Bumaba ako bago ang subdivision.
Nakakainis parang may napigil sakin na umuwi.
Hindi naman masama kung pupunta ako doon diba?
Uh! Fck this hesitation
Magtatanong lang naman ako tungkol sa workshop. Walang masama dun.
Tumakbo na ako papunta sa sakayan ng jeep.
Hindi ko na kailangan ng sign sign na yan. Hindi don nakadepende ang mga magiging desisyon ko. Pati gusto ko talaga.
Sabi nga, kapag gusto may paraan kapag ayaw may dahilan.
Pagsakay ko ng jeep, medyo malayo pa pala ang Russo University. 45minutes daw ang byahe.
Kinuha ako ang cellphone at nagfacebook muna. Scroll scroll lang, tingin ng mga post.
Napascroll ulit ako pataas dahil may inupload na picture yung kaklase ko dati.
"A summer full of rhythm."
Register now at Russo UniversityThat poster.. sign!
Pagpasok ko ng Russo, hinarang agad ako ng guard dahil wala akong ID.
"Workshop po. Mag-iinquire po sana ako." Wika ko.
"Sa main building ka pumunta." Tinuro niya yung mataas na building na puting puti ang kulay.
Nagpasalamat ako sa guard at pumasok na ako sa loob.
"Saan po pwede magtanong tungkol sa workshop?" Tanong ko dun sa babae na nasa window 3 ng cashier.
"Diretso ka, tapos may nakikita kang hagdan pababa sa may kanan. Dun yung office ng director."
Nagthank you ako tapos umalis na.
Bakit kaya director pa ang kailangang kausapin. Wala bang ibang staff ng school ang pwede? Hindi ganon ka presentable ang suot ko at baka hindi ako ientertain ng director.
Sana mabait siya. Uuwi na talaga ako pag mukhang nakakatakot yung director na yun.
Kumatok ako at biglang bumukas ang pinto. Binuksan ng may kulay red na buhok.
So may medyo matandang lalaki na nakaupo sa harap ng mesa tapos may apat na tao sa loob. Panglima akong pumasok.
Yung isang babae kulay red ang buhok. Medyo kasing height ko siya. Matangkad din. Naka sleeveless siya na white tapos nakajeans na black at vans na white.
Yung isang babae naman na nakaoff shoulder na pang itaas tapos naka short-shorts at naka heels.
Saan ang rampa teh?
Yung dalawang lalaki naman nakatshirt pareho ng Russo University tapos may seal nung school sa gitna. Tapos may pangalan sa kanan na sleeve nung tshirt.
Leander..
Luke P.
May inabot saming papel yung secretary nung director.
"Fill up the form." Sabi nung director.
Tiningnan ko yung papel. May all caps na nakalagay.. Registration Form.
"Sir, magiinquire pa lang po ako. Hindi pa po ako magreregister." Apela ko dun sa director.
"Why? Ayaw mo bang sumali sa workshop? Everyone's dreaming to become a part of this camp every summer. Maswerte kayo dahil huling papel na yang mga hawak niyo."
Lumapit ako ng konti dun sa director..
"Magkano po ba?" Bulong ko. Nakakahiya naman kasi, apat kami dito sa kwartong ito tapos iyon pa ang unang kong tanong.
Tumawa ng bahagya yung director.
"I'll explain the details first."
So ayun nga. Ang camp pala ay Monday to Saturday. Ibig sabihin, pwede kaming umuwi sa Saturday ng hapon at bumalik sa Monday ng umaga. Tatagal ang workshop ng 2 months, so April at May.
Dito siya gaganapin sa Russo dun daw sa Hacienda..
Yaman eh noh? May university na, may hacienda pa. At balita ko sa Villa daw may mansion dun yung original na Russo.
I mean yung pinakaunang Russo, yung Russo na nagpatayo nung school.
Rick kid be like. Hacienda here.. Villa there.. Kayamanan everywhere..
In the end, sinagutan ko na din yung form. Paano ba naman. 5k lang daw.
Oo, 5k. Para lang daw yun sa pagkain namin. Sagot na kasi ng school yung sound system pati yung iba pang mga gagamitin.
Magpapabebe pa ba ako?
Edi sinunggaban ko na yung form. Last na daw yun eh.
Kwento din sakin ni Lian, yung babaeng mukhang posporo. De joke lang, mabait yun. Yung kulay red ang buhok. Sabi niya tubo pa rin naman daw ang Russo University dun dahil every end ng May pa-Battle of the Bands saming lahat ng kasali sa workshop. Tapos yung kikitain ng school ay doble pa raw sa pagpapaworkshop samin dahil madami ang nanonood.
So ayun.. napasubo ako sa summer camp na ito.
"Pero sure akong mageenjoy ka dito. Laging may bagong pakulo ang school na 'to tuwing summer." Kwento pa din ni Lian.
"Teka. Eh bakit ang dami mong alam tungkol dun?" Nagtataka ako kasi naman ang dami na niyang nakwento.
"Dito ako napasok eh" sabi niya ng nakangiti. Ngiting ngiti.
Rich kid din pala ito eh. Ang mahal kaya ng tuition sa university na ito.
Dumadami na ang tao dito sa cafeteria at buti nalang tapos na kaming kumain.
Naglalakad na kami palabas ng university dahil gusto na ko din umuwi.
"So bakit pala red ang buhok mo?" Out of the blue kong tanong. Ang tahimik kasi naming naglalakad.
"Hindi yan red! Scarlet yan!" Hanggang sa makalabas kami ng university. Ipinaglalaban niya pa rin na scarlet ang buhok niya at hindi pula.
"Bye na. Dito ang daan ko." Turo ko dun sa kaliwa.
"Ay hindi pala tayo parehas ng daan. Dito ako eh.. Kita nalang ulit tayo sa lunes!" Tinuro naman niya yung sa kanan. Tapos umalis na siya. Kaya lumakad na ako hanggang kanto at sumakay ng jeep.
Summer Camp na sa Monday. GG ako kay mama.
3k lang yung pera ko.
Poorita be like
BINABASA MO ANG
This Summer
Teen FictionNgayong taon na ang pinakaexciting na summer ni Mori. Nagkaroon siya ng chance na makasama sa Summer Camp ng Russo University. Isang camp na punong puno ng musika, saya at pag-ibig. This year... "A summer full of rhythm." Register now at Russo Unive...