Chapter 2
Constellations
Umaalon sa aking isipan ang mukha niyang natatamaan ng ilaw ng buwan. I can imagine brushing my fingers against the little stubble on his chin, and his deep ebony eyes gleaming under the settle light.
Hindi ko napigilan ang isang ngiting lumalaro sa aking mga labi.
Forgive me, but I live in my dreams. I love how this sick obsession is giving me life. Masaya na ako sa paraang ito.
Huminga ako nang malalim.
Ipinikit ko ang isa kong mata saka inangat ang kanang kamay sa ere. Sticking my index finger out to trace the little glowing stars on my ceiling.
"Cygnus... Eridanus... and Pavo," I sighed. Ibinaba ko ang aking kamay.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking mukha.
I have always wondered...
May tiyak na bang sukat ang kalawakan?
Sa sobrang laki nito, hindi na ako magtataka kung wala pa talaga itong tiyak na sukat. They say nothing is impossible, but the universe has already given us an impossible task.
Huminga ako nang malalim saka tumayo para pumunta sa may study table ko. Kumuha ako ng isang kulay dilaw na papel sa lagayan at gumupit ako ng isang hibla. About a centimeter in its width.
Nais kong malaman kung may ibang buhay din ba sa ibang planeta, kung ano ang itsura nila at kung ano ang lenggwahe nila.
I want to know if there's any supernatural being I could call my muse.
Who is my muse?
I kept asking myself the same question all over again. To whom shall I dedicate my piece? Who stimulates me to do better every time?
But sometimes, I ask the wrong question. Maybe it should be what instead of who.
Marahang umangat ang isang gilid ng aking labi. Hindi ko na naman naiwasang magpakawala ng isang malalim na hininga.
I was four when I learnt about colors.
Katatapos lang umulan noong araw na iyon at nasa may balkonahe kami ni Papa, nagsisiksikan sa isang tumba-tumba habang nagbabasa siya ng libro at umiinom ng kape. Ako naman ay abala sa manikang binili sa akin ni Lola.
Nang pagsawaan ko ang buhok ng manika ay napatingin ako sa medyo makulimlim na langit.
There was a strange thing that's hovering on the gloomy sky.
Strange yet beautiful. I couldn't explain the fascination I felt as a kid. I was in the midst of curiosity and awe.
"Papa, what's that?" tanong ko noon kay Papa. Tinuro ko sa kaniya ang makulay na bagay na nakikita ko sa langit. Sinusubukan ko ring silipin noon kung saan patungo ang dalawang dulo nito.
Sinara niya ang kanyang libro saka ito pinatong sa maliit na lamesa sa kaniyang gilid kung nasaan din ang kanyang tasa.
"That's a rainbow, Farah," he answered with a smile.
Papa was so patient with me. Natatandaan kong marami akong pahabol na tanong noon.
I can hardly spot the difference between blue and indigo.
But now, I can tell the contrast between sapphire and cerulean.
Kinuha ko ang fountain pen na ibinigay sa akin ni Papa noon, it first belonged to my mom. It was my father's wedding gift. He said she loved writing as much as my brother, Kuya Drew. Kay Mama raw nagmana si Kuya.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Opprimo Series # 1)
General FictionFarah only wishes for two things in life-to be acknowledged by her father and to be noticed by the guy she secretly likes. But when things go haywire in her supposedly perfect life, she finds herself in the middle of a mess she can't seem to get out...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte