Chapter 6
Gala
Nakatayo lamang ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang mabigat na pagbuhos ng ulan sa labas. May ilang sanga na ring bumagsak dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin. Hanggang ngayon ay narito pa rin kaming lahat sa factory, nagpapatila ng ulan bago umuwi.
"Hinahanap na ba tayo ni Papa?" tanong ni Kuya Drew. Nakatayo rin siya sa aking tabi, pinanonood ang ulan kagaya ko.
"Hindi pa naman. But I texted him already," sagot ko.
It's almost time for dinner and my stomach is already rumbling. Abala sa paglalaro ng baraha ang iilan sa kanila, kahit ang driver nina Katja ay nakisali na rin. I actually didn't mind if he'd join us. Pero noong humingi siya ng paumanhin sa amin ni Kuya Kaleb kanina ay natuwa ako.
"Kuha lang ako ng pagkain sa pantry, Kuya. May gusto ka ba?" tanong ko kay Kuya Drew. Umiling lang naman siya bilang sagot.
I was on my way to the pantry when I saw Siah at the annex. Napahinto ako.
He was thoroughly examining every detail of my mermaid statue for tomorrow's event. It took me two years to carve and to put all of the pieces together.
And it still blows my mind how he forged my statue in a span of six months. Although, he has been missing little details.
But that's not his fault. Natutuwa ako tuwing hindi niya napapansin ang maliliit na detalyeng iyon dahil sinadya ko silang itago. Those details were only meant for me.
"Is everything okay?" tanong ko sa kaniya. Hindi nakatakas sa akin ang pagsinghap ni Siah dahil sa bigla kong pagsasalita.
Tumango siya. "Oo naman. Tinitingnan ko lang ulit," aniya.
I nodded. Binilin ko talaga kay Siah na parating tingnan ang gawa ko, lalong-lalo na kung may kumupas na kulay o kahit maliit na tapyas. I want everything to be seamless.
"That's good. How about yours?" tanong ko sa kaniya.
"Maayos naman," aniya.
Umupo ako sa isang stool at pinanood siyang suriin ang kanyang gawa.
"How's your brother? You told me he's going to live with you this month, right?" I asked.
Siah did ask Papa for a favor a couple of months ago. Nanghiram siya ng pera para mabayaran ang renta para sa inuupahan niya ngayong condo unit.
"Ah, oo. Sa susunod na linggo na ang luwas niya papunta rito," aniya.
Sinandal ko ang aking likuran sa hamba ng lamesa. I crossed my arms over my chest, still watching Siah.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
Ni minsan, hindi ko naisip ang sarili kong mapunta sa lagay niya. How hard life must be for him? He needed two jobs for a living, and he's still a student. Siya ang nagpapaaral sa bunsong kapatid niya samantalang ang kuya niya naman ang gumagastos para sa gamot ng mama nila.
Paano kung hindi ito ang buhay ko at katulad ako ni Siah? What would I do? Hindi ko maiwasang isipin.
"Ma'am? Okay ka lang?" Siah snapped his fingers in front of me.
I guess he caught me spacing out, lost in my thoughts.
Bumuntonghininga ako't tumango.
Thoughts keep on creeping inside my head in the most unlikely situations.
But on that note, at least Siah's doing something to make his life better. At hindi ko dapat iyon kinakaawaan. His hard work deserves praise and recognition, not pity.
BINABASA MO ANG
Hiraeth (Opprimo Series # 1)
General FictionFarah only wishes for two things in life-to be acknowledged by her father and to be noticed by the guy she secretly likes. But when things go haywire in her supposedly perfect life, she finds herself in the middle of a mess she can't seem to get out...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte