CHAPTER8: Her soft side

12 0 0
                                    

NO ONE'S POV

Isang dalaga ang abalang namimili ng mga Prutas,Gulay,karne,isda at kung ano ano pang pagkain maging mga damit, sapatos,tsinelas na pambata at maraming laruan.

Nakangiti ang dalaga habang pinagmamasdan ang kanyang mga pinamili.

Sumakay ang dalaga sa kanyang magarang Kotse at tinungo ang isang lugar.

Isang Lugar na kung saan mararanasan ang tunay na problema ng bansa na hindi nagagawang pansinin ng mga taong may kaya at mga taong may mga kapangyarihan.

Mga taong mayayaman na ang tanging alam ay magpakasaya at magpakasasa sa marangyang buhay na kanilang natatamasa

Ang kanilang karangyaan , kapangyarihan at pera na ginagamit sa maling paraan. Ginagamit upang manapak,manakit,manghamak at mang api ng mga mahihirap.

Ngunit Hindi lahat ng mayaman ay masama ang mga pag uugali, pero sadyang magaling silang mag kunwari at mag tago. Kung sino pa ang inaakala mong mabuti ay syang tunay na masama at kung sino pa ang inaakala mong masama ay sya palang may tunay na ginintuang puso.

Bumaba ang dalaga mula sa kanyang kotse at sumalubong sakanya ang kakaibang amoy na ibang iba sa kanilang mansyon, ngunit hindi iyon pinansin ng dalaga bagkos ay nag lakad sya dala ang ilang supot na pinamili nya at tinawid ang isang masukal,madumi,mabaho at makipot na eskinita

Tumambad sa Dalaga ang Isang Maliit na bahay na yari sa pinagtagpi tagping piraso ng mga kahoy at flywood

"Tin-tin? " boses ng dalaga

"tin-tin? Nandito si ate !"

"Rina? Ruru?"

"Ate Kei??? ma? si Ate Kei nandito!" masayang bati ng madungis na bata na limang taong gulang at yumakap sa dalaga

"may pasalubong sainyo si Ate, Nasan sila Rina at Ruru?" tanong ng dalaga

"Nangangalakal po sila Ate"

" Tin- tin wag kang tatakbo--- Kei ikaw pala" isang babae na nasa 40's ang lumabas sa kusina

"Nanay Nelie" masayang ani ng dalaga at kinuha ang kamay ng tinawag nyang nanay at nagmano

"Nay pasensy po Kung ngayon lang ulit ako naka dalaw sainyo Naging busy ho kasi ako"

"Naiintindihan namin anak!"

"Nga pala Nay, para sainyo po ang mga ito"

"Naku Anak hindi ka na sana nag abala pa, napakadami nyan "

"Nay, aanhin ko naman ang pera kung igagastos ko lang sa mga walang kwentang bagay?"

"Maraming salamat Anak, Nahihiya na ako sayo ang dami mo ng naitulong saamin"

"Nay? Para saan pa at naging pamilya tayo? Kulang pa ang mga yan sa naitulong nyo saakin"

"Salamat Anak, napakabait mo pero bakit kailangan mong ipakita sa lolo mo na masama ang ugali mo?"

" Nay wag na nating pag usapan ang mga bagay nayan, namili po ako ng karne, ipagluto nyo kami ng adobo " bakas sa mukha ng dalaga ang saya

"Sige anak, ipagluluto kita ng paborito mong adobo,sa kusina muna ako. tin-tin wag malikot ha"

"Tin-tin iniinom mo ba ang mga gamot mo?"

"Opo ate"

"Good! magpagaling ka ha! parang pumapayat at namumutla ka tin-tin ah! nilalagnat ka pa ba?" wika ng dalaga na may nagaalalang tinig

When Maldita Fall To A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon