Chapter 19

171 2 2
                                        

|chapter 19 begins

SOPHIA's POINT OF VIEW

Makalipas ang isang linggo, mas naging malapit pa kami ni Francko sa isa't isa.

Bigla naman pumasok ang teacher namin sa science na si Ms. Janise.

"Okay class, you will be having a group project reporting, 5 members."

Nag grupo grupo na si ma'am.

"Third Group, Sophia, Alex, Francko, Zoe, and Thanner(Tyler) search for Minerals: The Building Blocks of Rocks." sunod sunod na banggit ni Ms. Janise.

"Okay, Isulat niyo lahat ng pangalan ng groupmates niyo sa 1/4 paper and submit it to me." dugtong pa ni Ms. Janise.

Nakaikot ang upuan namin, nakaharap kami sa isa't isa.

Alex-Tyler-Ako-Francko-Zoe (Gawin niyo nalang na Circle ang ayos mahirap gawin rito e haha)

"Ako na magsusula-" Pinutol ni Alex ang sana'y sasabihin ko.

"Ako na." ani Alex

"Okay."

Bigla namang pinindot pindot ni Francko yung braso ko, ang cute niya habang nakanguso.

Nang napagsawaan na niya sa braso ko, yung buhok ko naman ang sunod niyang nilaro, inamoy amoy at kung anu-ano pa.

"Huy! Anong ginagawa mo? ha?" natatawang tanong ko.

"Wala ang bango kasi" ani naman nito.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." sabi ko sabay pisil ko sa pisngi niya.

Bigla naman niya akong kiniliti, kaya napasigaw ako ng bahagya.

"Quiet!" Ms. Janise

"Ikaw baliw ka talaga!" sabi ko ulit na natatawa.

"Baliw sayo." sumbat naman neto at ngumiti na di kita ang ngipin tapos tinaas baba pa ang dalawa niyang kilay.

"Uy langgam! Ang dami!" napatingin naman kami kay Zoe.

"Asan?" tanong ko.

"Joke lang! Alam niyo sa sobrang sweet niyo sa isa't isa di bihirang malalangam kayo!" ani Zoe.

"Sira!" sabi ko.

Natawa naman si Zoe.

"Kakainggit naman kayo!" ani Zoe.

"Guys! Hello? Pwede ba tama na muna ang kalandian? Kung tumulong kaya kayo rito okay?" sabi ni Alex.

"Anong sabi mo?" sabay tayo, na may halong bwisit.

Anong kalandian?

"Pia! Kalma!" ani Zoe sabay hila niya ng kamay ko simbulo para umupo.

"Hayaan mo na," si Francko

"Inggit lang yan" dugtong pa niya.

Umupo naman ako, bigla naman akong pinaharap ni Francko sa kanya at nilaro laro ang aking pisngi.

"Smile na, Smila na si Pia" nakangiting sabi nito.

Ang gwapo niya.

Ngumiti naman na ako at pinisil ko rin yung pisngi niya.

"Opo" sagot ko.

Ibinalik naman niya ako sa dating pagkaka-ayos ng upuan ko.

Ini-angat naman ni Francko ang kamay ko at inamoy amoy.

When Mr. Pervert meets Ms. NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon