Chapter 25: Deadly Battle ( Part II )
Zydny's POV
Umiyak lang ako ng umiyak. Ang sakit eh! Yung pakiramdam na akala mo talaga mahal ka niya? Yun pala nakikita niya lang yung kapatid ko sakin. So ibig sabihin lahat ng sweet gestures niya ay para kay Ate Ilyn?
Nakakatawa. Dakilang uto-uto naman ako. Sabi na kasing un pa lang 'wag ng umasa. Eh ano? Nadala sa halik at I love you?
Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Bakit ko ba iniiyakan yung lalaking yun? Aba! Ang baliw ko rin eh 'no!? Ang mga gaya ni Cayel na hindi maka-move on sa past at gumagakit ng rebound ay mga lalaking walang kwenta. So dapat hindi ko winiwaste yung mga luha ko sakanya!
Pinahiran ko ang mga luha sa mata ko. Nakaramdam din ako ng kung ano. At bumalik sakin ang alaala na nasa gitna pala kami ng labanan at nagawa ko pang magdrama dito. Hindi ako ito.
Pinagpag ko ang damit ko at inayos ang sarili ko. Ng maging okay na ako ay nagteleport ako pabalik sa academy. Pero nagulat ako sa nakita ko....
My Dad is in fight with my Tito. Halos parehas na silang pagod. Pero pareho silang ayaw magpatalo. Lalapitan ko na sana sila dahil gusto ko ng tapusin yun ng may humawak sa balikat ko. Nilingon ko yun at nakita ko ang malamig na mata ni Ice na sumalubong sakin.
"Don't continue what you're thinking. Let them fight."
"But-"
"No buts. Let's go."
Hindi na ako nakapalag ng hawakan niya ang kamay ko at patakbo kaming pumunta sa kung saan man ang tinutukoy niya. Pansin ko? May pagaka-weird na tao si Ice.
Pero sana,walang mangyaring masama kay Dad....
Napunta kami sa gitna ng field at nakita ko na marami ng sugatan sa magkaparehong academy. At lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kristine na nakaratay sa sahig! Nakaamba yung lalaking kalaban niya na tatapusin na siya ng bigla ko itong hagisan ng waterball at sinugod kaya siya ang natuluyan.
Napalingon ako kay Kristine at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"W-Why did you do that?" nagtataka ang mga mata niya ng itanong niya yun.
I smiled,"Because enemy can be friends also?"
Umirap siya. Maldita talaga,"Whatever. You're forever a bitch."
"I know."
Napatawa kami ng mahina pareho. Nilapitan ko siya at inalalayan. Kailangan siyang madala sa Healing Team. Kaso nasa may kaliwang banda pa sila ng academy.
Lumingon ako kay Ice na katatapos lang labanan yung lalaki na sumugod samin,"Ice? I need to bring Kristine in Healing Team. Mag-teteleport ako. Sasama ka ba?"
Tumango lang siya at humawak sa balikat ko kaya naman pinagana ko na ang power of Teleportation ko at nandito na kami sa kinalulugaran ng Healing Team.
"Zydny!"
Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Bach. Nagtataka akong tinignan siya at nakita ko si Syth na nakahiga at walang malay! No! This can't be happening!
Inalalayan ko muna si Kristine papalapit sa pinakamalapit na miyembro ng team na'to.
"Please heal her."
"Yes. We'll do our best."
Tumayo ako at nilapitan si Ice. "Pwede bang ikaw muna ang magbantay sakanya? Kailangan ko lang puntahan si Kuya."
Tango lang ang sinagot niya kaya patakbo akong pumunta sa kinalalagyan nila Kuya. At nakita ko ng buo ang kalagayan ni Syth,may sugat siya sa kaliwang balikat niya.
YOU ARE READING
Reign Academy: School of Power Abilities (CURRENTLY EDITING)
FantasyZydny Frost, is a girl who once lived in a normal world. Her mother died in an unknown disease like what they've told her. She don't know who her father was. Everything changed when one day, while walking herself home from school, suddenly she found...