Chapter 25: Deadly Battle ( Part I )
Third Person's POV
Sumugod ang Duchess sa kinaroroonan ng mga taga-Reign. Gayon din ang ginawa ng kabilang panig. Nang magtagpo ang mga landas nila ay agad silang nakipaglaban sa bawat isa gamit ang kanilang mga dalang armas at kapangyarihang taglay.
Nakikipaglaban ang bawat isa. Lalo na ang mga Royalties,ayaw man nila pero may napatay sila. Si Cayel at Zydny ay nahiwalay sa lima. Silang dalawa ang magkasama habang nilalabanan ang mga sumusugod sakanila. Ang iba ay natatalo nila ngunit ang iba naman ay bigla bigla nalang naglalaho.
Sa labilang banda,habang naglalaban ang dalawang eskwelahan ng kapangyarihan,isang binata ang tumatanaw sakanila mula sa itaas. Napapangisi siya kapag nakakakita siya ng taga-koponan niya na natatalo ang kalaban nila.
"What are you doing here my dear brother?",napalingon ang binata sa boses na narinig mula sa kaniyang likuran.
Pinasadahan niya lang ng tingin ang dalaga na nagtanong sakanya at ibinalik na uli ang mga mata sa labanan,"Watching a liveshow? How about you?"
"Me? I'm thinking if I should kill Zydny now or maybe later. What do you think?" at ngiti nito ng nakakaloko.
"Tsh. It's you're problem. Zydny is still our cousin." malamig na tugon ng binata.
"I don't care if she is our cousin! I want to kill her!" sigaw ng dalaga.
Pagod siyang tinignan ng binata,"You know Henra? Do what you want to do. And please,stay away from me. You're so noisy."
"Whatever Segria! Psh." sabay irap at lakad papalayo.
Nailing nalang ang binata at hinatid ng tingin si Henra. Napangiti siya ng maalala ang una nilang pagkakakilala. Hindi lingid sa kaalaman ni Segria,hindi niya tunay na kapatid si Henra. Nakita lamang ng mga magulang niya si Henra ng sanggol pa lamang ito sa tapat ng gate ng Duchess Academy. Kinupkop nila at itinuring nilang tunay na pamilya si Henra. Pero hindi alam ni Henra na isa siyang ampon. At hindi niya rin alam na matagal ng may gusto sakanya ang kinikilala niyang kapatid niya. Ewan kung ramdam niya yun. Basta ayos lang kay Segria na 'wag lumayo ang loob ng dalaga sa kaniya. Baka ikamatay niya yun. Nag-susungit lang siya para 'wag siyang mahalata.
Napabaling siya ng tingin sa pinsan niya nang lapitan ito ni Henra. Naisip niya na baka tinuloy ni Henra ang plano niyang patayin si Zydny. Oo,kahit papano ay itinuturing paring pamilya ni Segria sila Zedryl Naccio. Sa isip niya kasi ay hindi naman dapat sila madamay sa alitan ng mga magulang nila. Gusto niya ng payapang buhay pero gawa na rin ng mga utos ng magulang,kailangan niyang sundin ang mga iyon.
--
Zydny's POV
Nilalabanan ko ngayon ang isang babae na may Power of Dark Flame. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil nahiwalay kami ni Cayel sa lima at ngayon nahiwalay naman kami sa isa't isa.
Kanina pa ako umiilag at pinapatamaan siya ng waterball dahil kanina niya parin ako sinasabuyan ng Dark Flame. At ayojong matamaan nun dahil ayon sa napag-aralan namin,nakakamatay na mapaso nito. Parang muriatic acid,mas malala pa sa Power of Flame ni Cayel.
Ng makakita ako ng tyempo ay agad ko siyang sinabuyan ng sunod-sunod na waterball at hindi niya nagawang makailag dahil yung mga fireball na sinasaboy niya ay namamatay sa tubig. At ng mapahiga siya sa lupa dahil lunod na lunod na siya sa tubig ay agad ko siyang nilapitan at tinapos na-ayoko man pero kailangan.
Pinunasan ko ang gilid ng labi mo dahil nadaplisan ako ng dagger na hinagis niya kanina. Bwisit.
Tinalikuran ko na ang babaeng nakalaban ko at nagulat ako ng bumungad ang pamilyar na babae sa harapan ko.....si Henra Kwan.
YOU ARE READING
Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)
FantasyZydny Frost, is a girl who once lived in a normal world. Her mother died in an unknown disease like what they've told her. She don't know who her father was. Everything changed when one day, while walking herself home from school, suddenly she found...