Prologue

30.7K 768 109
                                    

Prologue

Vanessa Wolfe

Patingin-tingin lamang ako sa bawat hallway na madadaanan ko habang hawak-hawak ang mapang ibinigay sa 'kin ni Principal Henrietta. Nasa braso ko rin ang iilang mga libro na tungkol sa Vlad High.

Bagong lipat lang kami sa Vlad City. First day ko pa lang din dito sa Vlad High at ang masasabi ko lang, ang laki ng skwelahang 'to. Akala ko kasing laki lang 'to ng school na pinasukan ko sa previous school. I didn't expect din na maganda ito sa personal.

May sariling building ang mga nursery, elementary, junior high at senior high. Kaliwa't kanan naman ang mga cctv para siguraduhing ligtas at may record ang school sa mga estudyante na pumapasok at lumalabas. Mahigpit din ang kanilang security kaya masasabi kong ligtas kami dito sa loob.

I always saw this school through internet. Medyo sikat din ang Vlad High kaya nang inanunsyo ni mama na lilipat kami dito, tuwang-tuwa naman si kuya Vann. He's Vann Wolfe and I'm Vanessa Wolfe. May bunsong kapatid din kami na si Vinn Wolfe. Grade three student sa Viktoria Elementary school.

Nasa grade 9 ako samantalang nasa senior high si kuya Vann dito sa Vlad High.

Umayos ako ng tayo nang makitang magsisimula na ang klase namin, sakto ay nakita ko na ang magiging classroom ko. Class A-V1. 

Napatingin sa 'kin ang babaeng may suot na half moon eyeglasses na naka-messy bun ang buhok at pencil skirt, tucked in an orange blouse. Sinuri niya ako nang maigi't pinapasok sa loob. Nahihiya akong lumapit sa kaniya't ibinigay sa kaniya ang mga papeles na kailangan kong ibigay sa kaniya ayon kay principal.

"Oh, you're the transferee? Welcome to Vlad High, dear. I'm your adviser this school year, Mrs. Amelia. Ipakilala mo na ang iyong sarili, Miss Wolfe."

Naiilang ako dahil nakatingin halos lahat sa akin habang nakatayo sa harapan, bitbit ang iilang mga gamit ko.

Tumikhim ako. What should I do when I'm in front of my new classmates? Argh. Ayoko sa lahat na magpakilala sa harap ng marami.

"I'm Vanessa Wolfe, transferee from Adelaid. I hope I could get along with you all. Thank you." 

Dali-dali akong bumalik sa upuan ko at kita sa sulok ng mata ko na ang talim ng tingin nila sa akin.

I don't know why but they're giving me goosebumps. This will be my new life in our new home. 

* * *

Matapos ang klase ni Mrs. Amelia, pumunta ako sa locker area para mag-switch ng libro para sa next subject. The school's awesome. 'Yun nga lang, maraming mga mata na tumititig sa akin. Is this how they treat a new student here? Well, if that's so, I'll thank them.

Tanging ang nag-welcome lang sa 'kin dito ay ang adviser naming si Mrs. Amelia at si Principal Henrietta.

"You're a transfer student from Adelaid." Hindi 'yon tanong kundi statement. 

I slammed my locker at nilingon ang lalakeng isang locker lang ang agwat mula sa akin sa kanan ko. Nakabukas ang kaniyang locker at may kinakalikot siya doon. He's wearing the school uniform of boy's habang nakasabit ang kaniyang bag sa kaniyang balikat.

Nginitian ko siya ng sarkastik at hinigpitan ang hawak na libro na gagamitin ko para sa next subject. "If that's how you treat a new student here, thank you."

Hindi man lang nag-welcome sa akin dito sa school nila. Hindi man lang niya ako sinabihan na "Oh, hi new girl! Welcome to Vlad High!" Hmp. Bahala sila dyan.

Maglalakad na sana ako pabalik sa classroom nang may pahabol siya.

"Welcome to Vlad High. I'm Dirk Luthor by the way."

Tsaka ko lang nadinig ang pagsara ng locker niya at ang papalayo niyang lakad. Napangiti ako. That's the first. Sana naman maganda ang trato sa akin ng mga taga-rito.

Since may ten minutes pa bago ang next subject, naglibot-libot muna ako. Maraming buildings sa Vlad High. Hindi ko nga lang alam kung saan dito ang senior high building. Gusto ko kasi makausap si kuya Vann at tanungin kung ayos lang ba siya sa new school namin.

"Good girls are not allowed in here."

Napahinto ako sa paglalakad at inilibot ang paningin. Nasa may kakahuyan pala ako sa bandang soccer field. 

Hinanap ko ang boses na 'yon tsaka nagulat nang may tumalon mula sa puno na nasa harap ko. Saktong naglanding sa harap ko ang lalake na may gulo-gulo ang buhok at nakabukas ang isang butones ng polo niya. Kitang-kita ko ang itim na t-shirt niya na panloob.

"What?" naguguluhang tanong ko. 

Sa itsura pa lang niya, mukha siyang siga dito sa school na 'to. Or a gangster. Or a bad boy. Or.. whatever you can call a bad guy.

"My number one rule is; never let me repeat what I've said. And never let me show your face in front of me again, ugly."

Literal akong napanganga at sinundan siya ng tingin. Tinitigan ko ang likod niya at nakapamulsa pa siyang naglalakad. What the? Sira ulo ata 'yon. Takas mental. Tinawag ba naman akong ugly?!

~High! School Vampire~

High! School VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon