Part 2

400 10 0
                                    

So eto nga ang gumugulo sa isip ko..

Bakit nga ba may na-iinlove sa bestfriend nila?

Ni ready ko ang cutie ballpen ko with matching pink feathers at ang always on the go ko’ng diary slash notebook.

Hindi nawawala sa bag ko ang mga ito kahit saan ako magpunta, may pasok man o wala, libot man o bahay lang, nasa tabi ko lang lagi ang mga yan.

Kasi nga, mausisa ako.

Lahat ng naiisip ko, sinusulat ko para di ko makalimutan.

Eh bakit di ko nalang itanong sa iba tulad ng isang normal na tao diba?

Bakit nagpapakahirap pa ako’ng magsulat at ubusin ang oras ko kakaisip sa mga ganitong bagay kung madali ko lang naman makukuha ang sagot sa iba?

Malamang kasi, hindi ako normal.

Tanggap ko na yun.

Ayoko naman maging normal tulad ng lahat!

Boring. Overrated.

But just because I don’t want to be like others, that doesn’t mean na abnormal ako.

Sadyang mas advance lang ang utak ko.

Anyway, let’s go back to where we are awhile ago.

Para masagot ang aking katanungan, kailangan ng paraan.

Kumbaga, parang Scientific Method lang yan.

1. Formulate a Question

2. Do a Research

3. Create a Hypothesis

4. Conduct an Experiment

5. Make an Analysis

6. Form a Conclusion

7.  Get the Results

Lets proceed to Step 2 since may question na tayo.

2. Do a Research.

Sino pa ba ang pinakamagandang tanungin kundi yung mismong mga taong nakaranas ng mainlove sa mga bestfriend nila.

“Kuya!” patakbo ako’ng pumasok sa kwarto nito bitbit ang notebook at ballpen ko na para ba’ng reporter. Di ako kinibo nito at patuloy lang sa pagtetext sa cellphone nya. “Kuya!” sigaw ko pa’ng minsan ng malapit na ako ditto

“Anu ba ba’t kailangan mo’ng sumigaw?!” pagalit na sagot nito

“May tatanong ako!” pasigaw pa rin ako’ng sumagot hahaha sarap kulitin ni kuya, pikon kase!

“Tanong mo na!” pasigaw din nitong sagot

“Diba magbestfriend kayo ni ate Joy bago mo sya naging girlfriend?” medyo bumaba na ang tono ng boses ko..

Trulalu. Magbestfriend sina kuya Edison at ate Joy bago naging sila. Hindi ko alam ang mga detalye kasi di naman ako masyadong interesado sa lovelife ni kuya. Kung di lang talaga ako curious, di rin naman ako magtatanong ngayon sa kanya.Basta ang alam ko, almost one year na silang magkasama.

“O eh ano ngayon?” supladong sagot nito. Kung wala lang ako kailangan sayo di naman ako magtitiis na kausapin ka!tsk

“Gaano katagal kayo magbestfriend bago naging kayo?”

“2 years.” Maikling sagot nito

“Gaano katagal mo naman sya niligawan?” napatingin sa’kin kuya ng mapansin nitong sinusulat ko sa notebook ko ang bawat sagot nya

“Ano’ng ginagawa mo?” pagtataka nito

“Eh basta sagutin mo nalang mga tanong ko!”

“ Kajologan na naman ginagawa mo.”

“Jologs na kung jologs, sagutin mo nalang mga tanong ko kung gusto mo’ng tantanan na kita agad!” kilala naman ako ni kuya eh. Pag nagsimula na ako’ng magtanong, alam nyang hindi ako titigil hanggat di ko nakukuha ang sagot. Takot lang nya na di ko sya lubuyan! Wahahaha

“Osya, tira.” Ibig nya’ng sabihin, gorabels na!

“Gaano mo nga katagal niligawan si ate Joy?”

“Wala.”

“Ano’ng wala?”

“Wala, di ko naman sya niligawan.”

“Ha?! Ganun ba ka-easy to get si ate Joy?!” naging sila kahit walang ligawan na nangyari?! Paano nangyari yun??

“Oy ayusin mo pananalita mo ha. Hindi easy-to-get si ate Joy mo.” Pagbabanta nito sa akin

“O sorry naman. Verbal warning agad?”

“Para saan ba yang pinagtatanong mo? Tapos ka nab a? Kasi kung oo, pwede lumabas ka na dito sa kwarto ko?” pagsusungit ni kuya

“Basta! O eto bibilisan ko na, diretso tanong diretso sagot, wala ng commercial at violent reactions para matapos na!”

“Hindi ko na sya kinailangan ligawan pa para maging kami. Mutual Understanding ang nangyari. Meaning, pareho namin gusto ang isa’t isa. Isa pa, matagal na kami’ng magkakilala. We’ve passed the stage of courtship.”

“Ganun ba yun? Porke matagal na kayong magkakilala di na kailangan ng ligawan?”

“Nasa tao naman yun. Kung gusto nilang dumaaan sa pagliligawan, ayos lang. Kung ayaw naman nila, ok lang din. Hindi naman kasi ang panliligaw ang dapat pinapatagal, kundi ang relasyon.” Makahulugan ang huling sentence ni kuya but I beg to disagree.

“Hindi rin! My stand is, lahat ng di pinaghihirapan ay madaling mawala.” Pagkontra ko dito

“Teka, ano ba’ng alam mo? Nagka boyfriend ka na ba o baka naman nagbabalak ka na kaya mo ko ng tinatanong ng mga ganito?”

“Wala no! Excuse me, wala pa sa isip ko yan. Besides, masyadong mataas ang standards ko kaya wala pa’ng pumapasa. Teka, diba sabi ko walang commercials?! Dibale, last question ko na ito! Kaya gandahan mo ang sagut mo kuya dahil kung hindi, matagal kitang kukulitin tungkol dito.”

“Daig mo pa si Boy Abunda kung makapag hot seat ka ah?” inisnob ko nalang ang huling sabi ni kuya

“Bakit bestfriend mo pa?” medyo nagtaka pa si kuya sa tanong ko dahilan para mgkunot ito ng noo

“What do you mean?”

“Bakit si ate Joy na bestfriend mo pa? Bakit hindi ibang babae? Sabi mo dati madami nagkakagusto sayo, so bakit hindi ka pumili sa mga yun? Bakit nainlove ka sa bestfriend mo?” tuloy tuloy ko’ng tanong. Mafeeling talaga si kuya. Sabi nya madami daw nagkakandarapang babae sa kanya. Ewan ko lang kung totoo kasi wala naman ako’ng nakikita.lol

Tinigilan ni kuya ang cellphone nya at nilapag ito sa tabi. Umupo sya ng maayos tsaka ako hinarapan. Nginitian nya ako sabay iling iling pa! Aba, nabubuwang na ata si kuya sa mga tanong ko. Pinagloloko ba ako nito? Tsk

“Si ate Joy mo, matagal ko ng kilala. Mula sa dulo ng patay nyang kuko hanggang sa anit ng patay nyang buhok alam ko. Bilang ko kung ilan ang nunal nya sa buong katawan at memoryado ko lahat ng pangalan ng mga kamag anak nya. Sa katunayan, kung papadrawing ka ng family tree nila, pikit mata ko’ng magagawa yun ng mabilis. Naintindihan mo ba? Kumpara sa ibang mga babae na alam ko, sigurado ako na mapagkakatiwala ko ang puso ko sa ate Joy mo.” Yihh!!! Ang keso mo kuya!!! Bigla syang namula at bumalik sa pagkakasandal sa kanyang kama sabay kuha ulit ng cellphone nya..

“O nasagot ko na ba tanong mo? Sabi mo last na yun.” Dagdag pa nito na para bang walang nangyari

“Ikaw na! Ikaw na talaga kuya! Yihh ang mais mo kinikilabutan ako! BTW, thanks! Tapos na research ko!” La La La La La La.. pakanta kanta pa akong lumabas ng kwarto ni kuya

Bestfriend Problem (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon