Diary 15

8 5 0
                                    

Hindi naman niya masisisi si Frederick, dahil mas gugustuhin niyang sisihin ang sarili niya. Kasalanan niya naman kung bakit iba ang trato ni Fred sa kanya, kesa kay Shiella.


Si Shiella ang nandun noong mga araw na nangungulila si Frederick sa bestfriend niya.



Si Shiela ang naging kaibigan ni Fred sa mga araw na hindi niya makausap ng matagal si Aina.


Hindi nagalit si Aina kay Shiella, hindi siya nagkaroon ng sama ng loob. Dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Shiella bilang kaibigan.


Pero sa araw araw na makikita niyang magkasama si Shiela at Frederick, hindi niya mapigilang magselos, hindi niya maiwasan hindi masaktan.


Minsan inisip niya, kung hindi ba nafall sa kanya si Frederick magiging ganun kaya sila katulad kay Shiela??


Itatrato rin kaya siya ni Frederick katulad nang kay Shiela??

Kung hindi ba siya nagdesisyon sa isang relasyon noon, mas nagkaroon pa sila ng bonding moments bilang magbestfriend??


Lagi niyang iniisip yun, kaya mga ilang araw din napapansin nilang tahimik si Aina noon.


Pakiramdam ni Aina noon nagiging selfish siya, gusto niyang mapunta lang sa kanya ang lahat ng atensyon ni Frederick, hindi dahil sa alam niyang inlove sa kanya si frederick kundi ang gusto niya lang naman, ay itrato siya ni Frederick bilang kaibigan, katulad sa kay Shiella.



Pero lahat ng yon alam niyang Malabo nang mangyari. Dahil ang dami nang nangyari na hindi na dapat balikan pa. Hindi na dapat mangyari pang ulit.


Lahat ng nararamdaman niyang selos, kinimkim niya. Tanging sa mga elementary bestfriends niya (except Ericka) lang niya sinasabi. Dahil takot talaga si Aina na malaman ng barkada niya.


Paano nalang kung magkaroon ng gap between sa kanila ni Shiella?


Ayaw niyang mangyari talaga yun.



Hanggang sa isang araw, nakikita niya sina Shiella at Frederick, biglang may kirot siyang naramdaman.


Pakiramdam niya, ang kinakatakot niya, nangyayari na naman. She didn't even know that time, if she's felling in love with his bestfriend?


Pero hindi nalang pinansin ni Aina ang pakiramdam na iyon.

☆☆☆☆☆☆
-Imaneounane

In-ordinary Friendships (BURYONG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon