Boy: Neneng, kambing ka ba??
NenengB: BAKIT????
Boy: Kasi,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
,,,, WhoGoat ka nang WhoGoat eh... hahahaha..
Natapos na si Boy Pick up sa kanyang mga pick up lines. Ngayon nauso ang mga hugot lines. Ang hugot lines ay mga expression ng mga youth at gayouth (at mga tuyouth) ngayong panahon. Ito'y pagbuo ng mga qoutes na may pinagHUHUGUTAN o may ibig ipakahulugan higit pa sa literal niyang ibig sabihin. O di kaya patama sa isang tao na nais niyang matauhan.
GOD'S HUGOT.
"Di mo man pansin higit pa sa daigdig ang aking pagtingin."
--John 3:16Actually, hindi 'yan ang John 3:16.
Pero kung nalalaman lang natin, may mga mensahe ang Diyos sa atin sa araw-araw na hindi natin pansin. Malamang dahil sa maraming ginagawa, o mas marami tayong gustong pagtuunan ng pansin.May matindi ring hugot ang Diyos. Tayo'y HINUGOT Niya sa dilim at binigyan ng liwanag upang maranasan natin ang Kanyang pag-ibig. Ito'y naghihintay lamang ng iyong pansin.
Pag gising palang sa umaga, biyaya Niya'y nakahanda na. Kaya sa Kanya ka umasa.Hindi Siya paasa tulad ng iba.
Sa mga susunod na chapters ay ibabahagi ko sa lahat ang ilan sa mga topics na may mga hugot. Ofcourse galing po yan sa Bible at kapupulutan natin ng mga aral upang matugunan ang ating mga hugot sa buhay.
Maaari 'rin itong manggaling sa mga testimonies or galing mismo sa pangyayari sa buhay ko.
Ang hugot lines ay hindi lang dapat natin ini-express para lang may makapansin. Hanapan natin ito ng pangtapat na Hugot din mula sa aral ng buhay.
Napakaganda ng buhay na likha ng Diyos upang ikaw ay malubos. Bigyan mo itong pansin, at hindi ka bibiguin.
Pati nga si Wattpad ay pinasok narin. Upang di ka malayo sa Kanyang piling.
Maging sa mga hugot lines ang Diyos ay may bakas, upang hindi masira ang iyong darating na bukas.#BroHenz