2 weeks after...
Nag-aalala na si Abby kay Liam dahil dalawang linggo na rin silang hindi nagkikita. Hindi rin ito macontact. Minsan naman kapag sinasagot ni Liam ang tawag niya hindi naman ito kumikibo sa kabilang linya.
Akala niya noong una busy lang ito sa thesis pero nang puntahan niya ang klase nito at tanungin ang Professor ay nagdrop na daw ito.
Hindi siya mapakali sa sobrang
pag-aaalala sa kasintahan kaya napagpasyahan niyang puntahan na ito sa bahay.
Ilang beses din siyang nag-doorbell bago lumabas ang kasambahay nina Liam.
Abby: manang nandyan' po ba si Liam?
Manang: Eh kasi ma'am...ano...
Liam: Okay lang manang ako na po ang kakausap sa kanya.
Natuwa si Abby nang makita ang kasintahan pero agad din itong napalitan ng awa ng makita na parang nangangayayat ito atkulang din sa tulog.
Bago pa man siya makapasok sa gate para sana yakapin ito ay agad din itong nagsalita.
Liam: hintayin mo na lang ako dyan magbibihis lang ako, malamig nitong sabi sa kanya.
Nang makalabas ito ng bahay ay inaya na siya nito na sumakay sa kotse dahil may pupuntahan daw sila. Wala pa rin silang kibuan sa kotse pero panay rin ang tingin niya kay Liam na seryoso pa rin ang mukha at halatang malalim ang iniisip.
Sa hospital....
Hindi alam ni Abby kung ano ang ginagawa nila sa hospital pero ng makita niya ang pangalan na nakasulat sa pinto kung saan sila pumasok ay.....
Liam: Abby, meet my brother.....
Kuya Jerome, saka umupo sa tabi ng kuya nito.
Tinignan ni Abby ang pasyenteng tinuro ni Liam sa kanya. Nakakaawa ang sitwasyon ng lalaki dahil na rin sa mga aparato na nakakabit dito.
Liam: 2 weeks ng comatose si Kuya, Abby. Akala namin makaka-recover na siya last month pero bigla na lang siyang nacoma.
Nagdrop-out ako sa school dahil sa gusto kong hintayin na magising siya, kahit pa nga pinipigilan ako ni mama.
Mahal na mahal at iniidolo ko ang kapatid ko kaya lahat isasakripisyo ko para sa kanya.
Hindi makuha ni Abby kung bakit sinasabi ito ni Liam sa kanya kaya nagpatuloy na lang siya sa pakikinig dito.
Liam: Naalala mo ba nung ikinwento ni mama ang tungkol sa girlfriend ni kuya na naging dahilan ng pagkakaaksidente niya....Siya si Aina Corpuz.
Abby: S-si......A-ate......gulat na gulat na sabi niya dahil hindi sa makapaniwala sa narinig.
Liam: Yes Abby ang kapatid mo. Ipinakilala siya sa'kin ni Kuya ng minsan bumisita ako sa University nila.
Naikwento niya rin sa'kin ang tungkol sa kapatid niya na nag-aaral din daw sa University na pinapasukan ko at ikaw nga yon' Abby.
Naalala nga ni Abby na minsan naikwento ng ate niya ang tungkol sa naging boyfriend nito sa law school pero hindi naman nito naikwento sa kanya na nagkahiwalay na pala sila. Ilang buwan na rin kasi itong hindi umuuwi sa kanila at sa dorm lang ng school ito tumutuloy.
Abby: So....you mean....
Liam: Oo Abby, kilala na kita bago mo pa man ako nakilala. Plinano ko rin ang first meeting natin para mapalapit sa'yo.
Naalala nga niya ang first meeting nila ni Liam. Nagkabanggaan sila noon sa hallway ng school at tinulungan pa siya nitong pulutin ang mga gamit niya. Mula noon araw araw na silang nagkakasalubong at kalaunan ay niligawan siya nito at sinagot na rin niya.
Liam: Ang plano ko talaga ay paibigin ka ng todo at hihiwalayan din pagkatapos. Pero hindi ko rin napigilan na ma-inlove na rin sa'yo Abby.
Kakalimutan ko na sana ang plano ko dahil ayaw kong saktan ka pero nitong huli nang marinig kong nacoma si Kuya...
Hindi ko napigilang sisihin ang ate mo sa nangyari sa kapatid ko kaya...hindi na rin nito naituloy ang iba pa sanang sasabihin dahil napaiyak na rin ito....
Abby: Huwag mo nang ituloy ang ibang sasabihin mo Liam dahil nagawa mo na ang paghihiganti mo.
Congrats sa'yo ha, nagtagumpay ka lang naman na paibigin ako at saktan....
Kaya sana huli na'tong pag-uusap natin. At simula ngayon hindi na kita kilala at hindi na sana tayo magkita pa.
Dali-daling lumabas si Abby sa kuwarto na umiiyak habang naiwn naman si Liam na hindi napigilang suntukin ang pader dahil sa galit.
BINABASA MO ANG
My Perfectly Imperfect Boyfriend
Short StoryTanggap na tanggap ko si Liam. Sapat na para sa'kin na mahal namin ang isa't isa kahit pa nga hindi siya ang pinangarap ko noon na maging boyfriend. -Abby Corpuz- Mahal na'ko ni Abby pero pa'no kung may malaman siyang...
