Chapter 1

40 4 0
                                    

"Oh Jamie, ano bang problema mo? Kanina ka pa aligaga ah.", napasimangot ako habang hinaharap si Jake. Sabi nung janitor ay wala naman daw silang naitapon o nailigpit na notebook galing mesa ko. Tsk. Dapat talaga ay hindi ko na iyon dinala dito. Naiwala ko tuloy. Wala naman sa bahay.

"Nawawala yung notebook ko.", napakamot ako ng ulo. Sa totoo lang ay noong isang araw pa iyon nawawala. Hindi ko rin matandaan kung sa bahay o dito sa opisina iyon nawala.

"Importante ba ang laman?", napaisip ako. Hindi siguro para sa iba pero para sa akin ay Oo. Tapos kapag nabasa iyon ng maling tao, lagot ako. Pero wala namang personal na nakasulat doon tungkol sa pagkakakilanlan ko. It only has my name. Pero kahit na. Akin yun eh!

"Medyo. Hayaan mo na nga.", sumalampak ako sa upuan at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Jake.

"Ano ba laman nun?"

"Listahan ng utang- Hoy! sa pagkakaalala ko may utang ka pang bente sa akin. Nung hindi tinanggap sa vending machine yung fifty pesos mo luma.", biro ko dito. Pero totoong may utang talaga sya.

"Alam mo buti nalang nawala mo yun. Sige na, palitan kong Sola mamaya.", napangiti ako. Nakalibre pa. Humarap uli ako sa monitor saka pinagpatuloy ang ginagawa ko pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nawawala kong notebook. Ano nga bang mga nangyari sa akin? Ang natatandaan ko lang ay sisikan sa elevator nitong mga nakaraang araw. Wala naman akong naramdaman na may nahulog o kung ano. Dumaan ako sa 19th floor para idaan sa department sa itaas yung isang portfolio kahapon. Dun ko ba naiwan? Wala namang pangalan yun kaya di rin masusoli sa akin. Pero daan nalang din ako dun mamaya. Baka makita ko pa.

Ano ba yan!! Pano ko nalang susulatan si Future Husband?!

Steady lang Future Husband ah. Medyo di makakasulat ang mapapangasawa mo. Sorry at ang careless ko.

"Kung bumuntong hininga ka parang ikaw yung pinapaisip kung panu masusulusyunan yung photobomber na building sa likod ng monumento ni Rizal."

"Kasi naman Jake eh!"

"Oo na. Halika ka na lunch na tayo. Maya ka na ulit magmoment dyan. Gusto mo picturan pa kita, tapos post natin sa Facebook hashtag Stolen."

"Nakakaloka! Ang daldal mong biik ka. Tara na nga.", napasimangot ako habang tawa naman ng tawa sa Jake kakaasar sa akin.

Matapos maglunch ay bumalik na kami sa station namin pero tinawag ako ni Ms. Dory, senior BA namin.

"Jamie, favor naman. Wala kasi si George. Dapat sya maghahatid nito sa taas. Pasuyo naman. Libre kita cake.", napangiti ako. Halos dalawang taon na rin ako nagtatrabaho dito at kilala na ako ng lahat.  Alam nilang medyo pilya ako pero mabait at maasahan naman. Kaya alam nilang kaya akong pasunurin ng pagkain. Hay, cake. Masarap pa naman yung Blueberry cheesecake na dinadala ni Ms. Dory. Nakaisang tikim nga lang ako nung huling dala nya.

"Ikaw naman Ms. Dory. Kahit wala nang cake pero nasabi nyo na ah. Wala nang bawian.", ngiti ko habang kinukuha sa kanya yung folders na hawak nya.

"Alam mo naman na favorite kita."

"Ay wag ako Ms. Dory! Masama akong paglihian.", tawa ko pa. Buntis kasi si Ms. Dory kaya hinding hindi ko pwede hindian ang tumulong sa kanya. "Ano po bang gagawin?"

"Bigay mo dun taas tapos pakihintay na mapirmahan lahat. Di mo na kailangan magexplain. Tumawag na ako dun. Ako nang bahala dito.", tumango ako at sinugod na ang pinagagawa nya.

Naisip na tutal ay babalik ako, hanapin ko kaya yung notebook. Pagtanong ko na rin.

Nakarating ako sa 19th floor at mukhang expected na nung HR dun ang pagdating ko. Pinasunod naman nya ako kung saan sya pupunta.

Letters To My Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon