PANIMULA

36 6 2
                                    

"A summer full of rhythm."
Register now at Russo University

Paniguradong mahal ito.

Wika ko sa aking sarili dahil obvious naman talagang mahal ang Summer Workshop na 'to. At hindi pa basta workshop, camp siya. Sa ganda ba naman ng poster, hindi siya yung basta pipitchugin sa tabi tabi.

Pangmayaman siguro Mori..

Napahinga ako ng malalim paalis na sana sa pagkakatayo ko sa harap ng poster na nakadikit sa isang pader dito sa labas ng subdivision namin.

"Sasali ka?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

"Hindi eh" sagot ko sa kanya habang pinasadahan ko muli ng tingin ang poster.

Gustuhin ko man, hindi pwede.

"If I were you.."

Napalingon ako sa kanya dahil tumigil siya sa pag sasalita.

Lumingon din siya.

Shit. Ang gwapo.

"Sasali ako."

Omg. He just smiled at me.

Naglalakad na siya palayo pero nakatayo pa rin ako dito at natigilan.

Kasali kaya siya sa camp na yon?..

Pangarap kong tumugtog sa harap ng maraming tao.

Pero mahal, Mori. Hindi nagtatae ng pera ang mga magulang mo.

Pero mahal nga ba? Hindi pa naman ako nagi-inquire eh. Wala kasing fee na nakalagay sa poster. Event details at venue lang ang nakalagay sa poster.

Kaysa pagsisihan ko in the end diba?

Naglakad na ako pauwi. Subdivision naman ito at kahit medyo malayo ang bahay namin, safe naman dahil bihira ang sasakyan.

But if any chance that makakasali nga ako. It's not because of him.

It's because of music.

Mag iinquire ako bukas.

This SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon