Ako nga pala si Charity Umali. Kwento ito tungkol sa magkaibigan at mag-boyfriend-girlfriend... Pero nang dahil sa MALING AKALA, Ito ang kinalabasan. TT____________________TT
Pagising ko sa umaga, kanta ng Brownman Revival ang narinig kong kanta sa radyo ng kapit-bahay namin, HARUJUSKO!
"May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Napatiklop ako sa kama na parang ilalagay sa maleta; napatakip rin ako ng aking dalawang tenga at nagtaluknong ng kumot.
Nakakainis kasi, ang aga-aga tapos yan pa maririnig mo, nakaka-Bad Vibes naman eeeeeh!
[refrain]
Di mo na kailangan mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Two years na nakakaraan.. Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ngayon lang nag-sink-in ang mga bagay-bagay. Na dapat magisip muna bago magdesisyon.Tama nga siguro yung sabi nung matandang manghuhula kay MOMO ng VOICELESS ni HAVEYOUSEENTHISGIGRL na "HUWAG KANG GAGAWA NG DESISYON KAPAG GALIT KA.." Kasi kapag galit tayo, hindi tayo nakakapag-isip ng tama at dahil apektado ng nararamdaman natin yung mga salitang lumalabas sa mga bibig natin. :'((((((((
Ngayon ko lang rin na-realize na di dapat magpadalusdalos sa gagawing desisyon.
Sabi nila, "Think Twice" daw, pero kung pwede nga lang e kahit 1000x ka pa mag-isip para sa isang bagay. Pero dapat e pagisipan mo munang lahat, ang magiging outcome ng gagawin mo, at dapat READY ka kung anong mangyayari pagkatapos mong gawin/sabihin yun!
[chorus]
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami (gumagrabe)
Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka hah...
Ng maling akala
May boyfriend ako ay hindi EX-Boyfriend na pala, Nesty Alcantara name niya, He's my first boyfriend, at dahil sa isang INGGITERO/INGGITERANG KAIBIGAN namin, automatic na nawala lahat!
Buseeeeet! Akala ko kaibigan namin siya, hindi pala! Sinira niya kami. Pinagkatiwalaan namin siya kasi akala ko tapat siya samen, saken.
Kasi e. Ako tong si Engot! Naniwala agad sa kwento niya, e pero masisisi niyo ba ko? KAIBIGAN e. Pero yung ang akala ko, nalaman kong may gusto pala siya, Wanna know kung kanino??? Mamaya ko na lang irereveal. :@
Kung nagtanong lang sana ako at nakinig sa paliwanag niya, malamang kami pa.
Kaso wala e, dinaan ko sa galit ang lahat. Ang masakit pa, nakalimutan ko yung sinabi namin sa isa't isa na kahit anong mangyari, TIWALA lang at UNAWA malalagpasan namin lahat.
HAAAAAAAAAAAAAYSS! :"(
Sising sisi ako. Isang malaking ENGOT ako. Sabi nila "MARAMI ANG NAMAMATAY SA MALING AKALA" e bakit buhay pa ko? Hahahaha. Tawa kayo, Joke yun! LOL! Seriously, hindi naman kasi literal na mamamatay ka as in dedo, chugi o magdidis-appear sa Earth, PERO, mamamatay ka pala sa sobrang lungkot at pagsisisi. Puso mo pala yung mamamatay at sisisihin mo sarili mo sa mga bagay-bagay.Kesyo di ka nagtiwala, di ka nag-isip at nasa iyo lahat ng sisi!
BINABASA MO ANG
It's Over (Edited)
Teen FictionThis is my second story. WALA LANG <-- yan po ang reason ko kung bakit ko 'to sinulat. :))) I dedicate this story to HAVEYOUSEENTHISGIRL, hehehe. idol ko kasi yun e. Super! :))))))))))) Sana mabasa niya. wiiiiiiiiiiiiih.. Thank you sa mga magbabasa...