[02|17|2017]
CHAPTER FOUR
Pia's POV'
"Zoe! Pasyal tayo" pagyayaya ko sa kanya.
"Huh? Saan naman tayo mamamasyal?"
"Halika nalang kasi!" Sabay hila ko sa kanya.
...
"Bili nga muna tayo ng maiinom, nakakapagod maglakad" hingal na hingal na sabi niya.
Agad naman kaming nakahanap ng store katabi lang Keychain Store.
Tumungo na kami dun at bumili.
Pagkabili namin ng dapat bilhin sa pansarili lang namin, tumungo muna kami sa tabi nitong store. Which is Keychain Store.
Tumingin tingin lang kami hanggang sa may naka caught ng attention ko yung hugis puso, na naka-ukit sa isang pirasong kahoy, ang baduy man pakinggan pero ang cute lang kasi.
Agad kong pinuntahan si Zoe na nakaupo at tumabi sa kanya.
Dada ako ng dada wala man lang pansin.
Kaya sinundan ko ang tingin niya.
"Anong tinitignan mo jan?" Sabay tingin ko sa direksyong tinitignan niya.
"Teka si Ms. Rodriguez ba yun?" Tanong ko.
"Oo, at papunta siya dito sa direction natin!" Kaya bigla kaming tumalikod pareho.
Ilang minuto pa ay dahan dahang kami dumaan sa gilid na nakatakip ang mukha gamit ang mga buhok namin.
"Ahhh. Sa wakas tapos na yung pamamasyal na iisalang pinuntahan" banat ni Zoe sakin.
"Sana naman sinabihan moko na maglalakad lang pala tayo para naisuot ko naman yung robber shoes ko" dugtong niya.
"Di naman fashion show yung pupuntahan natin" banat ko
"Ang sama mo sakin"
Ayun natapos ang araw na yun na kasama siya maghapon.
...
2nd day ko palang dito sa new school ko pero parang ang dami nang nangyari. Ugh!
"Bebe!"
"Bebe?!"
"Pia!!"
"Sophia!!!"
Nagulat na lang ako at nagising sa realidad ng biglang sumigaw si Zoe.
"Ano?!" Sagot ko.
"Ano mo to! Bat ka lutang ngayon?"
"Ka-kas.... tara na nga! Malelate na tayo sa next subject natin"
"Ikaw Pia ah may tinatago ka sakin, wag mong sabihing na inlove ka narin kay tyler ah"
"Inlove ka jan! Baduy mo!"
...
"Miss Taylor and Miss Dela Rosa!" Sigaw samin ni ma'am Rodriguez Filipino teacher namin.
Kasalukuyan parin kamimg nakatayo sa tapat ng pintuan.
"S-sorry ma'am we're late" pagpapaumanhin ni Zoe
"Wag mo kong maingles ingles!!" Sigaw ni Ms. Rodriguez kay Zoe
Ahy sorry nakalimutan kong sabihin. Si Ms. Rodriguez ang filipino teacher na di nakakaintindi ng english.
One time nga nakita namin ni Zoe na nakikipag usap sa isang foreigner.
~ Flashback ~
Nakaupo kami ni Zoe dito sa keychain store habang humihiphip ng softdrinks, ng biglang lumantad sa Ms. Rodriguez kaya napatalikod kami pareho ni Zoe.
Namimili siya ng mga heart na keychain. Nang may biglang lumapit sa kanya na isang foreigner.
"Excuse me, did you know where this place is?" Tanong ni Mr. Foreigner
"This store? You know this is ahmm cold water, este fresh water" sagot ni Ms. Rodriguez
"Wha-wha--"
"Yes, because ahm, you can kuha this keychain ilagay you this bag of you" sagot uli ni Ms. Rodriguez.
Bigla nalang umalis yung foreigner, na badtrip ata, dahan dahan naman kaming naglakad sa gilid na nakatakip ang mga mukha namin gamit ang buhok namin.
Si Zoe kanina pa pinipigilan yung tawa niya.
*End of flashback*
Pinauna ko ng pumasok si Zoe sa loob ng classroom namin.
Naglalakad na ako papuntang CR. Magpapalit kasi ako. Alam mo na :)
Nang may biglang bumangga sakin.
*bogsh*
"Aaawww!!" Sigaw ko
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Pabalik niya
Nagulat ako nung bigla siyang humarap. Si Tyler.
"Tas ako pa ngayon may kasaanan?" Sigaw ko sa kanya.
"Ewan ko sayo"
Yun lang yung narinig ko sa kanya! Wala man lang sorry?!
WMPMMN | end of chapter 4
------------------------------------------------------
Author's Note:
Don't forget to vote and to leave a comment. This chapter will have a continuation. Thank you for all the good feedbacks.
Some part of this chapter is revised.
Edited.
God Bless.
BINABASA MO ANG
When Mr. Pervert meets Ms. Nobody
Teen FictionSa plano ng magulang ni Sophia na pag-aaralin na siya sa Pilipinas, buti nalang ay sa school ni Zoe siya inenroll, Si Zoe, kaibigan niya since bata pa sila. •TEASER• GUY #1 "Marunong ka bang tumingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ko sa kanya. "Can you...
