Nainlove ka na ba sa bestfriend mo?
Hindi ba sobrang common na ng istoryang ganyan?
Sabi nila, pinakamasarap daw magmahal ng isang kaibigan.
Pero alam naman nating lahat na pinakamasakit din yun.
May mga kwento ng magbestfriend na nagkakatuluyan.
Meron din yung nasisira ang friendship dahil sa one sided love.
Sa totoo lang, falling in love with your bestfriend is the stupidest thing you could ever do!
I mean, kaya nga bestfriend diba?
Kasi friend sa english, kaibigan sa tagalog; off limits and pure friendship lang dapat.
Search mo pa sa Wikipedia malinaw na malinaw ang meaning nyan kasama pa etymology at history.
Eh bakit kasi makikipag bestfriend ka sa opposite sex kung pwede naman sa kapwa babae o lalaki mo nalang diba?
Well, I can’t really blame anyone kung may bestfriend sila from the opposite sex.
Di naman natin masasabi kasi kung paano maglaro ang tadhana.
Yung iba, sabay na pinanganak odi kaya naman eh magkaibigan ang mga magulang kaya nagiging childhood friends.
Yung iba, trip lang na biglaan magbestfriend ang drama kahit na wala pa’ng isang taon na magkakilala.
May mga kakilala naman ako na binibestfriend yung tao kasi may hidden feelings sa isa at pang front lang nila yung friendship para mapalapit sa kanila.
Seriously?
Ano’ng trip nila?
Kaloka.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Problem (Short Story)
Teen FictionAko si Elisha. Isang mausisang bata. Isang araw bigla nalang natanong ng isip ko kung bakit may mga mag bestfriend na naiinlove sa isa't isa? At dahil hindi ako normal tulad ng iba, ginawan ko ng paraan para malaman ko ang sagot sa overrated na kata...