Hatinggabi na, hindi pa rin lumalabas si Matt sa boy’s room nakatulog na yata. Ang iba naman ay kumakanta pa rin sa videoke. Ang karamihan ay nakababad dito sa swimming pool, tulad namin ni Kyle.
“Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me out on the moonlit floor
Lift your open hand
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling
So kiss me” kanta ni Laica sa videoke. Friend ni Raciel.
Lumalangoy si Kyle habang ako naman ay nakaupo lang sa hagdanan ng pool. Hindi ako marunong lumangoy, buti pa siya.
“Paano ka natutong lumangoy?” tanong ko after niya sumulpot sa harap ako galing sa ilalim ng pool.
“Tinuruan ako ng stepfather ko, doon sa ilog na malapit sa probinsya namin.”
“Stepfather…” inulit ko.
“Nag-asawa ng bago si mama. Mabait siya. May kapatid na nga rin akong bago eh.” Ngumiti siya habang sinasabi yon, halatang natutuwa siya sa kapatid niya.
“Talaga? Ilang taon na?” tanong ko.
“Four or five, lalaki. Kamukha ko nga siya.” Naalala ko tuloy ang mukha niya noon bata pa kami. Hindi ko maiwasan mapangiti din.
“Gusto ko pumunta doon.”
“Sa probinsya namin?” gulat niya tanong.
“Hindi, doon oh.” Itunuro ko ang dulo ng pool. “Doon sa malalim.”
“Tss.. sige kapit ka sa balikat ko.” Tumayo kaming dalawa, ang tangkad niya talaga, hanggang balikat lang niya ako. Kumapit ako sa balikat niya, nakahawak lang ang kamay ko sa balikat niya habang dinadala niya ako sa malalim. Pero noong sobrang lalim niya, natakot ako kaya naipulupot ko ang kamay ko sa leeg niya.
“Wag kang matakot, dito lang ako.” Nilingon niya ako sa likod at tiningnan niya ako sa mata ko. Hinawakan niya ang braso ko.
Nasa pinakamalalim na part na kami ng pool, patalon-talon siya dahil six-feet lang ito at 5’10” lang daw siya. Pero hindi ako natatakot dahil sinabi niya na wag.
“Gusto mo bang sumisid?” tanong niya sa akin. “Hahawakan kita. Pupunta tayo doon sa gitna ng pool.”
“Sige.” Inalalayan niya ako habang inililipat ko ang kamay kofrom his neck to his right shoulder. Hawak pa rin niya ako sa kamay.
“On three, lulubog tayo, humawak ka lang sakin, hindi kita bibitawan.” Tumango lang ako, pero sobrang kinakabahan ako. “1…2…3!” sabay kaming sumisid, magkahawak ang kamay, hinihila lang niya ako papunta sa gitna ng pool. Mumulat ako sa ilalim, tanging siya lang ang nakikita ko at ang kamay naming magkahawak. 'Ang gandang tanawin.'
Sabay kaming tumayo ng makarating sa gitna.
Hinihingal pa ako or siguro dahil na rin sa kaba. Nagtawanan lang kami at nag-apir. Hangang leeg ko na dito ang tubig. “Grabe, ang saya nun, thanks ha.” Magkahawak pa rin ang isa naming kamay.
Tumingin ako sa mga nasa gilid ng pool. Hindi ko na namalayan na lahat pala ay nanonood na sa amin. Ang iba ay kinikilig pa talaga. Nakaramdam ako ng konting hiya, kaya binitawan ko ang kamay. “Ahon na tayo.” Niyaya ko na siya.
BINABASA MO ANG
Here Without You (Revising-OnHold)
Ficción GeneralYoung love is pure and true, young love is great. And sometimes, it hurts when you realize that your one GREAT love... was just one WASTED love. But even if you're hurt and everything else were wasted. That One Great Love is UNDYING!