Dalawang buwan na rin ang nakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ni Abby si Liam.
Pero kahit malungkot siya sa nangyari sa kanilang relasyon, masaya na rin siya para sa kapatid.
Isa kasing himala ang nangyari ng magising si Kuya Jerome 3 weeks ago mula sa pagkaka comatose.
Dahil na rin sa araw-araw na pagdalaw ni Ate sa kanya ay nagkabalikan na rin ang dalawa.
Natigil ang pagmumuni-muni niya ng makitang papunta sa direksyon niya si Liam.
Naalala niyang bigla na naibalita pala ng ate niya na nag-enroll ulit ito para sa bagong semester.
Nang makalapit ito ay humingi ito ng oras para makausap siya at pinagbigyan naman niya.
Nasa isang coffee shop sila ngayon at paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kanya at gagawin niya raw yon' araw-araw hanggang sa mapatawad niya ito.
Ganon' nga ang ginawa ni Liam, araw-araw itong nagdadala ng bulaklak at ibinibigay ito sa kanya.
Naghahanap din ito ng pag kakataon namahatid at sundo siya kahit pa nga lagi niya itong tinatanggihan.
Minsan din ay nililibre siya nito ng pananghalian sa cafeteria kasama na rin ang mga kaibigan.
Dalawang linggo din niya itong ginawa kaya napabilib na rin siya sa tiyaga nito. Pero magmula kahapon at ngayong araw na'to
eh walang Liam na nagpakita sa kanya, at naisip niya na baka nga nagsawa na nga ito.
Nagring bigla ang cellphone niya, at pangalan ng ate niya ang naka-register.
Abby: oh ate anong meron at napatawag ka?.
Aina: Naku Abby , umuwi ka na ngayon nalooban tayo ng
magnanakaw.
Abby: ha! , S-sige A-ate uuwi na'ko ngayon dyan.
Nang nakarating na siya sa bahay wala naman siyang napansin na nawawala at maayos naman ang lahat ng gamit. Kaya dumiretso na lang siya sa likod ng bahay.
Nagtataka siya ng maabutan sina Jia, Maui at Faye na nagkwe-kwentuhan sa gilid ng pool.
Nandyan din sina Ate Aina at Kuya Jerome na busy sa pagluluto ng barbecue.
Ang parents naman niya at parents ni Liam ay nandon rin sa mesa at nagtatawanan.
Aina: Abby, nandito ka na pala, Tara umupo ka muna doon, saka tinuro ang upuan kung saan malapit sa stage na hindi niya alam kung saan nanggaling.
Abby: teka ate , ano bang nangyayari, bakit nandito silang lahat, nagtatakang tanong niya sa kapatid.
Aina: huwag ka nang magtanong okay, relax ka lang diyan, at iniwan na nga siya nito.
Hindi pa man siya nagtatagal sa kinauupuan ay bigla nalang siyang napatingin sa may stage ng biglang tumugtog ang "Forevermore" sa background at narinig ang pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
My Perfectly Imperfect Boyfriend
Short StoryTanggap na tanggap ko si Liam. Sapat na para sa'kin na mahal namin ang isa't isa kahit pa nga hindi siya ang pinangarap ko noon na maging boyfriend. -Abby Corpuz- Mahal na'ko ni Abby pero pa'no kung may malaman siyang...
