Part 6

246 12 1
                                    

Another school day. Last night, hindi ko na nireplyan si Gavin. Pero may nareceive pa ako’ng text sa kanya kagabi na kanina ko lang nabasa pagkagising ko.

May sikreto ako na siguradong gusto mo’ng malaman. Pero di ko sasabihin kasi dinidedma mo ako.

-Gavin

Ano’ng sikreto naman kaya pinagsasabi ng tukmol na ito? Pwes. Hindi ako interesado. Kung anu man yun, hayaan nalang na manatiling isang sikreto kaysa pansinin ko pa ang mokong na iyon.

Pagdating ko sa school, andun na si Jonie. Nadatnan ko sila ni Gavin na magkatabing nakaupo sa dulo ng mga upuan. Ito ba ang tinatawag na love is blind? Hay, kagandang dilag nagkagasto sa isang tukmol.

“Sha!” bineso beso ako ni Jonie ng makalapit ako sa kanila. Syempre babatiin ko muna bestfriend ko no kahit kasama nya jowa nya.

“kumusta?” sabi ko dito ng mababa ko na bag ko sa totoong pwesto ko. Nagkwentuhan kami habang wala pa yung teacher. Kinuha lang daw nila ng mama nya yung mga padala ng papa nya galing Saudi. Pinadala daw kasi dun sa kasamahan nyang umuwi ng Pinas kaya naman sina betsfriend at mother dear nya na ang kumuha sa bahay ng taong yun para hindi nakakahiya.

And so as usual, linta na naman ang peg ni Gavin sa bestfriend ko. Di ko alam bakit pero mas naiirita ako ngayon. Pilit ko iniiwas ang mapatingin sa dalawa pero para bang automatic na gumagalaw ang mata ko para sumulyap sa kanila! Actually, alam mo yung feeling na kahit di mo talaga sila tinitignan, nakikita parin sila ng dulo ng mga mata mo? Kairita talaga.

Ilang araw pa ang lumipas na laging ganito ang setup. Being the third wheel is never fun. So I decided na sumabay maglunch break at umuwi nalang dun sa isa ko pa’ng bestfriend galing sa ibang section. Although pag nasa classroom sumasama pa rin naman ako kay Jonie at Gavin. Pero syempre, pag tungkol sa lovelife ng dalawa hindi na ako nakikichika. Hindi ko tinatanong si Jonie at lalong hindi ko rin pinapansin si Gavin. Although nagkakausap pa rin naman ako paminsan minsan pero hindi na kami close tulad ng dati.

Bez? :(

-Gavin

Yan ang text nya kanina. Late na ako bumangon kasi wala naman pasok kaya late ko na rin nabasa text nya.

What’s with the sad face? To be honest, as much as possible iniiwasan ko replyan mga text ni Gavin. Kasi lately napapansin ko, para ba’ng nasasaktan ako sa tuwing makikita ko sila ni Jonie na magkasama.

? – me

Singka tipid talaga magreply.

Break na kami.

-Gavin

Uwaaat??!!  Bakit walang sinasabi si Jonie sa akin?! Dali dali ko’ng tinawag si Jonie sa phone.

“Uy napano?!”

“Ano’ng napano?” mukhang nagtataka pa si Jonie sa tanong ko

“Eh nagtext sa akin si Gavin, break na daw kayo?!” susme, mas OA pa yata ako magreact kaysa sa tunay na girlfriend

“Ang bilis naman makapagsumbong sayo.” Mahinhin magsalita si Jonie eversince kaya di ko talaga masabi kung malungkot ba sya o wala lang sa kanya

“Ano nga nangyari? Bakit di ka nagsasabi sa akin? Kailan pa kayo nagbreak?” sunud sunod ko’ng tanong

“Kagabi lang. Balak ko sana kukwento ko nalang sayo bukas pagdating sa school para personal.”

“Eh ano nga nangyari? Sino nakipagbreak tska bakit kayo nagbreak?”

“Pwede ba’ng bukas ko nalang sabihin sayo sa school? Di kasi ako kumportable na pag usapan yan ngayon.” Naku naman bibitinin pa ako! Tsk

“Ah ganun? Ok sige.”

“Sige bukas nalang. See you.”

Agad ko nireplyan si Gavin matapos naming magkausap ni Jonie.

Call mo ko. Now na.

-me

Sayang ang load ko no. Sya nalang patawagin ko! At ng mag ring ang phone ko, dali dali ko itong sinagot.

“Dali na, kwento. Gusto ko complete details ha.” Agad ko’ng sinabi bago pa sya makapagsalita sa phone

“Nakipagbreak sya sa akin kagabi.”

“Baket, ano’ng katarantaduhan ba naman ginawa mo?”

“Kasi.. sabi ko.. may—gusto ako’ng iba.” Ok. Stop. Tama ba narinig ko? Hindi ako nakaimik sandali. Gusto ko ba’ng malaman sino yun? Itatanong ko ba sino?

“Hindi mo ba itatanong sino?” dagdag nito

“S-sino?” pautal utal ko pa’ng tanong

“Diba sabi ko sayo may sikreto ako’ng gugustuhin mo’ng malaman. Ito yun.” Leche dami dami pa’ng sinasabi

“Ewan ko sayo! Makahanap nga ng matinong makakausap!” pinatayan ko na sya ng telepono bago pa sya may masabing iba. Dahil sa totoo lang, natatakot ako, ayokong malaman kung sino yung babaeng gusto nya liban kay Jonie.

Panigurado kasi, masasaktan din ako.

Kinabukasan sa school. Ramdam ko na ang tension sa pagitan ng dalawang bestfriend ko. Pero today, hindi na nagpapansinan ang dalawa. Kinwento sa akin ni Jonie yung nangyari, at tulad nga ng sabi ni Gavin, nakipagbreak si Jonie dahil nga daw umamin to’ng si tukmol na may gusto syang iba.

“Ay gago.” Yun nalang nasabi ko pagkatapos ng nalaman ko mula kay Jonie

During one class activity, nasaktong ka group ko si Alkvin. Tumabi ito sa akin.

“Uy, ano sabi ni Jonie?” bulong nito

“Alam mo ang tanga mo.” Imbis na masagot ko ang tanong nya, dahil sa sobrang inis ko kaya ito ang nasabi ko.

“Alam ko.” Seryosong sagot nito na nakayuko

“Buti.” Mataray ko’ng sagot

“Sinabi rin ba nya sayo sino?” mahinang tanong nito

Teka. Alam ni Jonie sino? Bakit di nya sinabi sa akin? Hmm.

“Di naman ako interesado.” Yun nalang ang nasagot ko. Tulad nga ng sabi ko, yoko na rin naman malaman pa.

Bakit nagkakaganito? Nagka inlove-an ang dalawang bestfriend ko. Tapos isang buwan pa lang ang nakakalipas break na agad? Parang tanga naman kasi. May gusto palang iba itong si Gavin eh bakit niligawan pa si Jonie? Gagu talaga.tsk

Bago umuwi, nagtext sa akin si Gavin na kung pwede mag usap muna daw kami sandali. Kaya naman pinauna ko na si Jonie umuwi. Ano naman kaya sasabihin nito?

“O dali na, sabihin mo na gusto mo para makauwi na rin ako.” Pagsusungit ko ditto

“Hindi ba sinabi sayo ni Jonie sino yung ibang gusto ko?”

“Yun lang ba ang pag uusapan natin? Diba nga sabi ko hindi ako interesado?” patalikod na ako ng biglang hawakan ni Gavin yung kabilang kamay ko.

“Ayaw mo ba talagang malaman yung sikreto ko?”

“Bakit ba, kailangan talaga malaman ko? Osige sabihin mo na kung talagang atat ka’ng ipaalam sa akin yang sikreto mo kahit na hindi naman ako intere—“ natigilan ako ng bigla nya akong yakapin

“Ikaw.” Isang maikling salita. Apat na Letra. Pero nakayang patigilin ang buong mundo ko. Para ba’ng sasabog ang dibdib ko at hindi ko malaman ano ang gagawin. Ano ba’ng dapat na maging reaksyon ko? Diba dapat Masaya ako? Diba dapat kinikilig ako? Pero hindi ganun.  Kinakabahan ako.

Simula ng magtapat sa akin si Gavin, iniwasan ko na sya. Di ko nirereplyan mga text o tawag nya. Di ko rin sya pinapansin sa school. Wala naman reaksyon si Jonie, at kahit alam ko’ng alam nya na ako ang dahilan kung bakit sila nagbreak ni Gavin, never naming napag usapan ang tungkol dun. Mas mabuti ng di nya alam na alam ko na ang lahat.

Hindi ba nakakatawa? Since elementary magkakilala na kami ni Gavin, pero ni minsan hindi ko inexpect na magkakaroon kami ng feelings na more than friends para sa isa’t isa. Para ba’ng pinaglalaruan kami ng tadhana.

Bestfriend Problem (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon