Warehouse

19 1 1
                                    


Nakahiga,
namamanhid ang katawan,
sumusuko,
nawawalan ng pag-asa,
at kritikal ang buhay.

Nakahandusay ako bandang alas-onse ng hating gabi sa rooftop. Duguan, nanlalabo na ang mga paningin, at nag-iisip ng mangyayari sa kabilang buhay.

Masakit, sobrang sakit. Sanay na ako matamaan ng bala. Madalas kong nararanasan yun. Pero di ko aakalaing siya pa ang gagawa nito sa akin.

Kilala ako sa ngalan na "Steel". Isang drug dealer, ilang buwan na pinaghahanap. Hindi silang makakuha ng lead kung sino talaga ako. Walang larawan, sketch or nakakakita ng mukha ko bukod sa mga katrabaho ko. Sa likod ng hoodie at maskara, ako si Leo. Simpleng tao, namumuhay mag-isa sa apartment at hindi kilala ng mga tao, at nagmahal sa isang pulis.

*flashback* (insert effects)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
8:30 pm
"Steel, siguraduhin mong malinis ang trabaho. Pagkadeliver, tumawag ka sakin, dun mo malalaman kung saan mo makukuha yung buong bayad."

"Wag ka mag-alala boss. Sisiguraduhin kong wala tayong sabit."

Pagkababa ng telepono, agad akong nag-ayos. Nagsuot ng damit na hindi ako mamumukhaan, nagdala ng baril at maliit na kutsilyo, at ang bag na naglalaman ng aking idedeliver sabay alis papunta sa nagpag-usapang tagpuan.

12:30 am

Pagdating ko ay agad na bumungad sakin ang dalawang tauhan ng buyer. Nakangiti ang buyer at halatang di makapaghintay na makuha ang bag.

"Sakto sa oras ang dating mo. Mabilis matatapos ang palitan. Halika at magkuwentuhan muna tayo saglit."

"Ang pera, nasaan?"

"HAHAHA! Ikaw nga ang tinatawag nilang "steel"! Ginagawa at tinatapos agad ang trabaho. Kasing tigas ng bakal ang pagaunod sa mga napag-usapan. Trabaho kung trabaho! Ayaw mo ba magkaroon ng kaunting kuwentuhan kasama ang iyong buyer?"

"Ang usapan ay usapan. Ibibigay ko ang bag kasabay ng pagbigay niyo sakin ng pera. Wala sa usapan ang kwentuhan."

"Kung yan ang nais mo. Tutal masyadong maraming oras na tayong nasasayang. "

Pagkabigay ko ng bag, agad inabot sa akin ang case na naglalaman ng pera. Agad kong tinawagan  ang aking amo para sa susunod na mga gagawin. Binigay niya sakin ang petsa at lokasyon kung saan kami magkikita.

3days later sa lumang warehouse malapit na magdilim

Pagpasok ko sa pinakaloob ng warehouse, wala akong nakitang sasakyan. Puro kahon at ang kaibigan kong si Black.

"Steel! Long time no see! Nasaan yung pera? Naririnig ko malaki ang palitan niyo ah."

"Wag kang umasa na may balato ka sa akin hahaha! Si boss? Nasaan?"

"Parating na yun sigurado. Maaga ka dumating wag kang aporado sa sweldo mo. Teka tatawag  ko si boss."

Habang nagriring ang telepono ni Black, may narining kami na malakas tunog. Tila sinira ang pintuan ng lugar.

"Ibaba niyo ang hawak niyo! Mga pulis kami!"

"P*tang*na! Sir, may trobol. Wag niyo muna kunin yung pera."

"Anong plano? Black!"

Walang imik si Black

"Blaaack!!"

"Ano ba!? Kalma! Dating gawi, hatiin yung pera tapos hiwalay tayong tatakas. Kita kita nalang sa dating tagpuan."

Agad kaming kumilos. Kahit maaga kaming tumakbo, may mga naka palibot na pala na pulis sa buong warehouse.
Pansin ko ay may sumusunod sa aking likuran. Sinubukan ko siyang utakan.  Pumunta ako sa isang dead end na parte ng warehouse at nagtago.

"Isang babaeng pulis!?"

Di ako nagtataka dahil babae siya na pulis. Nagtataka ako dahil mag-isa lang siya na humabol sa akin. At kita sa damit niya na hindi siya mataas na uri ng pulis. Tila baguhan.Agad kong hinawakan ang braso, kinuha ang baril at posas. Kinabit ko ang posas sa kanya at sa isang bakal upang hindi na siya makahabol. Bigla kong napansin ang pangalan niya sa kanyang damit.

"Mag-isa ka lang?! Ang tapang! Paalam PO1 De Jesus. Hanggang sa susunod na pagkikita hahahaha!"

Nakatakas ako sa mga pulis. As usual naman lalo na ang humabol lang sakin ay isang private first class na pulis. Pagkatapos namin magkita ulit ni black, nakahinga ako ng maluwag at nakapagpahinga. Kahit madali lang ang pagtakas namin ay di pa rin mawawala ang tensyon. Sadyang sinuwerte lang ako na ganun lang ang humabol sa akin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's notes: hi hahahaha. Di ko talaga alam kung paano sisimulan at di ko rin alam kung anong mga detalye ang ilalagay. I want to be specific sa story para maimagine niyo at hindi puro magkasama kayo ng crush mo yung iniimagine mo. How's the start? Comments? Yung intro kamusta ba? Hahahaha! Salamat sa pagbabasa at hintayin niyo matapos ito. (Kung matatapos). Siyempre I need support to continue this hahahaha. Moral support, cheer niyo ko! Pwede rin financial support! Hahahaha! Yung vote, tsaka suggest niyo to sa iba! I name the chapter "warehouse" kase wala akong maisip. Tsaka guys and gals! Wag kayong tanga! Sa warehouse yung pinaka scene hahaha! 15 votes para sa next chapter. Parang awa niyo na hahahaha!

I'm her cold-hearted dealer, she's my lovely copTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon