Chapter 5: That Smile [Mark's POV]

66 3 0
                                    

[Mark’s POV]

We went to a school today.

“Father Primo Academy?”

Yan ang pagkakabasa ni Akiee sa napakalaking sign sa labas ng isang napakalaking school. Sa sobrang mangha ko, hindi ko nga namalayan na nakadating na kami sa loob.

WOW! Parang mansion! ANG LINIS! ANG LAKI PA!

Saktong tumigil kami sa harap ng Principal’s Office nang makakita ako ng mga ibon sa labas na natanaw ko lang sa isang napakalaking nakaarkong bintana!

Ang cute!..nung mga ibon! xD

Gustong-gusto kong puntahan yung mga ibon sa labas, kaso, hindi pa tapos si Tita Cho sa pakikipag-usap sa Principal.

Lakad papuntang kaliwa…

Lakad papuntang kanan…

Upo sa upuan…

Tingin sa orasan…

Tayo sa upuan…

Lakad papuntang kaliwa…

Lakad papuntang kanan…

Tingin ulit sa orasan…

Teka, ba’t ko ba kailangang hintayin pa si Tita?

Jusko naman oh!

wAAH!! Di ko na kaya!

“Ang BORING!!!”

Hindi na ko nakapagpaalam pa kay Akiee na pupuntahan ko lang yung mga ibon sa labas dahil sa sobrang inip ko ay napatakbo na ko sa labas sa sobrang sabik na mahawakan yung mga ibon.

-------

Maya-maya lang…

Napansin ko na lumabas na din si Akiee. Hindi rin ata nakayanan ang magbasa ng mga boring na libro dun sa loob. Pero hindi siya lumabas para samahan ako o pagalitan dahil lumabas ako nang hindi nagpapa-alam. Duh, ba’t ako mag-papaalam sa kanya? Haha. Joke lang. Parang kuya na turing ko jan.

Tuloy-tuloy lang siyang lumakad hanggang sa makalabas na siya nang school. Ewan ko ba kung saan yun pupunta. Gusto ko siyang sundan pero mas gusto kong makipaglaro sa mga ibon. Baka makutusan pa ko nun pagnakita niyang sinusundan ko siya, o kaya baka sungitan lang ako pag-tinanong ko kung saan siya pupunta.

Bayaan mo na lang. haha

Makikipaglaro na lang ako sa mga ibon. Ang cute talaga nila!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Ang tagal naman ni Tita Cho.”

Nilayasan na din ako nung mga ibong kalaro ko. Wala nanaman akong magawang matino. =.=

Si Akiee? Ayun, di pa din bumabalik. Teka, saan nga ba kasi nagpunta yun?

Lumabas ako para tignan kung nasaan si Akiee.

Hindi ko naman siya Makita. Saan ba yun nagpunta?

Nakalabas na ko ng school pero di ko pa din nakikita si Akiee? Saan ba talaga yun nagpunta?

Last Summer - IntroductionWhere stories live. Discover now