Sa isang cafe...
Jia: First date......sa restaurant?
Abby: Nope......sa isawan!
Maui: Second date.....sa sinehan?
Abby: tama......pero ako ang nagbayad.
Faye: Third date....sa mall?
Abby: Tama ulit...pero hanggang window shopping lang po kami.
Hindi makapaniwala ang tatlo sa narinig mula kay Abby.
Abby: FYI guys, hindi po kuripot ang boyfriend ko wala lang po talaga tong alam sa pakikipag-date. Pagtatanggol pa ni Abby sa one-month na nitong boyfriend na si Liam.
Jia: Teka lang Abby noh...hindi naman sa ayaw ko sa boyfriend mo pero sa tingin ko hindi kayo magtatagal. Ang taas kaya ng standards mo pagdating sa mga ganyan.
Abby: Hindi naman siguro....love made me change kaya. Kahit ganun siya mahal ko yun noh. Actually ako ang first girlfriend niya kaya alam kong in love din sa'kin yon. Sabi nga sa isang kanta "Love is all that matters" kaya siguradong magtatagal kami.
Maui&Faye: tsk.tsk.tsk. wala na talaga....baliw na sa pag-ibig.
Saka naman dumating si Liam na may dalang isang tangkay ng rosas.
Liam: Hi girls, kanina pa ba kayo, sorry ha nalate ako nagkatraffic kasi. Paliwanag nito sa kanila sabay abot kay Abby ng bulaklak.
Isa ito sa katangian na gusto ni Abby kay Liam ang paggiging sweet nito.
Hindi ito nakakalimot magdala ng bulaklak sa date nila ang kaso nalaman niya rin na hindi pala ito binili kundi pinitas lang pala sa bakuran.
Liam: Happy monthsary babe...saka hinalikan si Abby sa pisngi.
Abby: Happy monthsary din sa'yo, sabi naman nito ng nakangiti.

BINABASA MO ANG
My Perfectly Imperfect Boyfriend
Short StoryTanggap na tanggap ko si Liam. Sapat na para sa'kin na mahal namin ang isa't isa kahit pa nga hindi siya ang pinangarap ko noon na maging boyfriend. -Abby Corpuz- Mahal na'ko ni Abby pero pa'no kung may malaman siyang...