VIII

31 4 0
                                    

Last week of November, 2007

After ng “mahal na yata kita” spiel ni Kyle few day ago, hindi ko na siya masyadong nakakausap. Mas lalo ko siya namimiss. I can’t even get a chance to ask him about it.

‘I really want to see him now’

Isa pa itong si Matt, hindi pa rin niya ako tinitigilan. Palagi siya nagso-sorry. Ang kulit, okay na nga. Basta wag na lang siyang manligaw sa’kin. But he’s always asking for a second chance. Pero ever since naman wala na talaga chance diba.

Ano bang gagawin ko. He’s annoying, pero friend ko siya, and hindi ko rin siya kayang saktan. Just go with the flow na lang hanggang magsawa na siya sa pangungulit sa’kin.

Gusto ko ng kausap. I’ve been to Jillian’s apartment already, pero when I went back in my boarding house, back to blues na naman ako.

Kaya I call Kyle. Sana sagutin niya ang call ko.

Ring…ring…ring…ring

Feeling hopeless.

Ring..rin-

“Hello” hello pa lang niya nabuhay na agad ang sistema ko.

“Hello, busy ka ba?” tanong ko. Feel ko lang busy siya.

“Ah. H-hindi naman. Bakit may problema ba?”

Buti naman, at least makaka-usap ko siya today. Gusto ko ng kausap, or siguro gusto ko SIYA maka-usap. This will make my day.

“Wala naman. Gusto ko lang ng kausap. Pero kung busy ka. Ibaba ko na lang.”

“Miss mo ba ako?”

“Ha..” Sobra.

“Sabi ko kung miss mo na ako..”

“Hindi noh, baka ikaw.” Maka-deny naman ako, parang pinipilit lang.

“Baka ako? Oo nga miss na kita. Pero, teka. Hindi mo ako namimiss? Sabagay madami ka naman barkada d’yan” Parang nagtampo yata, bakit ba sinabi kong hindi.

“Hindi, joke lang yon. Miss na rin kaya kita.”

Obvious na ba ako masyado. Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. I like my bestfriend pero, heto ako walang magawa para makasama siya, ni hindi ko nga maamin kong anong nadito sa dibdib ko.

“Weh, baka naman kayo na noon nanliligaw sa’yo d’yan. Sino nga ba ‘yon?”

“Si Matt? Hindi no, binasted ko na siya.”

“Bakit mo binasted? May ginawa bang kalokohan sa’yo. Ano? Sabihin mo lang sa’kin.” Sounds gustong makipag-away.

“OA ka, wala namang ganon. May nalaman kasi ako tungkol sa kanya.”

“Ano naman ‘yon?”

“I found out na may girlfriend siya, pero hindi sila okay ngayon. And worst, may anak na sila.”

“Talaga, loko ‘yon ah. Subukan lang niya magpakita sa’kin, makakatikim siya ng sapak.”

“Sapak agad, kalma ka lang. At least nalaman ko ng maaga, and no hurt feelings naman kasi hindi ko naman siya type diba?”

“Sabi mo eh. Pero bakit parang malungkot ka, best?”

“I feel bad for his girlfriend and their son. They don’t deserve a father like him, instead he fix their problem. Anong ginawa niya, nanligaw ng ibang babae.” I keep on talking and I noticed na natahimik siya. “Hello, nandyan ka pa ba?”

Here Without You (Revising-OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon