[05|25|2017]
CHAPTER EIGHT
Pia's POV'
Nakakapagod ngayong araw, kaya nahiga muna ako.
Matutulog nalang ako, kahit anong oras pa ako bumangon bukas. Tutal sabado naman bukas! Magiging mahimbing tulog ko ngayon.
Hay!
Pipikit na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko.
Sino naman kaya to?
* tok tok tok *
Inayos ko muna mukha ko, siyempre ah.
* tok tok tok *
"Anjan na!" Sigaw ko ng hindi malakasan.
Pagbukas ko ng pintuan ko,
Si Tyler.
"Ano na naman ba ginaga--" Di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Shut up!" Sabi nito tapos biglang humiga sa kama ko na padapa.
Aba! Magaling, eh bat di siya dun sa unit niya? Nang hindi siya nabibingi sa lakas ng pananalita ko.
"Bat ba---"
"Tumahimik ka kung gusto mo pang manatiling virgin" Paputol niya sa sasabihin ko.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng may kahalong excitement.
Omg! Mangyayari na! Ngayong gabi ko na ba isusuko tong perlas ng silanganan ko? Masakit kaya?
Ay hindi! Ano ba tong iniisip ko! Ang dumi-dumi ng iniisip ko!
Pia! Inhale, Exhale... Di pa to yung tamang panahon para isuko ang perlas mo okay?
"Seryoso ako Tyler!" Sabi ko "Bat ka ba nandito? Anong kailangan mo?" Dugtong ko.
Iminulat naman niya ang kanyang mga mata at biglang nag-Indian sit sa kama ko, paharap sakin.
"Wala, gusto ko lang makasama girlfriend ko" Sabi niya.
"Ano?!" Gulat na tanong ko.
"Este, Fake girlfriend ko" Paglilinaw nito.
"Pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Tanong niya.
Oh. My. God. He's doing it. Nag pacute pa. Bat ang gwapo niya?
Kahit na! Di niya ako madadala sa mga pacute-cute niyang yan!
"Huh?! Hindi.. hindi pwede, may room ka kaya dun ka!" Pagtatabuy ko sa kanya sabay hila ko sa kanya.
Pero malakas siya.
Diko siya tinigilan.
"Halika na! Tumayo ka na jan! Inaantok na ako eh!" Sabi ko rito pero ayaw niya paring tumayo.
Patuloy ko pa rin siyang hinihila nang bigla niya nalang ako hinila palapit sa kanya.
Kaya naman napa-dapa ako sa dibdib niya.
Omg! Ito na ba yun? Shit yung tingin niyang yun parang nang-aakit.
No! Stop it Pia! Wag kang mag padala.
Kaya bigla akong bumangon.
"Bumalik ka na sa room mo" Sabay sabi ko.
Sumunod naman siya, bumalik naman siya sa room niya.
Why am I acting like this?
Humiga ako sa kama ko, at tinitigan ang kisame.
Walang anu-ano ay naka-idlip na pala ako.
BINABASA MO ANG
When Mr. Pervert meets Ms. Nobody
Teen FictionSa plano ng magulang ni Sophia na pag-aaralin na siya sa Pilipinas, buti nalang ay sa school ni Zoe siya inenroll, Si Zoe, kaibigan niya since bata pa sila. •TEASER• GUY #1 "Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ko sa kanya. "Can you...
