Diary 10

7 5 0
                                    

Hindi lang yun ang problemang dumating sa 3rd year HS life ni Aina, nagkaroon siya ng tampo sa mga kaibigan niya, hindi nila ito alam.



Dahil for the whole year kinimkim niya lang ito. Naramdaman niya kasi na simula nung naging sila ni Shawn, pakiramdam niya lumayo na sila sa kanya.



Pakiramdam niya, porket may boyfriend na siya lumalayo na ang mga ito sa kanya.



Pinilit niyang intindihin yun, pero nasasaktan parin siya, kasi mahal na mahal niya ang mga kaibigan niya. At alam niyang may mas nasasaktan siyang tao ang boy bestfriend niya, si Frederick.



Nagsorry si Aina kay Frederick, kahit hindi aminin ni Aina alam niya sa sarili niyang nasasaktan din siya para kay Frederick.



Nasasaktan din siya dahil yung friendship nila alam niyang meron nang gap. At hindi niya na alam kung paano nila ito ibabalik.



☆☆☆☆☆☆

-Imaneounane

In-ordinary Friendships (BURYONG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon