Dear Future Husband,
May girlfriend ka ba ngayon? Wala lang. I just feel like asking. Basta wag mo masyadong ubusin ang pagmamahal mo sa kanya. Magtira ka ng kaunti. Darating pa ako at ako na ang bahalang pumuno.
Kumusta kaya ang mga past relationships mo? Curious talaga ako. NBSB ako diba? Nakailang girlfriend ka na kaya? Kung marami ka nang naging girlfriend parang mas nakakapressure. Kasi para expert ka na sa relationship. Kapag naging tayo ay mangangapa pa ako. Depende kung bago kita makilala ay magkakaroon ako ng mga boyfriends na later on ay magiging ex's. By that time siguro baka di ako mangapa. Hindi naman sa makaluma ako pero parang ang sarap lang isipin na na ikaw ang magiging una't huli para sa akin.
Wala pa akong ideya sa itsura at ugali mo pero kinikilig na ako. Gwapo ka kaya? Matangkad? Suplado? Kengkoy? Kasi ako simple lang. I don't wear much make up. Okay na ako sa powder at lipstick or lip tint. I don't like wearing blush on, eyeliner, eye shadows at mascara. Hindi pang super model ang ganda ko. Payat ako din ako at hindi ganoong katangkaran. Bagay kaya tayo?
Love,
Jaime