Diary 21

6 4 0
                                    

Nagkaroon nanaman ng problema sa barkadang buryong.



Napansin kasi nila na hindi na nagpapansinan sina Shiella at Jam.



Hindi sila sanay lalu na't halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa noon sa sobrang close sa isa't-isa.



Nanahimik lang ang iba noon dahil nag iisip sila ng dahilan kung bakit nagkaganun bigla ang dalawa.



Hanggang isang araw, nag absent ang dalawa na hindi naman nila ginagawa.




Kaya si Ericka na ang gumawa ng paraan para magka ayos ang dalawa.




Lihim nyang kina kausap ang dalawa ng hindi nila alam.



Halimbawa, habang wala si Jam, kakausapin nya si Shiella kung anong problema at ganun din kapag wala si Shiella, si Jam naman ang kakausapin nya.



'Promise mo wag mong sasabihin kay Jam lahat ng sinabi ko ha?' - Shiela



'Oo promise'




- - -





'Promise mo muna na dimo sasabihin kay Shiela' - Jam



'Oo promise so anu ngang problema?'






Hindi nya alam kung tama ba ang ginagawa nya, alam nyang nagsisinungaling sya sa bawat promise nya sakanila. Pero yun lang yung way na naisip nya para magkabati ang dalawa.



Nang malaman na nya ang dahilan ng bawat panig, naisip nya na solusyunan na ito.



Sinabi nya kay Shiella lahat ng sinabi sakanya ni Jam. At sinabi din nya kay Jam lahat ng sinabi sakanya ni Shiella.




Pareho silang umiyak kay Ericka, ng malaman nila ang hinanakit ng bawat isa.



Dahil sa nakita ni Ericka, nalaman nya na nasasaktan ang dalawa sa hindi nila pagpapansinan.



Kaya naman ang sunod na ginawa nya ay pinag usap nya ang dalawa.



Kasabwat nya sa planong iyon si Christine. Dahil nakaclose na nila ito dati.




Si Ericka ang nagpilit kay Shiella since may pinagsamahan naman sila dati at Christine naman ang nagpilit kay Jam.




Nung una, ayaw nila pero sa kakapilit ng dalawa, ayun nag usap naman na sila.




Nagkasumbatan, Ngakasagutan hanggang sa nagkaiyakan and finally, nagkayakapan at nagka ayos.




Masayang masaya si Ericka nun dahil naging part sya ng pagbabati ng dalawa nyang kaibigan.



☆☆☆☆☆☆
-Imaneounane

In-ordinary Friendships (BURYONG STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon