John14:15-21
"Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanma. Ito'y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y sumasainyo at nananahan sa inyo.
Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo."
Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako'y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo.
Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako'y sumasa-Ama, kayo'y sumasaakin, at ako'y sumasainyo.
Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.'"------------------------------------------
Nagiging misearable ang buhay ng marami dahil sa sobrang attach sa isang bagay, pangyayari, ugnayan, tao at kung anu-ano pa.E.g.
-May isang napaka-successful na lalaki ang biglang gumuho ang mundo dahil nalugi ang negosyo. Dahil attach siya ng sobra sa kanyang negosyo, feeling niya ito na ang katapusan ng buhay niya. Hindi na niya napansin na isang beses palang siyang nalugi at mas marami ang tagumpay niya. Kaya hirap makabangon dahil sobrang attach sa nasirang negosyo.-May kabataan na masyadong attach sa Koreanovela. Kaya gusto niya pati love story niya maging ganun kaya frustrated ang naging labas. Hindi niya namamalayan na may napapabayaan siyang kapatid. Hindi niya namamalayan na may angkin siyang galing na pwedeng napakinabangan para maging productive. (Hindi masama ang koreanovela kung hindi ka kinakain ng sistema).
-may isang babae na na-attach masyado sa bagong boyfriend mahal na mahal niya ito. Hindi buo ang buhay n iya pag wala sa tabi ni bf. Dahil sa attachment na sobra, halos magpakamatay nang makipagbreak si bf. Hindi niya naalala na meron pala siyang mga magulang kaibigan na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
-last nalang. May isang tatay na naglilinis ng bagong biling sasakyan. Nandun sa tabi niya ang bunsong anak na naglalaro. Nalingat ang tatay at bigla siyan g nakarinig ng kaluskos. Nang sumilip siya sa bagong sasakyan, nakita niya ang masayang busong anak na ginuguhitan ang ang sasakyan. Nagdilim ang paningin ng tatay at ito'y pinalo ng ubod lakas hanggang sa hindi na makahinga sa iyak at sakit ang bata. Isinugod sa malapit na hospital ang bata ng nanay at natulala ang tatay sa ginawa. At lalo siyang nagulantang nang makita niya yung ginawa ng bunso sa sasakyan. Sinulatan ng bunsong anak ang sasakyan ng matulis na bagay. Ang nakasulat, "i lab yu pa".
Sa passage na ito si Jesus ay malapit na lumisan at iiwan ang mga alagad. May attachment na between Him and the disciples. Kahit alam niyang lahat sila ay iiwan siya sa Kanyang paghihirap, minahal parin Niya sila ng sobra. Mahal niya ang mga alagad pero, alam Niya i-manage ang kanyang mga attachments.
1) Hindi Niya nakakalimutan ang Kanyang AMA.
-Hindi Niya nakalimutan ang mas pinaka-importanteng relasyon na meron siya.
Maraming mga relationship na di nagtatagal dito sa lupa. Kaya Jesus is teaching us to be more attach to to God than other relationships. Di man magtagal ang relationships dito sa lupa, ang Pagmamahal ng Diyos ay mananatili. Kaya nga sabi Niya na Siya ay sumasa-AMA at ang AMA ay sumasa-Kanya.2) Hindi Niya nakakalimutan na Siya'y may Mission. To save the world from sin.
-Hindi Niya hinayaan na ang attachment Niya sa mga alagad ay maging hadlang sa Kanyang misyon para sa ikabubuti ng lahat. Itinuturo sa atin maging Goal oriented.Marami na akong iniwang barkada. Hindi dahil sa gusto ko silang iwan. Kundi dahil minsan may kailangan kang iwan para mapangyari ang purpose ng buhay mo.
Madalas kailangan may bitawan o iwan para para makausad sa lakaran ng buhay. Kung mananatili ang mga relasyon o bagay na ating pinapahalagahan, may parte pa sila sa next chapter ng ating buhay. Kung hindi naman, ibig sabihin tapos na ang papel nila.
Marami sa mga alagad ang hindi nanatili sa pagibig ni Jesus kaya natapos tuloy ang kanilang papel sa paglaganap ng Gospel. Ngunit si Pedro at ang ilan ay nanatili kaya malaki ang naging bahagi nila sa misyon ni Jesus. Kaya nakaabot sa atin ang Mabuting Balita.
-Manage your attachments.
-Focus sa mas mahalaga.
-Maging Goal Oriented.
-Wag maging miserable.
-Masyadong maiksi ang buhay para igugol sa mga bagay na hindi makatutulong sa ating purpose.Amen.