Dumating ako sa opisina nang mapansin na nagkukumpulan ang ilang kasamahan namin sa station ko.
"Anong meron?", tanong ko. Nagtinginan sila sakin saka itinuro ang mesa ko. Doon ay may isang malaking bouquet ng white roses ay box ng chocolate.
"Ano yan-whoa! Kanino galing yang mga yan?", gulat na sabi ng dumating na si Lenard.
"Tingnan mo yung note, Jamie.", sabi ng isa sa kaofficemate namin. Binuksan ko yung maliit na note.
"For you, Jamie."
-Future Husband
Napanganga ako. Nakaramdam ako ng panlalamig. Shit! Si Future Husband daw? Hindi pwede 'to!
"Naks naman! May admirer na si James!", napansin kong dumating na rin sina Homer at Jake.
"Ang sweet naman ng Future Husband mo, Jamie!", nanatili akong nakatitig sa note. Mabilis kong hinarap ang tatlong kumag dahil sila lang naman ang pwedeng gumawa nito.
"Umamin nga kayo. Kayo ang may gawa nito, ano?!", tanong ko sa tatlo habang nag-aayos sila ng gamit sa kanya kanyang station nila. Napansin kong wala na rin yung mga nakikiisyuso na kaofficemate namin.
"Oy hindi kami ah. Ang usapan tuwing may special occassion lang.", sabi ni Jake. Dati noong nakaraang Valentines kasi at birthday ko ay silang tatlo ang nag-aambagan sa bulaklak at chocolates ko. Sabi nila ay kawawa naman daw ako ang wala akong boyfriend kaya kunwari nalang daw ay meron. Nakakainis dahil may halong pang-aasar iyon pero nakakatuwa dahil may pagkasweet pala ang mga mokong.
"Hindi kami, Jamie. Kahit ako nga nagtataka eh. Tsaka may nakasulat pang 'Future Husband'.", seryosong sabi ni Lenard.
Wala akong ideya kung sino sya pero kinakabahan ako dahil baka sya ang nakakuha ng notebook ko at ngayon ay pinagtitripan nya lang ako. Nakakahiya na medyo nakakainsulto. Personal kong gamit yun. Kung kilala nya ako ay dapat isinoli nalang nya yung notebook. Pakiramdam ko tuloy ay maiiyak ako. Hinang hina ako nang makaupo. Tiningnan ko ang mga bulaklak. Ang ganda pa naman sana kung hindi lang talaga ako kinakabahan. Nakakahiya kung may iba pang makakabasa noon. Magresign na kaya ako?
"Hindi kaya si Stephen.", napatingin kami kay Homer.
"Why? I told you. He looks like he's trying to hit on Jamie."
"Pero bakit 'Future Husband'? Pwede namang Future Boyfriend muna diba?", Jake has a point. Dahil hindi sya si Stephen, dahil kung sino man ang nagpadala ng bulaklak na 'to ay syang taong nakapulot ng notebook ko.
Kahit anong pagcoconcentrate ko sa trabaho ko ay hindi pa rin ako mapalagay.
"Jamie?", sumilip si Trina sa station namin.
"Bakit?", tanong ko dito at tumayo.
"May tawag ka sa phone.", napakunot ang noo ko. Sino naman ang tatawag at talagang extension pa sa floor na 'to ang ginamit. Wala na akong nagawa kundi lumapit sa desk ni Trina at sinagot ang tawag. May kinuha lang na folder si Trina at umalis na.
"Hello?", ilang segundong walang sumasagot sa kabilang linya pero nakakarinig ako ng paghinga.
"Sino-"
"Wife?", napasinghap ako. Boses iyon ng isang lalaki. Pakiramdam ko ay naging triple ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumingin ako sa paligid at mabuti naman ay walang ibang tao.
"Who are you? And please, stop this nonsense. Stop making fun of me.", pagalit kong sabi. Mahigpit ang kapit ko sa telepono.
"I'm sorry. I'm not making fun of you. Believe me, baby."