Chapter 4:Worste Day

48 1 1
                                    

Siya nga yung...babaeng nakaaway ko kanina,pero bakit niya yun gagawin?Diba parehas naman kaming naparusahan kanina kaya dapat tanggapin niya na ang kasalanan niya,Ang alam ko lang talaga na dahilan kung bakit niya yun  nagawa...pero hindi naman sa nagiilusyon,Kinutuban lang talaga ako,Siguro nagseselos siya sa amin ni Richard ngunit mas mabuti pang tanungin ko na lang siya para naman makasigurado.

Ano ba talagang pakay mo ha?!Wala naman akong ginagawang masama sayo diba?!Ano ba talagang problema mo?!

Sinigawan ko siya na parang kulang na lang magkasira sira na yung eardrums niya!P*tcha talaga!Wala naman akong ginagawang masama sa kanya diba?Bakit ba ganun na ngayon yung mga tao?Masyado ng pakialamera sa mga buhay ng iba!Madami na talaga ang nagbago sa mundo ngayon!Ay basta...Kailangan ko lang pigilan ang mga susunod niyang gagawin bago pa mahuli ang lahat...
Sa mga huling sandali mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na parang mas lalo akong kinutuban sa mga  gagawin niya,may pakiramdam na ako sa mga masasamang mangyayari at  gusto niyang siraan kaming dalawa ni Richard.Kinuha ko agad ang cellphone niya para pigilan ang lahat ng mga paghihinala ko mabilis kong dinelete ang video namin ni Richard at sa mga sandaling iyon mas gumaan na ang pakiramdam ko at parang nabunutan ako ng tinik sa puso...Hayyy mabuti na lang mabilis akong kumilos kundi lagot ako...Pero yun yung ang akala ko...Hindi pa pala dito nagtatapos ang lahat...

Someone's Pov
Akala niya ganun na lang kabilis ang lahat...Nagkakamali siya hinding hindi ko toh palalampasin lalong lalo na kapag si Richard ang dinadamay niya!Wala siyang karapatan para agawin sa akin si Richard!Sa akin lang siya!!!Tumawa ako na parang may napakasamang balak,Ako ang sisira sa lahat ng plano nila!
Wahahahaha,Na sa akin ang huling halaklak...

Crystal's Pov
Tumakbo ako ng mabilis para hanapin si manong driver.Alam ko kasing kanina pa yun naghihintay eh
Ang alam ko lang ay natapos ko na ang lahat kaya wala na akong dapat problemahin pa.Pumunta ako sa labas ng campus baka sakaling nandun siya.Tumpak!tama ang hula ko nandun nga siya!Ano ba kasing iniisip ko,dito ko naman talaga siya hihintayin kaya bakit kung saan saan pa ako naghahanap kanina?Masyado na talaga akong makakalimutin.Hayy!

Manong driver,nandito na po ako.Tara na!

Ayyy nandito ka na pala iha kanina pa kita hinihintay eh.Saan ka ba nagpunta?

Huwag niyo na pong tanungin mahabang kwento eh.Tara na po!

Sumakay na ako sa kotse na kanina pa naghihintay sa akin mas pinabilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse kay manong driver dahil ang alam ko malelate naman ako nito.

(after half an hour)
Bumaba na ako sa kotse para kumain ng tanghalian namin na kanina ko pa hinihintay...Hayyy salamat nandito na ako,kanina ko pa hinihintay yung masarap na luto ni mommy eh...Nasaan na kaya siya?Mas mabuti pa kung hahanapin ko siya noh...
Inakyat ko ang hagdan para pumunta sa 2nd floor at nagbabakasakaling nandun siya...Sa mga sandaling iyon mas kinakabahan ako dahil palagi naman siyang hindi umaakyat sa taas magmula ng may mangyaring masama kay daddy...Oo,nagagawa pa niyang pumunta dun pero bibihira na lang dahil na rin sa mga mapapait na pangyayari na ayaw ko na pang balikan...Kaya mas minabuti kong pumunta sa taas para masagot ang mga katanungan na kanina pa bumabagabag sa isip ko...

Sa bawat hakbang mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko kaya mas lalo akong kinutuban sa mga susunod na pangyayari.

Okay lang kaya si mommy?

May masama bang nangyari sa kanya?

Sana naman wala...

Lahat ng mga katanungan na ito ay umiikot lang sa isip ko...Sa huling hakbang,bigla na lang nawalan ako ng hininga at parang nanlabo ang mga paningin ko...Ang hindi ko alam
sa mga sandaling yun ay nawalan na pala ako ng malay...

Someone's Pov
Anak!
Anong nangyari sayo?
Nagulat ako sa mga pangyayari ako lang naman ay nasa kusina at naghahanda ng pagkain para sa tanghalian ng bigla akong makarinig ng malakas na pagbagsak mula sa hagdan...yun pala si Crystal ay napahamak na...Napakapabaya ko talagang ina!

Sa mga sandaling iyon wala akong ibang maisip kundi ang humingi ng tulong at umiyak na lang dahil sa lungkot na nararamdamn ko...Wala akong ibang ina-alala kundi ang buhay lang ng anak ko...

Sa ilang saglit lang bigla akong nabuhayan ng loob ng makita ko si manong driver na papunta para hingan kami ng tulong...Dinala ko si Crystal papunta sa kotse na naghihintay sa amin upang pumunta sa hospital...

(after an hour)

Crytal's Pov
Minulat ko ang aking mga mata at nanibago sa paligid na aking nakikita...Nasaan kaya ako?Siguradong nasa hospital naman ako.Ano ba kasing nangyari sa akin?Mas minabuti kong lumabas muna para malaman ang lahat ngunit...

Bigla akong natigilan dahil sa mga iyak na naririnig ko na siguradong mula kay mommy...Bakit kaya siya umiiyak?Pinakinggan ko ng mabuti
ang mga pinagsasabi ni mommy sa labas upang malaman ko kung ano ang rason sa pag-iyak niya...

Someone's Pov
Hindi toh maaari doc!Kailangan niya pang mabuhay!Kailangan ko pa siyang makasama!

Sabihin mo,na nagkakamali ka lang!
Doc please...gawin mo ang lahat ng makakaya mo para gumaling siya!

Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin misis kaya sana po huwag kayong mawalan ng pag-asa...

Sige po salamat...

Crystal's Pov
Sino kaya ang tinutukoy ni mommy sa mga sinasabi niya?Hindi naman pwedeng ako yun diba? Malakas pa naman ako kaya hindi pwedeng ako yun...Bubuksan ko na sana ang pinto ng pumasok si mommy sa kwarto...

Uhmm...Mommy bakit bigla ka naman pong pumasok?Nagulat tuloy ako

Ayyy...Sorry anak may importante lang ako kasi sayong sasabihin eh.Dapat mo talaga tong malaman bago pa mahuli ang lahat...

Ano po yun?
Kinabahan ako sa mga pinagsasabi ni mommy...Bakit ganun siya ka seryoso mag salita?Hindi pwedeng tama ang hinala ko! Ako nga ba ang tinutukoy ni mommy?

Kasi anak may malubha kang sakit...
Hindi pa matukoy ng doctor kung ano ito basta ang bilin ko lang sayo ay alagaan mo yang sarili mo para gumaling na ang sakit mo...Kasi diba anak gusto mo pang makasama kita at gusto pa kitang tumagal dahil mahal na mahal kita...

Nagulat ako sa mga sinabi ni mommy sa akin.Natawa na lang ako habang sinabayan ng luha ko na patuloy sa pagtulo...

Mommy tulungan niyo po ako kailangan ko pa pong gumaling diba?
Kailangan ko pang tumagal! Bigla na lang akong nagwala at umiyak ng umiyak!

Kailangan kong gumaling!
Kailangan ko pang mabuhay!

Abangan...

A/N
Thank you po sa support
I wish marami pa po ang maka appreciate ng story ko at magbasa nito.Sorry po sa very late update I will try my best next time...






"The Four Bad Boys"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon