Chapter 2:Detention

92 2 1
                                    

Pumunta kaming lahat sa detention office para magpaliwanag sa witch ay este sa dean pala ng campus.Ang alam ko lang ay dapat kong sabihin lahat ng nangyari hindi ako magsisinungaling at magpapakatotoo lang.Yun ang inilagay ko sa utak ko pero lahat ng yun na balewala...Alam niyo kung bakit?utal utal ako habang nag sasalita sa dean na nasa harap ko.Para akong bata na nagsisimula pa lang magsalita.Hiyang hiya ako sa lahat.Kung may pagkakataon lang iiyak na talaga ako sa hiya at tsaka na rin sa kabaliwan na ginawa ko sa unang araw ko dito sa campus.Pero naisip ko rin na wala namang magagawa kung iiyak na lang ako dapat tatagan ko yung loob ko at magsalita ng diretso bago pa pumutok yung mga tiyan nila sa kakatawa sa bulol kong boses.

Ka...ka...kasi po ganito yung na...nangyari eh.

O,ano ang nangyari Ms. Perez?Sa boses mo...ahhh I mean sayo at sa kanila.Bakit nag aaway away kayo sa labas?

Kailangan pa ba yan tanungin?Ano ba tong dean na toh.Dinadamay pa nga yung boses ko eh.Lahat talaga kailangan malaman.Di ba pwedeng sila na lang yung tanungin niyo?Kasi baka mainis ako at hindi ako magdadalawang isip na palitan yang kilay ng dean na yan.✌

Sa huling pagkakataon nagsalita na ako pero huli na talaga yun.Ayaw ko ng pagtawanan noh!hindi na ako magsasalita forever and ever.hehe joke lang ano ako? magpapaka pepe na lang.

Pwede po ba...ba....bang sa iba na lang po ka...ka...kayo magtanong kasi sigurado naman po akong naiintindihan niyo yung kondisyon ko ngayon siguro po sa iba mas maiintindihan niyo yu...yu...yung paliwanag nila.Sorry po talaga

Ang sama naman kasi ng tingin sa akin ng dean na yun parang kukulamin ako.Nakakatakot talaga siya as in.Kaya mas mabuti pang hindi na lang ako magsalita kaysa naman sa magsasalita ako na kaharap yung dean na yun.Mabuti nga at nan jan si night and shining armor ko eh.Shit ang gwapo talaga niya!Nakakainlove siya at tsaka ang bait pa.

Sa ilang saglit lang,Nagsalita na rin yung babaeng nangsabunot sa akin.Salamat naman.Praise the lord Hallelujah!Muntikan na sanang mawalan ako ng oxygen sa pagpapaliwanag lang kanina.Mabuti nga at nakapag isip isip rin yang babaeng yan!

Pinaliwanag ng girl na yun ang lahat and as a punishment sa ginawa namin maglilinis kami ng c.r.Ang baho kaya ng p*tang inang cr na yun!
Kahit sinong tao walang tatagal na mag stay dun!Idagdag mo na rin yung nakakainis na lalaking kasama ko sa paglinis.Si Richard pala siya.Hindi ko i-dedeny na gwapo siya,may itsura kaso ang nakakainis lang ang sama sama ng ugali! Kulang na lang lagyan ko siya ng sungay para magmukha na siyang demonyo!Kung pwede lang pumatay ng tao ginawa ko na yun,hindi na talaga ako magdadalawang isip at ang unang papatayin ko ay ang lalaking yan.

Bigla namang nagsalita si Richard na parang liliparin na ako sa kahanginan.Ang yabang niya kasi!

O,ano?bilisan mo nga jan!kanina pa ako dito naghihintay ah! Hindi ko na matiis toh!Ang baho!

Eh kung magiinarte ka lang jan mas mabuti pang umalis ka na lang dito!

Oo,nga noh mas mabuti nga yan!
Kahit hindi ka pala maganda matalino ka naman.

Nagside smile ulit siya sa akin dahilan para lumabas yung napakalalim niyang dimples.Oh my gosh! Kung hindi ka lang mahangin papatulan na
talaga kita kaso nga lang ano naman yung magagawa ko eh ganun ka na eh

Pero kahit ganun, hindi pa rin magbabago yung paningin ko sa kanya.Para sa akin isa pa rin siyang diablo na pinadala ni satanas dito sa lupa!Grabe noh?Ang sama ko talaga pagdating sa mga katulad niya noh hindi ko toh palalampasin kaya naman hindi na talaga ako pakapagtimpi sa galit kaya pinatulan ko na siya!

Alam mo Mr. Richard Gonzales kung hindi ka dito tutulong mas mabuti pa talagang umalis ka na bago pa kita...
Bigla akong nagulat sa mga sumunod na pangyayari kaya imbis na sumbatan ko siya biglang naputol yun agad agad...

Biglang natapon ang sabon na nasa timba dahilan para ako ay madulas
Tumigil ang lahat at ang nakikita ko lang ay ang mga nasa paligid ko na parang bang nag slow motion ang lahat ng bagay.Kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.Parang kailangan ko na talaga ng oxygen at tinanong ko si lord, Lord mamamatay na ba ako?Hindi sa nag bibiro kundi seryoso talaga dahil ang alam ko lang pag dumiretso ako,ang unang tatama ay ang ulo ko ngunit sa unang pagkakataon nagulat na lang ako sa ginawa sa akin ni Richard imbis na pabayaan niya ako dahil sa mga ginawa ko sa kanya iba ang ginawa niya...sinagip niya ako at binalot ng kanyang mga kamay ang ulo ko para siguradong mailalayo niya ako sa disgrasya.At hindi ko akalaing ganun ang gagawin niya sa akin ang alam ko lang ay isa siyang pinakamayabang na tao na kilala ko pero pinahanga niya ako sa ginawa niya sa akin.

Pagkatapos nun nagpasalamat ako sa kanya kung hindi dahil sa kanya hindi na sana ako mabubuhay kaya lubos ko siyang pinasalamatan pero hindi ibig sabihin nun bati na kami.No way! Nagpasalamat lang ako noh pero never kaming magbabati hindi pa rin mawawala ang galit ko sa kanya.Kahit ilang beses pa niya akong sagipin no way talaga okay lang pag si Mark ang kaaway ko siguro wala pang one minute papatawarin ko na siya pero si Richard kahit mamatay man ako hinding hindi ko siya papatawarin.Never!

(after half an hour)

Salamat at natapos na rin yung nililinis ko ay este namin pala.Oo,nga pinalinis ng dean si Richard pero sa buong 30 minuto parang ako lang yung naglilinis eh yung ginawa lang niya ay titigan ako!Siguro kasi ang ganda ko daw nahuhumaling siguro siya sa ganda ko.hehe joke lang yun never akong magiging mahangin tulad ni Richard noh.Pagkatapos kong maglinis dumiretso na ako sa room para makinig sa last period namin.Oo,hindi ako nagkakamali "last period" na namin talaga as in last period na.Siguro ang ginawa ko lang magdamag ay maglinis at makipag away yun lang!Sa first day of school ko heto ang pinaka worse as in.Kung nandito lang yung guiness book of world records siguro ililista ko na yung araw ko para sa pinakamasang araw sa mundo hindi ako magdadalawang isip na gawin yun!Lagot na lang ako pag nalaman toh ni mommy basta sisiguraduhin ko lang na hindi niya toh malalaman kundi patay ako!

Nandito na ako ngayon sa room kasama ang mga kaklase kong mga baliw parang mga takas sa mental.haha tapos yung teacher namin na kulang na lang lullaby para matulog kaming lahat ang boring kaya niyang magturo.Ganito ba talaga pag estudyante maraming pagsubok ang dadaanan?Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay pagbutihin yung pag-aaral ko at wala munang boyfriend titiisin ko na lang si Mark kahit manligaw siya sa akin.hehe joke lang yun. Eto kasi si Richard nahawa na ako sa kahanginan eh pero infairness sinagip niya ako kanina dagdag points na yun kahit alam ko namang wala akong pag asa sa kanya pero hindi naman ako aasa noh.Never!

Sa kaka daydream ko hindi ko napansin na ang sama na pala ng tingin sa akin ng teacher.Kasi naman ang boring niyang mag turo tuloy nanaginip na ako ng gising.Sinigawan pa niya ako sabi daw hindi daw ako nakikinig eh sa tingin ko nga mas malala pa yung mga kaklase ko kulang na lang mga ititinda nila para na silang nasa palengke tapos ako pa talaga ang nakita ni mam na masama ah.Wow! may sama ba to ng loob si mam sa akin?Well,pinabayaan ko na lang siya ayun tumigil na rin siya sa pagiilusyon buti nga naman.

A/N
Sana nagustuhan niyo po ang chapter na toh.Sorry po kung kaunti pa lang yung nagagawa ko tiis tiis lang po.I will work hard para maramu na po tong updates

Thank you...


"The Four Bad Boys"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon