Chapter 3:My fake girlfriend

67 2 1
                                    

Hay naku!
Hindi ko namalayan na tapos na pala si mam magturo kasi yung naririnig ko lang talaga eh yung mga sigawan ng kaklase ko.
Pagkatapos ay lumabas na ako para makapahangin naman sa mainit na atmosphere sa loob ng room at wala pang isang minuto ay may humawak ng mga kamay ko na hindi ko namalayan bigla na  lang akong nagulat sa ginawa niya at mas lalo pa akong nabigla dahil si Richard ang gumawa nun sa akin.Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa parang gusto niyang humingi  ng favor sa akin ngunit binalewala ko lang siya.Ano ako?susunod na lang ng basta basta?mas mabuti pa sigurong magsalita ako sa harap ng maraming tao kahit pumutok ang mga tiyan nila sa kakatawa kaysa naman sa sumunod ako sa mokong na lalaking yun!

Ano ba?!Bakit mo ba ako pinipilit diba ayaw ko ngang makinig sayo! at mas lalo ng hindi ako magsusunudsunuran na lang!Never!kahit  pa ikot ikotin mo pa ang mundo,kahit patayin mo pa ang sarili mo hindi hindi!

Ano ba talaga ang gusto mo Crystal?
Ang favor ko lang sana ay maging fake girlfriend ka  kahit isang linggo.Alam kong ayaw mo sa akin pero isipin mo yun,magiging boyfriend mo yung ultimate crush ng campus natin,kahit sino sigurong babae papayag sa gusto ko eh.

Wow!kahit kailan talaga hinding hindi siya magbabago?Ang yabang niya talaga!Kinausap ko ulit siya ay este sinigawan pala pero way ko talaga yun ng pakikipagusap sa mga taong kagaya niya noh!

Alam mo Richard,mukang nagkakamali ka siguro nakalimutan mo na bang nandito ko noh!I don't care kung ako na lang ang kaisa isang babae na hindi papayag sa gusto mo kasi alam mo,hindi ko idedeny na gwapo ka nga pero ang yabang mo naman! I-try mo kayang baguhin yang ugali mo,siguro pag ginawa mo yan papayag na ako.

Eh yun lang naman pala eh.Siguro nga wala pang isang araw mapapa payag na kita.Ako pa.

Nakakainis talaga siya!Siguro nagkakamali siya sa mga sinabi niya.Akala niya mapapasagot na lang ako ng basta basta,hindi noh!Siguro nga kahit abutin pa ng isang taon hindi pa ako papayag eh.Siya lang talaga ang taong nagpapainit ng ulo ko!Sana makita ko si Mark siguro pag nakita ko siya mabubuo na ang araw ko.Haaaaayyyyy😘

Hoy Mr.Richard!kung gusto mo akong pumayag sa favor mo kailangan mo munang itigil yang kayabagan mo bago pa magunaw ang mundo dahil sa hangin na dala mo noh!at tsaka wag mong kakalimutan na peke lang yun hindi totoo yun ah!

Syempre naman eh papayag ba ako na totohanin natin toh.Masusuka na lang ako pag nagkatotoo yun noh!Yuck!

Akala niya kung sinong gwapo nakalimutan niya bang buhay pa si Mark?Actually hindi nga dapat kasali si Mark jan sa grupo nila eh kung sa totoo lang ang bait bait niya.Siguro siya nga yung prince charming ko eh.Kaso nga lang sa panaginip na lang yun mangyayari.Pagkatapos kong mag imagine nakalimutan ko palang nasa harap ko pa pala si Richard.Ang tanga ko talaga!Muka akong engot sa pagmumuka niya.

Ano pang ginagawa mo jan umalis ka na!diba nasabi mo na rin sa akin yung favor na hinihingi mo?

Sungit naman nito!hindi naman nga siya maganda tapos makasigaw ka sa akin,Akala mo kung sino ka!

Kung ayaw niyang umalis edi ako ang aalis,Problema ba yun?Bigla ko siyang tinalikuran kasi nanlalamig na ako eh.Hindi ko na pala kailangan ng aircon eh mas mahangin pa siya dun!

Didiretso na sana ako para umuwi na kaso nga lang umepal na naman siya...Bigla niyang hinugot  ang mga kamay ko kagaya ng kanina dahilan para makahiga ako sa mga bisig niya. Kitang kita ko ang nakahuhumaling na mga mata niya at ang perpektong hulma ng kanyang mukha.Pero hindi niya ako madadaan sa ganyan ganyan lang noh!Akala niya ganun ako kadaling pumayag,Subukan lang niya!Nagsalita siya  na parang kulang na lang ng isang centimeter magdidikit na ang mga labi namin.Oo,aaminin ko na sa mga puntong iyon ay kinikilig na talaga ako pero hindi ako magpapadala sa mga feelings ko.Never! kailangan ko tong pigilan...

Ano?Ganito ba kalapit ang gusto mo?
Para pumayag ka na?o mas malapit pa dito?

Nag assume naman ako na hahalikan niya ako kasi yun yung alam ko talaga kaya pinikit ko na lang ang dalawa kong mga mata pero...Nagkakamali pala ang kutob ko sa kanya ang kapal ko naman kasi eh...Tumawa lang siya ng tumawa sa akin na parang wala ng bukas...

Ano sa tingin mo ang gagawin ko?hahalikan kita!Yuck! Ginawa ko lang yun noh!Akala ko ba nagkakamali ako na kahit sinong babae mahuhumaling sa akin eh totoo pala yun ikaw pala yung nagkakamali!

Inalis ko na ang mga kamay niya na nakahawak sa mga balikat ko at tinalikuran siya na parang punong puno ng pride.Kasi naman ang tanga ko,Ang ambisyosa ko pa,Nahawa na talaga ako sa lalaking yun!Ang hindi ko alam sa mga puntong iyon kinukunan na pala kami ng video ng isang fangirl para siraan ako.Nakita ko siya na parang inis na inis sa akin at kulang na lang ng kutsilyo siguradong papatayin na ako.Lagut ako nito!Sigurado pag nalaman to ni mommy sobra siyang ma didisappoint sa akin.Ayaw ko namang ganun ang mangyari noh!Kailangan ko tong gawan ng paraan.At kailangan kong bilisan bago pa kumalat ang video...

Tumakbo ako ng mabilis para habulin ang babaeng yun na tumakbo palayo simula ng nakita ko siya.Sa mga puntong iyon bigla naman akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko kagaya ng mga pangyayari kanina.Basta ang nasa isip ko lang ay maitama ko ang lahat ng toh kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo para masigurado na maaabutan ko siya dahil kung hindi patay ako nito!

Sa mga ilang saglit lang tumigil na ang babae siguro sa dahilan na napagod na rin siya.Mabuti naman kung ganon
kaya mas gumaan na ang loob ko humarap siya sa akin na parang inis na inis at laking gulat ko dahil namumukaan ko ang babaeng nasa harap ko ngayon hindi ako maaaring magkamali siya nga yun.Siya yung babaeng...

A/N
Thank you po sa lahat...
Sorry po late update...
Vote,Share,and comment

"The Four Bad Boys"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon