Recap:
*After 15 mins.*
Kriiiiiiiiiiiiiiiing!
Yes! Recess na! ^.^
Papunta kami ni Neya sa canteen ng biglang
Ng biglang my nag tatakbuhang babae, umiirit at sumisigaw pa.
Huh??Anong meron??O.o
Therese's P.O.V
Huh??Anong meron???
O.o
Papunta kami ni Enitse sa Canteen ng biglang may mga nakasalubong kaming mga babaeng nagsisigawan at umiirit.
"kyaaaaaaaaaahhhhhhh!"
"Ayaaaaaaaaaalllllllllllllll!"
"Ang Pogiiiii mo Maaaaaarrrkkk!"
"Ang galiiiiing mo talagaaa Laymeeeer!"
"Apooollooo ang poggggiii mo!"
"Wala paring mas gagaling kay Ayaaalll Myloves! Kyaaaaahhhh I Love You Ayal!"
Ayun naman pala, inunahan nila yung apat na magagaling na varsity players ng basketball at ng lahaaaat! Para mapicturan nila.Pero teka, sinong Ayal yun?
Hayy alam niyo ba, silang apat ay magagaling na varsity palayers ng lahat I mean lahhaaat! ng sports na pwede nilang salihan.Sporty sila eh.Kaso alam niyo bang nasa Class 4d sila, tapos troublermaker pa?
Lagi nga silang asa pinakamababang section.Pero guess what? lagi naman silang nakakapasa.
Di ko nga alam kung bakit ang dami-dami nilang fangirls eh para naman sakin walang pwedeng magustuhan sa mga yan.
whooops! Except kay Antonio.Alam niyo bang kababata ko yan? At crush ko sya! ^___^ihi! shhh lang kayo ha? Kaso di ko alam kung bakit habang tumatanda kami di na niya ko pinapansin.Siguro dahil, madami na siyang fangirls? Aish bahala na si batman!
"Huyy! Neya! tulala ka na kay ayal,ano meron at ang layo-layo na nila tulala ka pa rin?"
Nawala ako sa pagrereminiscing ng mga alaala namin ni antonio ng dahil sa sigaw na yun ni Enitse.Bakit ko nga ba inaalala yun? Eh SNOB naman yun? k k makapunta na nga sa canteen at makakain na.
"Teka, Enitse, di ba si antonio yun?"
"Yung matangkad,medyo payat at gwapo? Teka, bakit di mo kilala eh parang kanina lang nakatitig ka dun?"
"Hindi ah! may naalala lang.Pero wait, bakit wala dun si antonio?"
"Ano ka ba Neya! sa tinagal-tagal natin dito, di mo kilala yun? tsaka si Ayal at antonio ay iisa! kainis to! tsaka ang buong pangalan niya ay Ayal Antinio Rodriguez!"
"Sorry naman! pano ba naman........."
"Ano yun?"
"Mamaya nalang sa canteen, kwento ko sayo.Kasi gutom na ko eh."
"Aish! Sige na nga! Pero, crush mo yun no?"
"Wala! Wala yun, tara na sa canteen at kumain."
"Ayiiiiee~ Crush mo yun no?"
"Ikaw talaga! wala yun! tara na nga!"
"Sus! sa tinagal-tagal nating magkakilala at magkaibigan, kilala na kita.Kaya sige na, ano yun? Sabi mo no secrets?"
"Mamaya na, promise sasabihin ko sayo!"
"Sige na nga! tara na!"
Ayal's P.O.V
"kyaaaaaaaaaahhhhhhh!"
"Ayaaaaaaaaaalllllllllllllll!"
"Ang Pogiiiii mo Maaaaaarrrkkk!"
"Ang galiiiiing mo talagaaa Laymeeeer!"
"Apooollooo ang poggggiii mo!"
"Wala paring mas gagaling kay Ayaaalll Myloves! Kyaaaaahhhh I Love You Ayal!"
"Pare, sobrang sikat talaga natin no?" Sabi neto ni Mark.
"Oo nga, pero mas sikat talaga tong si pareng ayal" Sabi naman ni Laymer habang pinapa-ikot ang bola ng basketball sa kamay niya.Pano, galing kami sa practice ng varsity.
"Sus! lahat tayo gwapo kaya lahat tayo sikat! kayo talaga!" Sabi ko sa mga to, pano mas sikat daw ako? eh lahat naman kami tinitilian sa tuwing dadaan kami sa hallway o sa kahit saan.
"Nga naman, tama si ayal, lahat tayo gwapos, kaya lahat tayo habulin ng chix!" Sabi ni Apollo, A.K.A Mr. Hopeless Romantic, pano sa aming apat, siya ang ni isa wala pang nagiging GF.
"Nagsalita si Mr. hopeless romantic! Speaking of, kaylan mo balak magkaroon?" Sabi ni Laymer at pinasa yung bola ng basketball kay mark
"Baka wala nang balak yan pre!" Sabi naman ni Mark.
"HAHAHA"At nagtawanan na kami.
"Kayo talaga, syempre hinihintay pa niya ang 'right timing' diba pre?" Sabi ko, may hand gestures pa ko dun sa 'right timing'
"Kita niyo! buti pa to si Ayal, alam na alam.Syempre, bago rumesbak sa mahalan, dapat madami munang al----"
Di na natuloy na Apollo ang sasabihin niya ng may dumaan na isang transfer student kasunod ng mga babae.
Laymer's P.O.V.
"Kita niyo! buti pa to si Ayal, alam na alam.Syempre, bago rumesbak sa mahalan, dapat madami munang al----"
"kyaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!"
"Michaeeeeeeeeelllllllllllll!!!"
"kyaaaaaaaaaaaahhhhh!!! ang pogi mo riaz!"
Di na natuloy ni Apollo ang sasabihin niya kase may dumaan na isang transferree sa harap namin.Andito kasi kami sa isang pavillon,yung tambayan namin.Para siyang isang medyo maliit na malaki.Basta parang ganun.Di ko madescribe.
Ayun, dumaan siya napapalibutan nga ng mga chix eh! sikat na agad?kunsabagay, may itsura naman.. Pero mas pogi naman kami diyan!
"Pre, tingnan niyo yung Riaz na yun, kakapasok lang dami na agad nahakot na chix daig pa ko "Sabi neto ni Apollo, at pinaikot yung bolang hawak niya at pinasa yun kay mark.haha daig pa siya?
"Hindi yan,mas gwapo pa rin tayo!"Sabi ni Mark, habang pinapaikot yung bolang pinasa ng basketball na pinasa ni apollo sa kanya kanina.yan! tama yan! haha
"Oo nga mga pre mas gwapos tayo diyan!" Sabi naman ni ayal
"Pero teka, diba mas ayos kung kakaibiganin natin yan? Mukang wala pang kaibigan oh? Loner mga pre.Tsaka mukang cool naman eh.kita niyo, habulin pa rin, kahit mag-isa.Ano kaibiganin natin at sali natin sa teams natin?"
*To be continued*
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Thank you for reading! ^_^
©BINARYCODE.All Rights Reserved.SecretlyInloveWriter.2014.
BINABASA MO ANG
Binary Code
Teen FictionWalong numero akala ng iba walang saysay ang mga ito pero sinong mag-aakalang babaguhin ng mga ito ang buhay namin? Sabi nga nila, 'There are two types of people in the world: those who understand binary, and those who don't Sabi nya, madali ang mat...