"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong sakin ni Lian. Nakita ko siya at nakita niya ako kanina pagpasok ko ng gate ng university.
"Masama loob ng nanay ko sakin" Walang gana kong sagot. Kasi ayaw niyang maniwala na Summer Camp ang pupuntahan ko. Tinawagan pa ni mama yung director para makasigurado daw siya dahil baka maglalakwatsa lang daw ako. Hindi lang yon. Hiningi agad ni mama yung resibo matapos akong makabayad nung fee. Baka daw ipangluho ko o kaya ipang gimik ko daw kasama yung barkada ko.
Jusko, ang nanay ko.. Napapraning na sa kadalasang gawain ng mga kabataan ngayon.
"Hindi nga ako iniimikan. Sinamahan lang ako sa sakayan ng jeep. Tapos ayun na yon. Walang babye." Dagdag ko.
"Bigyan mo lang ng peace offering pag uwi mo. Okay na yun." Sabi ni Lian. Tiningnan ko siya at huminga ng malalim.
Hay nako
Nasa field na kami at hinihintay nalang yung speaker ng program.
Sobrang lawak ng school. Napapanganga sa tuwing nililibot ko ng tingin. Ang laki ng field, sobra! Parang kasya dito ang 8 na basketball court. Tapos sa bandang right side ng field pagnakaharap ka dun sa stage na sineset up, may makikita kang mga puno. Tapos sa likod ng punong yon, andun yung lake. Hindi ko alam na may lake pala dito sa university na 'to, kung man made ba siya o natural? Kasi hindi ko talaga alam na may lake pala sa lugar na ito.
Hindi nagtagal dumating na din naman ang speaker. Nagpakilala siya as Sir Law. Short for Lawrence daw.
"You are all required to form a band or a group of 5. Syempre para sa Music division, 3 or more ang required. Bubuo kayo ng banda at kayo kayo na ang magkakasama hanggang concert ng workshop. Para naman sa dance division, 5 or more members ang kailangan." Paliwanag ni Sir Law.
Pano kami makakabuo ng grupo kung gayong hindi lahat kami ay magkakakilala?
"Uy, sama na tayo ah. Music division ka din ba?" Bulong sakin ni Lian.
Tumango ako at nakahinga ng maluwag. Buti nalang may kasama akong kilala ko.
Binigyan kami ng oras para maghanap ng makakagrupo namin.
Nakatayo na kami ni Lian at natingin tingin sa paligid. Yung iba kasi may grupo na.
May lumapit samin na lalaki.
"Kayo pa lang?"
"Oo" tumango kami ni Lian.
"Sali ako." Tumabi siya samin at may tinawag na isa pang lalaki.
"Ralph nga pala." Sabi nung lalaki na bagong dating. Mukha naman siyang mabait pero mukhang seryoso.
"I'm Paul. Okay na ba tayo? O kailangan pa ng isa?" Mukhang marami siyang kilala ah.
"Isa nalang siguro okay na." Sabi ko.
May tinawag ulit siyang isa pang lalaki.
"Seo!" May lumingon na lalaking naka sando. Maganda ang hubog ng katawan niya. Obvious na nagg-gym.
Lumapit ito samin.
"Hi girls!" Sabay kindat. Masama ang kutob ko dito.
"Ay biro lang. Haha! Seo pala, I'm here from Russo University." Joker. Joker siya.
"Hi! Ako si Lian." Tapos nakishakehands pa. Iba eh. Parang may hangin akong nasesense dito sa Seo.
"I'm Mori"
"Nice name, Mori." Sabi niya habang nakangiti.
"After niyo makabuo ng group, pumili kayo ng isang representative para bumunot ng cottage number niyo." Sabi ni Sir Law.
Hindi pa kami nakakapamili ng representative pero..
"Ako na bubunot, trust me I'm good at this." Tapos umalis na si Seo.
Hanep ang loko. Hindi manlang kami hinintay sumagot.
"Bakit unahan sa pagbunot? Parang anong big deal dun diba? Cottage number lang siya. Bakit grabe magsiksikan dun, hindi naman siguro nagkakaubusan diba?" Turo ni Lian dun sa gilid ng stage kung saan ang bunutan. Kahit kasi dito napasok si Lian ay first time niyang sumali dito sa workshop.
"Taon taon tuwing camp, pinagaagawan ang mga cottage na nasa gilid ng lake." paliwanag ni Ralph kahit serious face pa din.
Nakakatakot to. Parang ang hirap biruin, baka majombag ako.
"Ilang cottage ba yun?" Tanong ko, nacurious ako eh.
"Tatlong cottage lang ang malapit sa lake." Sagot pa din ni Ralph.
"Wait, ibig sabihin magkakasama tayo sa iisang cottage? Edi sama sama din tayo ng tutuluyan?" Apela ko. Kasi iba pa din yung hiwalay ng kwarto ang lalaki sa babae.
"Ayos lang naman yun dahil, protected ng CCTV ang lahat ng sulok ng cottage. Except lang sa cr syempre. Ikaw ha! Mga iniisip mo." This time si Paul naman ang nagpaliwanag. Mas komportable ako na si Paul ang nageexplain kask may banat na pahabol. Parang mangangain si Ralph pag may hindi ako nagets dun sa info niya eh.
Bumalik na si Seo ng nakangiti.
"Galing ko talaga!" Tapos ipinakita samin ni Seo ang kapirasong papel na hawak niya.
Cttg #7
Cottage number 5,6,7 pala ang nasa may gilid ng lake. Swerte daw namin sabi ni Seo dahil bakante ang right side ng cottage kaya maganda daw ang view. Hindi daw kagaya sa cottage 6 na unahan lang ang view dahil napaggigitnaan ng dalawa pang cottage.
Pero imba pa din ang ngiti ni Seo. Ang lapad, parang mapupunit ang mukha.
If I know, proud na proud yan dahil nakuha niya ang isa sa tatlong cottage na pinakapinagaagawan.
Buti pa yung cottage, pinagaagawan.. Eh ako?
Char. Makahugot. Wala namang lovelife.
BINABASA MO ANG
This Summer
Teen FictionNgayong taon na ang pinakaexciting na summer ni Mori. Nagkaroon siya ng chance na makasama sa Summer Camp ng Russo University. Isang camp na punong puno ng musika, saya at pag-ibig. This year... "A summer full of rhythm." Register now at Russo Unive...