Pagdating namin sa harap ng cottage.
Ang gandaaa
"Hoy Mori, luluwa na yang mata mo." Puna ni Seo. Tumawa naman sina Paul at Lian. Si Ralph naman napangiti lang. Hinhin ah? Boy version siya ng dalagang Pilipina.
"Ang ganda! Sobraaa." Hindi na napigalan ang pagkamangha ko. Pati si Lian hindi na din nakapagpigil.
"Wow ang galing! Buhangin talaga to?" Tanong ni Lian. Yumuko siya tapos kumuha ng buhangin dun sa kinatatayuan namin.
"Ngayon ko lang nakapunta dito?" Tanong ko dahil manghang mangha siya.
"Oo, parte na kasi ito ng hacienda. Ngayon lang ako nakarating dito." Sagot niya.
Nauna nang pumasok ng cottage sina Paul.
Tapos na kaming mamangha ni Lian sa buhangin kaya pumasok na din kami.
Pero hindi pala doon magtatapos ang pagkamangha ko.
"Ang ganda!" Nasabi ko nalang bigla.
Halos lahat kasi gawa sa kahoy. Yung lapag, pader, mesa, upuan, kama, pati yung bintana. Kahoy din siya, kawayan yata ito na may itinutukod na stick pag bubuksan tapos aalisin mo yung stick kapag isasara na.
Ang galing. Ang ganda. Sobraaa!
Para akong bumalik sa sinaunang panahon.
Pero ang nakapukaw ng atensyon naming lahat ay parang studio dun sa dulo ng cottage.
Mayroong mini stage na may isang set ng drums, may iba't ibang klase ng guitar, may keyboard din tapos apat na stand para sa mic.
Grabe, natupad ang isa sa mga nasa bucket list ko. Ang makakita ng mga instruments pang banda.
"Tarang kumain!" Aya ni Seo bago siya lumabas. Sumunod naman sa kanya si Ralph.
Kinuha ko yung phone ko tapos sumunod na din kami ni Lian. Si Paul naman nauna na sa amin.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko. Hindi ko kasi kabisado ang school
Nandito kami sa kainan na itinayo sa may gilid pa din ng lake. Mukha siyang kubo na malaki, as in sobrang lawak. Itsurang native pa siya. Sa isang gilid, nakahanay dun yung mga ulam at iba pang pagkain tapos mga upuan at mesa sa gitna. Gawa din sa kahoy yung mga upuan, mesa, at iba pang gamit dito. Kutsara, tinidor at baso lang yata ang hindi.
Hindi naman mukhang mahilig sa native ano?
"Ano ba yan! Ang bagal niyo naman kumain!" Pagaasar ni Seo. Palibhasa lunok lang siya ng lunok.
Hindi nginunguya.
"Teka, hindi pa nga pala tayo masyado magkakakilala ah." Sabi ni Lian na kakatapos lang din kumain.
"Diba dito kayo lahat napasok?" Tanong ko at sabay sabay silang tumango.
"Eh bakit hindi kayo magkakakilala?" Hindi makapaniwalang pahayag ko.
"Sila kilala ko talaga." Turo ni Seo kina Ralph at Paul.
"Siya naman nakikita ko dito sa university." Si Lian naman ang tinutukoy niya.
Ah so ako lang pala ang others dito? Rich nila eh noh?
"Ikaw? Diba outsider ka?" Napatingin ako kay Ralph. Nakakakaba yung tingin niya ha.
"Oo. Nakita ko lang itong workshop sa poster." Paliwanag ko.
"Magpakilala nalang ulit tayo, para maganda." Suggest ni Lian.
Syempre nauna ang bida bidang si Seo.
"Pwede akong kumanta, maggitara at medyo sa drums. Pero mas maganda siguro kung vocalist ako." Saad niya.
"Syemre kailangan may mukha ang vocalist para may panghatak tayo ng fans. Ako lang naman ang nag iisang Eliseo Zapanta, ang chick magnet ng Russo" Dagdag niya. Medyo napataas lang ng kauntian ang kilay ko.
So lapitin pala siya ng sisiw
Sumunod si Lian.
"Pwede ako magkeyboard. Tinuruan kasi ako magpiano nung bata. Medyo maalam din naman akong kumanta pero mas gusto ko tumugtog."
"Anong nagudyok sayo na magkulay pula ng buhok?" Bigla akong napatawa sa tanong ni Ralph, ganun din si Seo at Paul.
"Hindi nga sabi pula yan. Scarlet siya! Scarlet."
"Scarlet, anong pangalan mo. Ngayon lang kita nakita dito sa Russo." Ay intresado si Ralph.
"Lianna Santiago"
After ni Lian, sumingit na ako.
"Mori Laxamana, drummer."
"Paul Alaguia, bassist."
"Ralph Adanza, lead guitar."
Bumalik na kami sa cottage para pagplanuhan ang band name.
BINABASA MO ANG
This Summer
Teen FictionNgayong taon na ang pinakaexciting na summer ni Mori. Nagkaroon siya ng chance na makasama sa Summer Camp ng Russo University. Isang camp na punong puno ng musika, saya at pag-ibig. This year... "A summer full of rhythm." Register now at Russo Unive...