Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 4

20.7K 668 312
                                    

Chapter 4

Archer

"Kuya, kung sakaling babae ka talaga at may free will kang mamili ng pangalan, ano'ng gusto mo?" tanong ko kay Kuya. He just finished painting my nails red.

"Hestia," agad naman niyang sagot na para bang matagal na niyang pinag-isipan 'yon. After curing my nails under the LED light, it was my turn to paint his nails black.

"Bakit Hestia?" tanong ko ulit. Pinapalitan naman ni Kuya ang kulay ng polish niya. He said he wanted plum instead.

"Kasi kapatid siya ni Zeus, and she's the goddess of hearth, home, and family," aniya. Napatango na lang ako sa sinabi ni Kuya.

"Hestia's a nice name," saad ko. I can't really talk that much when I'm painting something. Naging mas abala ako sa paglalagay ng polish sa mga kuko ni Kuya kaya tipid na tipid din ang sagot ko tuwing may sinasabi siya.

"Si Rhys 'yong naghatid sa'yo kanina, 'di ba? How are things working between the two of you, Bunso? Any improvements?" aniya. Sinadya kong huminto sa ginagawa ko para lang bigyan siya ng isang masamang tingin.

"Same old," I said plainly. Wala naman nang maaasahan si Kuya pagdating sa mga kuwento ko. He likes listening to my mushy stories or whenever I feel so down with this thing I have for Rhys.

The cycle's slowly wearing me off. I don't even know why.

"Sinamahan mo siya kanina sa tattoo shop, 'di ba? So, how was it? How's it like seeing him getting inked?" Kuya Drew was even wiggling his brows.

Bumagsak ang aking mga balikat at napasinghal na lamang ako.

"Pinanood ko lang naman siyang tiisin 'yong sakit. Then he asked me to massage his shoulders and back," saad ko. Namilog naman ang mga mata ni Kuya.

"Minasahe mo siya? Oh my god!" he shrieked. Tinakpan ko ang bibig ni Kuya dahil ang lakas ng boses niya. Sa sobrang pagkataranta ko ay nabitawan ko pa ang nail polish na walang takip. Nalagyan tuloy ang comforter niya.

"Ayan, ikaw kasi," paninisi ko. Para namang wala lang kay Kuya na namantsahan ang comforter niya, kulay puti pa naman!

"Okay lang 'yan, pabayaan mo 'yan. So ano nga, minasahe mo talaga siya?" aniya. Naiinis ako sa ngisi ni Kuya pero mas naiinis ako sa pamumula ng kanyang mga pisngi. Mas kinikilig pa talaga siya kaysa sa akin.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga reaksyon ni Kuya. Every gesture and gentle words mean nothing, that's for sure.

Hindi dapat ako madala.

"Ano nga, minasahe mo nga?" pangungulit niya pa.

"Oo nga," singhal ko. Binalik ko na ang LED light sa lagayan pati na rin ang mga ginamit naming nail polish pagtapos.

Kuya asked me to sit on his bed once again. I was about to leave his room, but he wanted to know more about my recent escapade with Rhys.

I told him everything he wanted to know, not leaving a single detail untouched. I told him how I felt when Rhys held my hand earlier to calm me down. I told him how my demons raged, how my heart pounded so loud, and how I became so lost in my sentiments.

Hindi ko magawang tingnan si Kuya sa kaniyang mga mata habang sinasabi ko sa kaniya ang mga detalye. I am too ashamed. But when he smiled and enlightened me with his words, I was relieved.

"Don't worry, Bunso. Kailangan mo lang magtiwala," he said.

At naguguluhan ako. Saan ako dapat magtiwala?

Hiraeth (Opprimo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon