Chapter 4: #APOLOGIZE

69 2 0
                                    


Nakarating na rin si Abby sa bahay nila. Inilabas na rin niya ang mga luha na kanina pa pinipigilan sa nasakyang bus.

Nang makakalma ng konti. Tinawagan agad niya ang Ate Aina niya para ibalita dito ang nangyari sa ex nito ganon' din ang tungkol as ginawang plano ni Liam sa kanya.

Habang umiiyak ang kapatid sa kabilang linya dahil sa nabalitaan, humingi na rin ito ng tawad sa kanya dahil sa ginawa ni Liam.

Nalaman din ni Abby na kaya pala walang alam ang ate niya sa nangyari sa ex nito ay dahil na rin sa balitang lumipat lang daw ito ng ibang school.

Pagkatapos mag-usap ng magkapatid sa telepono kinabukasan din ay bumisita ang ate niya sa hospital at humingi na rin ng tawad sa kasintahan at sa mga magulang nito.

Mula noon inaraw-araw ng ate niya ang pagbisita, pagkatapos ng klase ay diretso na ito sa hospital.

Sa hospital...

Dinalaw ni Liam ang kapatid. Iniiwasan niyang makasalubong si Ate Aina sa hospital dahil na rin sa kahihiyang nagawa niya sa kapatid nito.

Liam: Kuya, alam kong mali na sisihin si Ate Aina sa nangyari sa'yo at ganon' din ang gamitin si Abby sa paghihiganti ko. Nagsisisi na'ko kuya, gusto ko sanang kausapin si Abby pero hindi ko alam kung pa'no, sabi niya sa kapatid.

Napalingon si Liam ng bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Aina.

Aina: Liam?

Liam: A-ate A-aina.

Inaya ni Aina si Liam na mag-usap sila as coffee shop at pumayag naman ito.

Aina: Naiintindihan ko Liam kong bakit mo nagawa yon' sa kaptid ko, panimulang sabi nito.

Dahil kahit mismong sarili ko ay gusto kong sumbatan dahil sa nangyari sa kuya mo. Gusto ko rin sanang hingin ang chance na'to na humingi ng tawad sa'yo.

Wala pa ring imik si Liam kaya nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.

Aina: Alam kong mahal na mahal niyo pa rin ang isa't-isa. Hindi naman masasaktan ng ganon' ang kapatid ko kung balewala ka lang sa kanya.

Nakita ko rin ang pictures niyo ni Abby together nang ipinakita ni Tita ang album niyo.

My Perfectly Imperfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon