan natin yan.." parehas kaming natawa sa sinabi niya.

Acting like my..... err, boyfriend? O_o No, I mean acting like my dad pala.

"Opo, dad. Lol, anyway gusto kong mag sleep over sa unit mo, puhleasee.." puppy eyes.

"Sure, ako nang bahala kay Tita.." he smiled.

See? Ganyan kami kaclose. Walang malisya, we treat each other as a brother slash sister. In short, para kaming magkapatid...

***

Lumipas ang 5 buwan... Napansin kong simula nung sinabi ko sa kanya yung tungkol sa arrange marriage, naging malungkot siya. Feeling ko nagiging cold pa siya sa akin. And oh! Minsan, naririnig ko pang sabi niya, 'manhid daw ako'. Luh?!

"Spencer, are you okay?" Tanong ko sa kanya. Ang lalim kasi ng iniisip niya.

"Yeah, don't mind me. Just..... ugh!" Padabog siyang pumunta sa cr ng kwarto niya. Hala!

Lumabas siya sa cr after some minutes na basang basa ang buhok.

"May problema ba, Spenc---"

"Spencer..." pumasok si Sheen sa kwarto ni Spencer, napatigil pa siya ng nakita niya ako pero napangiti pa rin. "Jasmine, andito ka pala. Gusto ko lang makausap si Spencer.."

"What the heck do you want, Sheen?!" Natawa naman si Sheen habang ako, nakakatakot pala si Spencer. Mukhang may galit siya kay Sheen, ah.

By the way, Sheen and Spencer are cousin...

"Haha, I just wanna talk to you. About dun sa... alam mo na.."

"Ugh..." tumingin naman siya sa akin at... "Jas, wait lang.." I just nodded. Mukhang importante yung pag uusapan nung magpinsan.

After a couple if minutes, bumalik si Spencer pero hindi na kasama si Sheen. Ewan ko pero, feeling ko mas nabadtrip pa si Spencer. Ano kayang pinag-usapan nila ni Sheen?

"Ssshh... ugh! Badtrip!" Umupo ulit siya sa couch, sa tabi ko at inakbayan ako. Gets niyo yung sshhh... na sinabi niya? Pfft, nag pipigil na yan magmura. Alam niya kasing ayaw ko sa mga nagmumura.

"Spencer? You're okay?" Tanong ko sabay sandal sa balikat niya.

"Sigh.. Hayaan mo na ako, Jasmine. Isipin mo na lang yung kasal mo, malapit na yun diba?"

Shoot! Oo nga pala.. Malapit na yun.

"Jasmine?"

"Hmm?"

"Iaarange marriage din si Sheen..."

"Huh?" Napatingin ako sa kanya. Kaya ba siya badtrip?

"Ssshh, di mo gets? Okay, malalaman mo na lang sa kasal mo.."

Wait, buffering.. Arrange marriage? Si Sheen? Sa kasal ko malalaman? Wait, posible bang...

"Siya yung groom?" Tanong ko sa sarili ko at napatingin din sa akin si Spencer.

"Yeah, tumpak Jasmine."

"WHAT?! No wayyyy!!!!" Sigaw ko. No way talaga. Ayoko ngang maging groom si Sheen. Siya yung magiging future husband ko. NO!!!!

"Yes way, sabi mo sa akin, business world yan. Basta pagpinaiyak ka niyang pinsan ko, pumunta ka lang sa akin.."

Walang ano ano ay niyakap ko siya. And I felt that my cheeks are wet. I'm crying..

"Sssshhh, everythings gonna be alright, Jasmine. Andito lang ako." He hugged me back and caressed my back to comfort me..

"Please, Spencer. Ikaw na lang..."

Parehas kaming natigilan. Wait? What did I just said?

***

Wedding Day... I felt weak. Hindi ko nga napansin na kasal ko na pala. Lagi akong nagmumukmok sa kwarto at namamayat na rin ako.

After that I cried at Spencer, umalis siya papuntang Korea dahil may aasikasuhin daw siya. At sabi niya, Tsk, kung hindi lang talaga kita bestfriend, hindi ako aattend ng kasal mo.

"Jasmine, are you okay?" Tanong sa akin ni Mom habang naglalakad kami sa aisle.

"Mom, how can I be okay if I don't like my future husband?"

"Jasmine..." sabi dad using his warning tone. Napatingin naman ako kay Daddy na nasa left side ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Ugh! Andito kaya si Spencer? Malamang, best man yun, eh. But---ugh!

"Don't worry, Jasmine. You'll like him.." I sigh... again. Napatingin naman ako sa harapan. Ugh, nakatalikod si Sheen. Ampangit ng likod niya. Tsk...

"Anak, we're here.." napatingin ako ng matalim kay Sheen.

"Haha, what?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Are you really the----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bastusan, ganun?

"Best man? Yeah, looking for your groom?" Tumabi siya ng konti at.... I was like, oh my god!

Lumapit ako sa kanya at... "Ikaw! Pag ako pinaiyak mo, ako na lang ang reresbak sayo.."

Natawa naman siya...

"Ehem, you can marry our daughter now. She is now all yours.." sabi ni Daddy.

"Take good care of her.." sabi naman ni Mommy with her tears of joy.

"Yes, Tita. I'll take of her.." at tumingin siya sa akin. "...Because I love her..."

Yiee, kaya naman pala siya umalis kasi inayos niya pala yung mga dapat na ayusin. Para din daw siya ang pakasalan ko.

Lemme guess, Spencer will be a good husband of mine.

Dear Destiny,

Thanks for making me and Spencer destined. I'll say that, I'm destined with my bestfriend.

Sincerely yours,
Jasmine Gwynevere- Archimedes

***

Hey guys! Nakarinig na kayo ng story na medyo similar sa story na ito. Kung oo, well, sorry na lang kasi, this story is from the author's brain. (LoL)

By the way, sino na dyan ang destined with bestfriend? Comment your name with matching raise-hand.

PS. Kung gagawa kayo mismo ng POV ni Spencer, try niyong i-play yung Bestfriend na kanta by Jason Chen.

Yun lamang...

---Ate Chanda♥

I'm Destined With My BestfriendWhere stories live. Discover now