Chapter2: #TWO SIDES

87 2 0
                                    


5 months later...

Limang buwan na ngayon ang relasyon nila ni Liam. At nag-iimprove naman ang mga date nila dahil nadadala na siya nito sa mga restaurant di tulad dati.

Nakatikim kasi ito ng sermon kay Tito Fred ng malaman nitong hindi pa siya nadadala sa isang restaurant. Mula noon tinuturuan na siya ng papa niya kung pa'no makipagdate.

Hindi rin siya makapaniwala na magtatagal ang relasyon nila ni Liam dahil hanggang 3 months lang talaga nakakatagal ang mga naunang boyfriend niya.

Kung ikokompara kasi sa nauna niyang relasyon mas nag-eenjoy siyang kasama ito. Sa tuwing magde-date kasi sila nakikita niya ang dalawang side ng kasintahan.

Gaya na lang noong...

Nanood sila ng movie sa bahay nito....pinili nilang manood ng horror movie noon. Nang sa kalagitnaan na sila ng movie eh bigla nalang itong napayakap sa kanya dahil sa takot. Pulang-pula si Liam noon dahil sa hiya, pero lihim naman siyang natutuwa dahil dito.

Noong kaarawan naman niya, ipinagluto siya nito ng mga paborito niyang putahe bilang sorpresa.

Napahanga siya sa pagkaka-decorate ng mga ulam na akala mo sa cookbook mulang makikita. Pero ng tikman niya isa-isa, nagulat siya sa lasa dahil ang isa ay maalat, meron ding matabang at ang isa naman ay sobrang anghang. Ayaw na sana niyang  magkomento sa luto nito pero nang sinubuan pa ulit siya nito ng pagkain ay hindi na niya mapigilang magsalita.

 Ayaw na sana niyang  magkomento sa luto nito pero nang sinubuan pa ulit siya nito ng pagkain ay hindi na niya mapigilang magsalita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liam: Masarap di ba babe?

Abby: Ah Liam, umorder na lang kaya tayo ng pizza?

Liam: Ha bakit? Hindi ba masarap?

Abby: Yung totoo?, Hindi eh.

Sorry ng sorry si Liam pagkatapos at nagpromise na mag-aaral na itong magluto. Kaya ayun nag-order na lang talaga sila ng pizza para lang may makain.

Minsan naman noong 4th monthsary nila sinorpresa siya ni Liam ng magdate sila sa isang restaurant. Pumunta ito sa stage at tumugtog ito ng piano. Tinugtog nito ang paborito niyang kanta ang "Forevermore" ng bandang Side A.

Maganda na sana ang umpisa ang kaso ng magsimula na itong kumanta, hindi niya alam kung lalabas na ba siya ng restaurant oh magtatago na lang sa ilalim ng mesa dahil sa kahihiyan.

Nang matapos itong tumugtog amg tanging nasabi na lang niya sa kasintahan ay..."Liam huwag mo nang uulitin ang ginawa mo ha".

Natatawa pa rin siya ng maalala ang mga nangyari sa mga date nila. Pero nahinto na rin ang pagbabalik-tanaw niya ng dumating na si Liam.....

Liam: Hi babe, pasensya ka na ha. Nagmeeting pa kasi kami ng groupmates ko para sa gagawin naming thesis.

Abby: It's okay babe......hindi naman ako nabagot.

Nasa loob pa kasi sila ngayon ng University campus nila. Pareho na rin silang nasa 3rd year college ngayon kaya tambak na ang mga projects. Kahit na ganon nakakahanap pa rin sila ng time para sa isa't-isa.

Abby: So san' tayo ngayon? tanong niya kay Liam.

Liam: ikaw san ba gusto mo? balik tanong nito sa kanya.

Abby: Hmmm..may nakita akong nagluluto ng pansit palabok don' sa kabilang kanto. Mukhang masarap, tara don' na lang tayo.

Liam: Aba, at nahahawa ka na yata sa'kin ah, sabay kiliti nito kanya.

Abby: iiihh....tigilan mo nga yan maraming tao oh....nakakahiya noh. Tsaka at least pansit palabok ang kakainin natin hindi tulad ng first date natin noon eh isaw ba naman ang pinakain mo sa'kin.

Liam: Eto naman, past is past okay. Saka lahat naman ng kinakain mo sumasarap pag kasama mo'ko diba...

Abby: tigilan mo nga ko diyan sa mga banat mo.....nakasimangot niyang sabi dito.

Liam: oooy...galit na siya, kiniliti ulit siya nito.

Abby: Hindi mo pa ba titigilan ang pangingiliti mo? Babatukan na talaga kita....

Liam: hala galit na talaga si manang......pero kiniliti pa rin siya nito saka tumakbo.

Abby: Aba't .....humanda ka talaga sa'kin pag naabutan kita.

Naghabulan nga ang dalawa hanggang makarating nga sila sa kabilang kanto at sa kainang tinutukoy ni Abby kanina.

Hindi naman talaga nakakaramdam ng galit si Abby kapag kinukulit siya ng ganito ni Liam. Dahil don' kasi mas nagiging close pa silang dalawa.

Kapag seryoso kasi siya bigla na lang magpapatawa si Liam kahit may pagkacorny.

Kapag ito naman ang nagseryoso at nagagalit, hahalikan lang niya ito sa pisngi at mawawala na ang galit nito.

Kaya hindi rin niya masisi ang sarili na ma-inlove dito ng todo kahit pa nga may qualities ito na malayo sa pangarap niya noon sa magiging boyfriend.

Kahit na ganon'.... ang importante nagkakasundo sila sa maraming bagay.

My Perfectly Imperfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon