Diary 2

90 15 0
                                    

Naging 2nd year highschool sila noon at tumindi yung pagiging close nila sa isa't isa.




"Uy fred!" tawag ni Aina kay Frederick sabay tabi neto sakanya..




"hmm??"


"Kwentuhan tayo.. Ang boring!" sabi ni Aina, Vacant hours kasi nila noon at may kanya-kanyang pinagkaka-busy-han yung mga kaklase nila..




"Sige, anong topic ?"


"hmm, unforgettable moment mo nung bakasyon"


Nagkwento naman si Frederick ng Unforgettable Moment nya kay Aina..




"Naglagay ako ng lotion nun syempre para di ako mangitim" kwento ni Fred. Seryoso namang nakikinig si Aina na medyo natatawa na dahil sa way ng pagkukwento ni Fred.




"Hulaan ko kung anong sunod na nangyari" sabi ni Aina




"Osige ano? Ano?"


"Hindi yun tumalab kaya nangitim ka?"


"Tsk! OO! That f*cking moisturizer !!" inis na inis na sabi ni Frederick kaya naman natawa si Aina




"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"


Tawang-tawa si Aina, pilit nyang pinipigilan ang pagtawa, nung mapigilan na nya - -




"Wag kana ngang sumimangot jan! pumapanget kana oh, Smile kana.. Yiiiee mag i-smile na sya .." Nung una , nakasimangot parin ito, kaya naman tinusok tusok ni Aina yung tagiliran ni Frederick na para bang kinikiliti ito. Kaya sa huli, hindi na napigilan ni Frederick na mag smile.




Hanggang sa nagkilitian na ang dalawa.. Tawa lang sila ng tawa na para bang walang tao sa paligid nila..




"HAHAHAHAHAHAHAHA FRED! HAHAHAHAHA T-TAMA NA! HAHAHAHAHA" halos mangiyak-ngiyak na si Aina sa kakatawa.



Si Aina kasi, siya yung babaeng palatawa at lokaloka. Lagi siyang tumatabi kay Frederick noon para makipagharutan, makipagtawanan at makipaglokohan. Kung ano-ano nga yung ginagawa nila noon. Basta pag malungkot at boring yung araw ni Aina noon, pupuntahan niya lang si Frederick para tumawa. Hanggang sa tumagal yung ganung sitwasyon nila.

☆☆☆☆☆☆
-Imaneounane

In-ordinary Friendships (BURYONG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon