CHAPTER 3

32 6 6
                                    

KEI POV:

"Whatttt?"

"Nag hire ako ng---------" pinutol ko ang dapat sasabihin ni mom

"Shhhh... Narinig ko mom! at hindi ako sang ayon sa gusto ninyo ni daddy"

"But why Anak? " tanong ni dad

"Hindi naman ako sobrang bobo para mag hire pa kayo ng tutor ko!"

"Bahala ka kapag Natalo ka ni Papa, dahil alam kong may binabalak na naman sya" natatawang pananakot saakin ni mama

"At isa pa, nakausap na namin ang magiging tutor mo" dagdag ni dad

"Ugghhhhh! Sige na nga!" wala na akong magagawa, kainis kasi ang matandang yun

"Sya nga pala anak sa makalawa na ang alis namin, asahan mo na makakasama mo dito si Papa, bonding bonding din pag may time!" I just rolled my eyes at iniwan sila sa sala, sa kwarto nalang ako tatambay mag hapon.

Sinalpak ko sa tenga ko ang earpiece ko at nahiga sa kama ko.

Sabado ngayon kaya makakapagpahinga ako, sana lang walang mag istorbo saakin, hayyy buhay parang life. Bat ang ganda ko? Ma search nga sa google hahaha.

Biglang may kumatok, saan pa ba syempre sa pinto ng kwarto ko kakahiya naman kong sa pinto ng banyo ko ang may kumatok.

Lakas kumatok ng bwesit nato! May galit ata sakin toh.

"Ano bang problema mo sa pinto ng kwarto ko at parang gusto mo ng sirain? Eh hampas ko sayo yung pinto eh" inis kong sita dun sa maid namin

"Sorry po maam Kei pinapatawag po kayo ni maam Andrea"

"Eh bakit parang galit ka? Tse! Alis! Alis! Ampanget mo"

Bumaba ako at tinungo ang sala.

"Anak,sya ang tutor mo si Riegn Gomez" nakangiting bungad saakin ni mom

"Ikaw ang tutor ko?" Di makapaniwalang tanong ko, pinaningkitan ko si Nerd, watta cheap tutor!

"H-Hello po Ms.Kei" nahihiyang bati ni Nerd saakin at inirapan ko lang sya

"Omooo! Magkakilala kayo!"

"Sad to say mom, classmate ko yang pangit nayan."

"Kei!" saway saakin ni mom."treat her nice"

"Mom? Are you sick? Kailan pa naging mabait ang Campus Maldita? Dream on!"

"Tse! Mag aral na kayo, magluluto lang ako, pagpasensyahan mo na ang sweetie ko, mainit lang ang ulo nyan"

"Wateber mom!"

Nilingon ko naman si Nerd at Nakangiti sya!

"Whatt??" Tanong ko dahilan para sumeryoso sya

"Ms. Kei magsisimula na po tayo...!"

***

Reign POV :

Nakikinig naman sya sa mga tinuturo ko pero kadalasan binabara at minamalditahan nya ako.

Hindi naman sya mahirap turuan sa ibang subject, nagulat pa nga ako dahil isang example lang nakukuha na niya kaso sa trigos at calculus sya nahihirapan.

"Ayoko na!" Wika niya

"Madali na toh Kei" sabi ko

"Edi ikaw gumawa, madali pala eh" sabi ko nga po eh! Haystt!

When Maldita Fall To A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon