CHAPTER 4

29 6 6
                                    

[Jinx POV]

"Drew, alam na ba ni Dy na babalik ka sa old school natin, para mag aral kuno?" Natatawa pa siya habang kumakain sa bagong bahay ko "nice pad Drew!" Malapit kasi ito sa paaralan kaya binili ko.

"Oo! At alam nya rin na Kasama ka" nawala ang ngiti nya sa labi

"Whattt? Naku, uuwi na ako sa bahay may kailangan pala akong tapusin" sabi nya at agad na tumayo at naglakad pero hinila ko ang damit nya

"Wala ka ng babalikan Flaxcaster, lahat ng gamit at damit mo nandun na" turo ko sa katabing pad ng pad ko, nanlaki naman ang mata nya at agad ngumisi

"Nayyy! Aminin mo nga Drew, nababakla ka na no? Mamimiss mo ako no? "

"Tumigil ka nga Flaxcaster,may fiance na ako kaya hindi ako katulad mong bading" pinaningkitan nya naman ako

"Edi liligawan ko yung kapatid mo"

"Kung magpapaligaw yun sayo"

"Sus! Sa gwapo kong to? Patay na patay sakin kapatid mo eh"

"Tss! Parang tatay kana nun! At isa pa Ako ang gusto nun" singit naman ng kakarating

"Dyyyyyyyy!!!!! Kumusta ang buhay bakla ha?" Si Marco at niyakap ang bagong dating

"Ulol, baka ikaw ang Bakla, kumusta mga Dy?" Tanong nya

"Ako okey lang ako Dy, ikaw kumusta ka na? Pumapangit ka Dy ah" ani Marco

"Gag*, mas pogi nga ako saenyo ni Dy eh"

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo totoy?"

"Aba? Totoy mo mukha mo! Mas gwapo parin ako sayo Tanda!"

"Tumigil nga kayo" pagpapatigil ko sa dalawa

"Ganda ng pad mo Dy! Ayos magkakasama ulit tayo, ikaw Dy saan ka titira?" Baling nya kay Marco

"Dun! "

"Ayos magkakatabi lang bahay natin! Tara na malalate na tayo"

**

[KEI POV ]

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko

"Naman oh!! Ang aga pa bwesit na alarm clock, sinira na naman ang mood at araw ko" reklamo ko at masamang tinitigan ang alarm clock.

Lunes pala ngayon,ngayon din ang alis nila mom papuntang U.S . Agad akong naligo at nagbihis at bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina nandon na sila lahat. Si mom, dad at si Nerd, yes, seryoso si mom na dito titira si nerd kasi kapos sa buhay si nerd.

"Good morning sweetie" bati ni mom,

"Morning baby!" Si dad

"Morning ms. Kei " si Nerd

Hindi naman ako sumagot kasi nga wala ako sa mood. Walang ganang umupo ako at nag sandok ng pagkain.

"Sweetie, simula bukas dito na titira si papa, behave okey? Wag mong sasagut-sagutin si papa " mom said

"Pano to si nerd" turo ko kay nerd gamit ang tinidor

"Alam na ni Papa and gusto nya naman na may tutor ka" i just rolled my eyes

"At... anak wag mo munang susuwayin ang gusto nya, para naman sayo yun eh"

"Seriously dad? Tama ba na ipakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala at sa murang edad pa, im just 18 turning 19 at isa pa pano kung masungit ang mapapangasawa ko? Paano kung matanda pa sakin? Paano kung pangit?" Tanong ko

When Maldita Fall To A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon