Chapter 5
Vanessa Wolfe
Kasalukuyan kong inaayos ang buhok ko habang nakatanaw sa labas ng bintana mula dito sa kwarto ko.
Sinuklayan ko lang 'to at tinali into ponytail. Ang suot ko naman ay simpleng black blouse na may print na panda at maong jeans. Hindi ko sinuot 'yong binili para sa akin ni Alvira dahil hindi nga ako sanay sa mga above the knees. O yung mga dress. Kadiri.
"Vanessa, may lakad kami ng papa mo--" napatingin ako sa pintuan at nakitang bihis na bihis si mama. Naka-dress pa ang matandang maganda. "Saan ka pupunta? Pati kuya Vann mo bihis na bihis."
"Sa birthday party ng taga-Vlad High ma," tanging sagot ko at inayos na ang bag na gagamitin ko.
Ang tanging laman lang naman sa bag ko ay cellphone, wallet at perfume. May isang notebook din na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko niyan.
"Talaga?" napahinto ako at nilingon si mama sa may pintuan. Parang nagti-twinkle ang mga mata niya dahil sa sagot ko. Akala ko ba magagalit siya dahil aalis ako sa gitna ng gabi?
"May mga kaibigan ka na ba do'n at pupunta ka sa birthday party? Yii! Isang himala ata 'to!"
Napailing nalang ako at medyo kumurba ang dulo ng labi ko. Noon pa man, wala akong nabanggit kay mama at papa na may kaibigan ako--eh wala naman talaga akong kaibigan noon. Kaya niya siguro sinabing isang himala na pupunta ako sa birthday party ay dahil akala niya may kaibigan na ako.
Well, meron. Pero hindi ko pa alam kung ano ang relationship namin ng tatlong weirdo colored girls na 'yon.
Tsaka, never in my whole life akong pumupunta sa mga party. Bahay, mall at school lang ako palagi. Kahit inimbita ako, hindi rin ako pumupunta. Kaya, isang himala ito para sa buhay ko at kay mama at papa.
Nakakatuwang tingnan na ang saya-saya ni mama ngayon. Kaya nga napangiti ako nang makitang masaya siya.
"Ay, teka. Kung si kuya mo aalis tapos ikaw din aalis, sino ang magbabantay kay Vinn?" napahinto ako at muling nilingon si mama. Umayos ako ng tayo tsaka siya nginitian.
"Ma, dalhin niyo nalang si Vinn. Hindi naman pwede na dalhin ko siya doon. Alam mo naman ang mga utak ng mga high schoolers, baka mamaya maimpluwensyahan pa si Vinn."
Tumango-tango naman si mama, "Tama. Sige, bibihisan ko muna si Vinn. Tsaka umalis ka na at baka hindi mo na maabutan si kuya mo."
Humalik muna siya sa pisngi ko at nagpaalam. Sinukbit ko ang bag at naglakad palabas ng kwarto. Hindi pa man ako nakababa ng hagdan, nakita ko si kuya na bihis na bihis na.
NakaT-shirt siya, maong jeans at ayos na ayos talaga.
Tinawag ko siya kaya napalingon siya sa akin at tinaasan ng kilay. Aba, feeling din nitong baklang 'to, ah.
"Sabay nalang tayo," tanging sabi ko at naunang naglakad sa kaniya palabas ng bahay.
* * *
Nang makarating kami sa subdivision na katabi lang sa amin, humiwalay na sa akin si kuya dahil nakita na niya ang mga kasama niya. Samantalang ako, patuloy nalang sa paglalakad.
Madilim na ang paligid at dinig na dinig ko ang mga kaluskos ng mga insekto mula sa gilid kung saan may bakanteng lote. Being a vampire, talagang nakakarinig kami ng mga ingay mula sa malayo kahit na napakahina sa pandinig ng mga tao.
Dinig na dinig ang malulutong na patay na dahon na naaapakan o nadadaanan ng mga insekto.
Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko ang malaking bahay na parang may disco sa loob. Andami ding mga bampira na nakikita ko at parang sumasayaw. Kahit saan. Kahit sa balkonahe o sa garahe. Pati sa tapat ng gate.
BINABASA MO ANG
High! School Vampire
Vampire✓| NOW AVAILABLE TO READ IN DREAME When you say leave, she'll stay. When you say stay out of it, her curiosity gets deeper and let herself be in trouble. Vanessa Wolfe, the girl that everybody talks about. Mysterious, two-faced or probably, a prete...