Part 3

310 10 0
                                    

Step 3: Create a Hypothesis

Base sa mga impormasyong aking nasagap mula sa eksperyensado ko’ng kuya, masasabi ko’ng kaya naiinlove ang magbestfriend sa isa’t isa ay dahil:

* Kilala na nila ang isa’t isa mula ulo hanggang paa so no need for formalities. At dahil din dito kaya may tiwala sila na hindi sila basta basta masasaktan.

Porke ba dating magkaibigan sigurado ka’ng di ka sasaktan? Hmm.

Step 4: Conduct an Experiment

“Ano?! Gusto mo’ng magtapat ako kay George?!” sigaw ni Jonie na bestfriend ko. Si George naman ang bestfriend nya’ng lalaki sa kabilang section. Sya lang may bestfriend dun, di kami close at wala ako’ng balak makipagclose sa lalaki. Napatingin tuloy mga classmate namin sa lakas ng boses ni bessy.tsk

“Gusto mo’ng mic? Broadcast mo pa sige! Tulungan kita?” sarcastic ko’ng sagot

“Excuse me. Wag mo ko’ng sinasali dyan sa Dora the Explorer drama mo.” Padabog ito’ng naupo sa tabi ko

“Sige na! Parang di mo ko bestfriend nyan, titignan lang naming natin kung ano reaction nya! Malay mo may lihim din syang pagtingin sa’yo diba?” pangiti ngiti pa ako’ng yumayakap sa braso nya

“A-yo-ko. Dahil wala ako’ng gusto kay George. Bestfriend lang turing ko sa kanya! Hindi kami talo no!”

“Kaya nga, di naman totoo. Magpapanggap ka lang, titignan lang natin kung maiinlove din kayo sa isa’t isa.” Hehehe

“Naririnig mo ba ang sarili mo Sha? Gusto mo’ng magsinungaling ako sa bestfriend ko para lang dyan sa kabaliwan mo? Eh bakit di kaya ikaw?!”

“Ba’t ako?! Eh wala naman ako’ng bestfriend na lalaki, ikaw meron!”

“Edi maghanap ka ng bestfriend mo’ng lalaki!”

“Yoko nga! Bakit ko naman gagawin yun?”

“O akala ko ba’ng gusto mo’ng malaman kung bakit naiinlove sa isa’t isa ang magbestfriend? What’s the best way to know than to experience it yourself?” well, may punto naman si Jonie.

Pero sino? Sino’ng pweding magin bestfriend ko na lalaki?! Tsaka paano ang gagawin ko?

“Hi, pwede ba kitang maging bestfriend?”

“Tara bestfriend na tayo!”

Parang tanga lang.

Sabi ko na nga ba, pinakamadugo ang Step 4!

“Pumili ka kahit sino. Basta ang importante dapat may pinagsamahan na kayo o kaya naman ay yung medyo matagal mo ng kilala. Di naman kailangan yung ka close mo talaga, kasi magiging close lang kayo pag na-acknowledge nyo na magbestfriend kayo.” advise ni Jonie sa akin

Hmm. Look to the left. Look to the right. Sino nga ba sa mga classmate namin’g lalaki ang pinakamatagal ko ng kilala?

Huli ka.

“Si Gavin?” tanong ni Jonie ng makita nyang napirmi ang tingin ko sa classmate namin na si Gavin

Magkaklase kami nyan since Grade 1 hanggang ngayon na 3rd year highschool na kami. Di naman kami close. Although nakasama ko na sya dati nung elementary kasi pareho kami’ng nasa dance troupe. Other than that, hindi kami close to the point that we’ll be titled as friends. Alam ko lang nagka crush sya sa bestfriend ko’ng si Sheila nung Grade 6. Tapos yung bestfriend ko naman na si Cherry may gusto sa kanya. Ewan ko ba bakit pinag aagawan sya ng dalawang bestfriend ko eh hindi naman sya kagwapuhan. Malakas lang ang dating nya kasi nga mayabang, maingay sa klase at presko masyado.

Honestly? Ayoko sya’ng maging friend. Pero dahil nga hindi ako normal slash baliw, gagawin ko lahat ma satisfy lang ang curiosity ko.

What to do? Hay.

“Gavin! Pakopya nga ng assignment mo sa Math!” I have to say, matalino naman si Gavin pero sa Math lang. period. Burn. The end.

At dun na nag umpisa ang lahat. Syempre hindi ko naman masyado patatagalin tulad ng months no. One week lang kinailangan ko para maka close sya. Ayun lagi ako kumukopya sa kanya sa mga assignments kahit na ang totoo ay nakagawa na ako. Tapos tatabi ako sa kanya sa tuwing may quiz kami, magtatanong kunwari ng mga sagot kahit na obviously alam ko kung ano ang tamang sagot. Ayoko magyabang, pero mas matalino ako sa kanya. Osya na, mayabang nga ako. Hahaha!

Sa umpisa syempre may ilangan. Biglaan kasi na nakikipagclose ako kahit na ba more than 7 years na kami’ng magkakilala. Siguro di sya makapaniwala. FC na kung FC, experiment lang naman. Ano ba’ng mawawala?

Tapos isang araw…

“Bestfriend!” bati ko sa kanya.. Pa joke ko lang naman sinabi yun pero since di naman sya masyadong nagreact mukhang ok lang sa kanya. Success!

Simula nun, mapa personal o mapa text, bez na naging tawagan namin.

Bestfriend Problem (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon